Babaeng walang kinakatakutan, Babaeng walang inaatrasan, Babaeng matapang, malakas, maliksi at kung ano ano pang mga katangian na mayroon siya. Ayaw na ayaw niyang may malapit sakanya dahil ito ang kaniyang ikapapahamak o magiging kahinaan. Nagbago siya simula ng mawala ang mga importanteng tao o bagay sakaniya, at sisiguraduhin niyang hindi na mauulit ang pangyayaring iyon, ngunit mapipigilan ba n'ya ito? Maipag hihiganti ba niya ang mga mahal n'ya sa buhay o mauuwi lang sa wala ang lahat? Sabay sabay natin tuklasin ang kan'yang buhay, Kung anong buhay ang mayroon si Zia.