Ashley Kryzzia Doxon POV
Nandito ako sa harap kasama sila Mommy and Lia.
Hindi ko alam kung anong trip ni Tyler bakit tinawag akong Hon, Siraulo talaga, May usap-usapan tuloy akong narinig na mag asawa kami at anak namin si Lia.
Mga chismosa talaga.
Nakita kong umakyat na ng stage si Tyler.
"Good morning HA students and of course our Hades Academy Head Mistress, Mrs. Doxon, Our Head Master. Mr. Miller, Our President, Mrs. Colton, Our Vice President, Mrs. Santiago and last our Secretary, Mrs. Zapata." Anunsyo ni Tyler.
Tumingin sa akin si Tyler at ngumiti kaya inikutan ko nalang ito ng mata.
Madami pang dinada si Tyler sa harap at tinawag na sila Mommy sa stage.
"Hi, Good Morning everyone! We're here in front of you because we have something to announce on behalf of Ms. Kryzzia Morgan. Since she's not here, She want us to announce this news for all students at HA." Saad ni Mommy at ngumiti.
"Next week, HA students will be having a camping," Saad naman ng Mom ni Ezekiel.
"We decided that sa beach ang camping niyo for 3 days and Ms. Kryzzia already agreed," Wika ni Mommy.
"Pero hindi lang siya simpleng camping. May mga pa activities na hinanda lara sainyo," Saad ng Mom ni Ezekiel.
After ipaliwanag about sa camping naglakad patungo si Tyler sa microphone.
"Raise your hand if may gusto kayong itanong while our Heads and officers are here." Wika ni Tyler.
May nag taas naman ng kamay kaya napatingin ang lahat doon.
"Yes, miss. What is your question?." Tanong ni Mommy.
"What service po ang gagamitin natin sa byahe?," Tanong ng babae.
"You will ride buses para isang bus per section," Saad ni Mommy.
May nag taas na naman ng kamay at sinagot na naman nila Mommy iyon at isang tanong ang nakuha ng atensyon ko.
"Yes, What is your question mister?." Tanong ni Tyler.
"Totoo ba na mag asawa kayo ni Ashley?," Tanong niya.
Ngumiti naman si Tyler at tumingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
Gago ka Tyler, subukan mo sagutin 'yang tanong na 'yan ibuburol kita di oras,
Nakita ko naman si Mommy na nakangiti sa akin.
Nag sabwatan pa talaga sila, Nakita ko naman sa side sila Kuya Ivan na tumatawa. Tsk, panigurado alam nila 'to, Mga bwisit, pinag tutulungan ako.
"Sorry, mister. But I can't answer your question," Saad ni Tyler.
Pag katapos ng meeting sa gym agad na ako tumayo at pumunta sa classroom.
Nakita kong papunta na sila Jaxon dito kaya lumabas muna ako para mag cr.
Alam kong tatanungin nila ako sa mga nakita nila kanina. Tsk, pati ba naman sila naniniwala do'n.
"Ate Ash, Saan ka pupunta?," Tanong ni Austin.
"Cr lang, Sandali." Sagot ko at lumabas na ng room.
Noel Bryan Gonzales POV
Pag dating namin sa room, Nadoon na si Ash pero tumayo ito.
BINABASA MO ANG
My Gangster Queen
Teen FictionBabaeng walang kinakatakutan, Babaeng walang inaatrasan, Babaeng matapang, malakas, maliksi at kung ano ano pang mga katangian na mayroon siya. Ayaw na ayaw niyang may malapit sakanya dahil ito ang kaniyang ikapapahamak o magiging kahinaan. Nagbago...