Chapter 47

17 2 0
                                    

Xavier Ford POV


Nagising kami dahil sa malakas na kalabog ng pintuan.

"Oh, gising na pala kayo." Wika ni Barton.

"Ano bang kailangan mo?!," Sigaw ni Jaxon kaya nakatanggap s'ya ng suntok sa tauhan ni Barton.

"Sayang hindi namin mahanap ang kasama niyong magandang babae." Natatawang wika ni Barton kaya mas lalong nag init ang ulo ko.

Wag mo siyang idamay dito, wala siyang kasalanan.

"Huwag na 'wag mo siyang idadamay dito kung hindi ako ang makakaharap mo!," Sigaw ni Lucas.

Halatang nagtataka ang iba sa sinabi ni Lucas, pwera lang sa amin ni Jaxon at Austin dahil alam namin na mag kapatid sila.

"Paano kung idamay ko s'ya?," Nakangising wika ni Barton.

"Don't you dare, Barton." Malamig na wika ni Kiel.

Nakita kong ngumisi si Barton at tumango sa mga tauhan niya.

Agad kaming pinag susuntok at pinag tatadyak, hindi kami maka ganti dahil nakatali kami.

"Ah! Tangina ka!," Sigaw nila.

*Pag ako naka laya dito Barton papatayin kita!," Sigaw ni Bryan.

"Talaga?," Natatawang wika ni Barton.

Biglang namatay ang ilaw pero bumalik din ito kalaunan.

Nakita namin na naka bulagta na ang lahat.

Nandito na s'ya.

"Hindi ka talaga patas lumaban, Barton," Malamig na wika n'ya.

Parang may nag iba sakaniya? Baka nahihilo lang ako dahil sa tama ng tranquilizer.

"Ikaw na naman?!," Galit na sigaw ni Barton.

"Yes, say hi to your worst nightmare," Seryosong wika n'ya at ngumisi kahit naka takip s'ya ng mask alam namin na ngumisi ito.

Lumapit ng kaunti ang babae kay Barton at umaatras naman si Barton.

Tsk, duwag,

Pinipilit niyang buksan ang pintuan pero ayaw ito mabukas.

"Trying to escape?." Saad ng babae rito.

"Well sorry to say but, You can't." Sa pag sabi n'ya ng 'You can't' sinapak niya ito at bumagsak sa sahig, tulog.

Lumapit siya sa amin at tinggal ang pag kaka tali.

"Thank you," Wika ni Jaxon.

"Bakit mo ba kami nililigtas?," Tanong ni Kai.

"Tumigil ka nga diyan, nililigtas na nga tayo nag rereklamo kapa." Wika ni Bryan.

"Sino ka?," Tanong ni Liam at natigil siya sa pag lalakad ng tumalikod siya sa amin.

Humarap ito at tumingin sa amin.

"You really want to know me?," Tanong niya at tumango naman kami.

Tinggal nito ang mask niya at nagulat kami.

Akala ko ikaw ang nag liligtas sa amin, Ngunit iba pala. Pero parang may mali.

"You look familiar." Wika ni Kiel.

Tumingin naman kaming lahat sakaniya.

"I need to go now." Wika n'ya at mabilis na umalis.

Agad na kaming lumabas at pumunta sa hideout namin.







My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon