I couldn't see him. Natatakpan siya ni Kael. But he seems wearing a leather jacket-- black.
"Kailan ka pa dumating?" Kael asked.
"Last week lang." Hmm! His voice sounds so familiar. Muli kong ibinalik ang paningin ko sa unahan.
"Halika ka, may ipapakilala ako sa 'yo," I heard Kael.
"Hey, dad!" Nakipag manly hug ang bagong dating and siya 'ata ang kapatid ni Kael. I slightly bend my head at the right side to see his face. Nakatalikod kasi siya sa 'kin. Bumitaw ito sa pagyakap kay tito at---
My mouth fell open.
"Hey mom, miss me?" Jesus! I blinked my eyes several times. Am I hallucinating? No way! It can't be! What the hell is he doing here?
I held my chest. I could hear my own heart beat. Parang namanhid ang mukha ko hanggang sa gumapang ang pangmamanhid sa buo kong katawan. Caleb!After hugging tita ay lumingon siya kinauupuan ko. Ang mga ngiti sa labi niya ay nawala bigla. Our gaze met and locked, no one tried to look away or even to blink.
Napakurap ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Mahigpit na palang nakakuyom ang isang kamay ko. It was papa's hand. Pinisil niya ang kamay ko. Tinignan ko si papa at nakita ko kung paano umalon ang dibdib niya. Oh no! Hell no! Malalaman niya ang totoo. Hindi pwede 'to baka atakihin uli siya."Caleb, meet, Becca and her father, Tito Fred. Becca, kapatid ko si Caleb. " Muli akong tumingin kay Caleb nang magsalita si Kael. Nakatitig pa rin siya sa 'kin.
"Halika ka kuya," Janilin dragged him at pinaupo sa tapat ko pa mismo. I lowered my head. God! Anong nangyayari? Of all people siya pa talaga ang kapatid ni Kael. Is this a joke? Napahawak ako sa sentido ko at marahang minasahe. Sumasakit ang ulo sa mga nangyayari, ni hindi ako makapag-isip nang maayos.
"Hija, are you okay?" Tita Veronica asked. I nodded and force to smile. Kael held my hand while papa's still holding my other hand.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" umiling lang ako. How can I stay here kung nandito rin si Caleb.
"So, bro. For good ka na ba dito?" Kael asked after letting go of my hand. Binitawan na rin ni papa ang kamay ko. Muli kong hinawakan ang kubyertos and I started digging on my plate. Pinaglaruan ko lang ang pagkain.
"Maybe," sagot ni Caleb. Nakatungo lang ako. I just pretend that I'm focusing on my food.
"Kuya, did you find your love one? Kaya ka ba umuwi dahil nakita mo na ang mystery girl mo? Gosh! Two years din 'yon ah!" Janilin asked.
"No. Pero dito ko lang pala siya makikita."
"Caleb!" Narinig ko ang may diing bigkas ni tita na parang tono ng isang nagsasaway. Doon ako napaangat ng tingin. His gaze still fixing on me.
Tinignan ko si Tita Veronica na parang na-e-stress. It's quite obvious. They know Karen at tingin ko rin akala nila si Karen ang tinutukoy ni Caleb na hinahanap na babae.
Kaya pala ganun ang titig ni Kael kay Karen at maging sila tita ay hindi pinapansin man lang si Karen at sa tuwing magagawi ang tingin kay Karen ay medyo tumatalim ang titig kay Karen. They don't like Karen. Hindi talaga siguro siya mabuting babae. Sa nakikita ko naman kila tita ay mabubuting tao at hindi matapobre.
Caleb is rich and he can cater to her whims. Bakit niya kailangan pumatol kay papa?
"Hey!" Napaigtad ako ng biglang hawakan ni Kael ang kabila kong pisngi at ipaharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
No More Lies
RomanceBetrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na mahal mo, your young stepmother to be na halos kapatid mo lang dahil sa murang edad nito, your stepmothe...