(Continuation of FlashBack)
Pumasok na kami sa gusali kung saan dinukot si Danica.
"Damien, Damian, Collin, Bryan. Check niyo ang mga rooms." Wika ni Lucas.
"Copy." Sagot nila.
Umakyat na kami sa ikalawang palapag at pinag sisipa ang mga pintuan, Hanggang mapunta kami sa dulo ng gusali at sinipa ang hulimg pinto.
Nakita namin ang mga tauhan ni Barton at pinaulanan namin sila ng mga bala.
Nakita kong wala sa kwarto si Danica kaya mas lalong nanoot ang galit at kaba sa akin.
Pumunta kami sa pinaka taas ng gusali at nakita sila Barton na hawak hawak ang walang malay na si Danica.
"Dumating ka." Masayang wika ni Barton.
"Give Danica to me," I said.
"Hindi ako tanga Sebastian para ibigay siya sayo." Sigaw na saad ni Barton kaya nagising si Danica.
"Z-Zekiel H-Help m-me." Nahihirapang saad ni Danica kaya mas lalo akong nagalit.
Sinaktan niyo ang mahal ko.
kHold on Nica, Don't leave me." Wika ko.
"Y-yes Z-Zekiel." Sagot niya.
"Tama na 'yang drama. Sugurin niyo sila!." Saad ni Barton sa mga kasamahan niya kaya sumugod sila sa amin.
Marami sila pero hindi ako tanga para sumugod ng 12 lang kami.
Nagpatawag ako ng mga tauhan ko sa HQ.
Nakita kong nahihirapan na sila LIAM dahil parami ng parami ang kalaban,
Nakita kong umalis sila Barton kasama si Danica kaya sinundan ko sila.
May mga humarang sa akin at pinag sisipa sila sa tyan at pinaputukan ng bala.
Sinundan ko sila hanggang sa nakita ko nalang si Barton na buhat ng tauhan niya si Danica na itinatakas.
Susundan ko sana ng harangin ako ni Barton.
Sinuntok ko siya sa mukha dahilan para mapaupo siya sa sahig, Agad naman siyang tumayo at ginantihan ako ng suntok.
Kumuha siya ng dagger galing sa kaniyang likod at akmang sasaksakin ako ng sipain ko ang kamay nya dahilan para lumipad ang dagger na hawak nya.
Sinipa ko siya sa tyan at pinag susuntok sa mukha
"Mahina ka parin hanggang ngayon Barton." Sigaw ko.
"Akala mo lang 'yon." Saad niya at agad akong sinipa sa tyan kaya napaupo ako sa sahig,
Agad niya kinuha ang dagger at sinaksak ito sa hita ko,
Napahiyaw naman ako sa sakit dulot ng pag saksak niya sa akin sa hita.
"Ngayon, Sino ang mahina sa atin Sebastian?," Saad niya at tumakbo paalis.
Nakita kong pumasok siya sa isang katabing gusali. At dahil malayo iyon at matatagalan ako dahil sa saksak ko sa hita, Tinawagan ko sila Lucas.
"Seb, Ayos kalang? May sugat ka." Saad ni Lucas.
BINABASA MO ANG
My Gangster Queen
Teen FictionBabaeng walang kinakatakutan, Babaeng walang inaatrasan, Babaeng matapang, malakas, maliksi at kung ano ano pang mga katangian na mayroon siya. Ayaw na ayaw niyang may malapit sakanya dahil ito ang kaniyang ikapapahamak o magiging kahinaan. Nagbago...