CHAPTER 3

140K 3K 210
                                    


Rebecca's P.O.V

It's Tuesday today, school day. Now, I'm in front of the mirror, at pinagmamasdan ang aking sarili.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, kakaisip sa annoying driver na yun.

Grabe nakakainis, of all people,  why him? Why that guy?  Pinsan pala siya  ni Karen, kaya siguro hindi ko rin siya gusto. Siguro siya rin ang ka-meeting ni Karen sa restaurant that day.

Mukhang ewan, kung makatingin sobra, one thing na nakakainis pa, he was always smirking at me. God! That's sooo annoying!! Paano ko siya matatagalan na maging driver ko. Kung di lang dahil kay papa, hinding-hindi ako papayag eh.

Well, tignan nalang natin kung tumagal siya sakin.

"Okay na 'to." I'm wearing peach sheer loose crop top, denim rip jeans folded at the bottom and beige heels. Terentas ang buhok na nakasabit sa balikat ko at band around my head.

I took my shoulder bag from my bed, and went out my room. Bumaba ako ng hagdan at tumuloy sa dining area to have breakfast.  Pero bigla akong nahinto sa paglalakad.

Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? sasabay talaga siya samin sa breakfast.

"Lynne Doll, nand'yan ka na pala. Ikaw nalang ang hinihintay." Tawag ni papa sakin. Tumingin sakin ang mag pinsan, lumapit ako at umupo sa kabilang side sa harap ni Karen, katabi naman ni Karen ang pinsan niya.

Tumingin ako kay driver, hindi ko alam ang pangalan niya, nakalimutan ko. Again, nakatingin na naman siya sakin at naka-smile. Tinaasan ko lang siya ng kilay, pero ngumisi lang ito na lubos kung kinaiirita.

"Papa, kelan pa nagsimulang isabay ang driver sa breakfast?" Tanong ko sabay tingin sa annoying driver.

"Hindi siya basta driver lang, he's Karen's cousin,  so part na siya ng pamilya now." What the! Hindi kaya lumagpas na sa langit ang tatay ko nito sa sobrang bait.

Hindi nalang ako nag salita pa, kumuha nalang ako ng pagkain at nagsimulang kumain, pero bigla akong natigil sa pagsubo ng mahagip ng mata ko ang suot na kwentas ni Karen.

Pati ba naman ang pag-aari ni mama papakialaman pa ng babaeng 'to.

"Pati ba naman gamit ni mama, gusto mo na rin angkinin?" Hindi ko na talaga kaya 'to, I tried to accept her para kay papa, pero nakakainit talaga ng ulo eh. Natigal-gal si Karen at mukhang nagets naman  nito  ang ibig kong sabihin at napahawak ito sa kwentas. Kahit si annoying driver at papa tumingin sakin.

"Rebecca! Ako ang nagbigay sakanya niyan." Saway ni papa sakin.

"Papa, sana na naman ibili mo nalang siya ng sarili niyang gamit. Hindi yung pati gamit ni mama ibibigay mo sakanya."

"Rebecca anak, hindi na kasi magagamit ang mga yun, sayang naman kung itatago lang." Pag dadahilan ni papa.

"Gold digger" I muttered

"Rebecca!" Narinig ni papa ang pagbulong-bulong ko. Who cares! Gusto ko ngang ipagsigawan sa pagmumukha ng babaeng 'to eh.

"Apologize to Karen." Utos ni papa.

"Hon it's okay, ibabalik ko nalang 'tong necklace-"

"No, it's yours." Putol ni papa sa sasabihin ni Karen.

"Rebecca, apologize." Binitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko.

"Why would I? Totoo naman eh, if she's not, bakit siya nandito?"

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon