CHAPTER 7

126K 2.9K 114
                                    

Caleb's P.O.V

Ngayon ang araw ng party sa school nila Rebecca. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa living room, kasama si Karen at Mr. Strausse. Inaantay lang namin ang pag baba ni Rebecca, inaayusan pa kasi ito. May dumating dito kaninang isang bakla at babae na profesional make-up artist daw.

Ako naman bihis na bihis na, three piece suit ang suot ko na binili pa mismo ni Mr. Strausse at Karen.

"Here she is!" Napa-tayo ako bigla ng marinig ko ang hiyaw ng baklang nag-ayos kay Rebecca, maging si Mr. Strausse at Karen ay tumayo din.

Nasa taas ng hagdan ang bakla at babae, pati na rin ang yaya ni Rebecca. Naka-tingin ang tatlo sa may kabilang gilid at malamang si Rebecca ang tinitignan ng mga ito. Hindi nga nag-tagal lumabas si Rebecca, naka-ngiti ito sa tatlo, tsaka bumaling ng tingin sa gawi namin.

Grabe! ang ganda niya sobra, maganda na siyang dati, pero may igaganda pa pala siya. Tingin ko siya na ata ang pinaka-magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. Daig pa niya ang mga artista dito sa bansa.

Tsk tsk! There's Karen Caleb!" - I scolded myself.

Pero hindi ko talaga mapigilang hindi humanga eh. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na gown, hapit na hapit ito sa katawan niya kaya kitang-kitang ang hubog ng katawan niya. Dahan-dahan itong bumababa, naka-tingin lang ako sa kanya.

Hanggang sa makababa na siya, nanatili lang akong naka-tayo at naka-tingin sa kanya.

"Caleb! Caleb!"

"Huh?" Para akong natauhan sa tawag ni Karen.

"Ahaha! Nakaka hypnotize ba ang ganda ng anak ko Caleb?" Bigla akong nahiya sa sinabi ni Mr. Strausse, napatulala na pala ako. Napayuko na lang ako dahil sa hiya at dahil na rin sa sama ng tingin sa 'kin ni Karen.

"Sige na Caleb, my daughter is yours now." Ano daw? Mabilis akong napaangat ng mukha at tinignan si Mr. Strausse.

"Just for tonight Caleb, she's your girlfriend right?" Naka-ngiting wika nito.

"Papa naman eh, hindi po." Tanggi naman ni Rebecca at mukhang nahihiya siya sa biro ng papa niya.

"Sige na Caleb.. just take care of my daughter huh." Lumapit ako kay Rebecca at inialok ko ang braso ko dito. Sinukbit naman nito ang kamay niya sa braso ko.

"We'll go ahead papa." Hinalikan siya ni Mr. Strausse sa pisngi, tsaka kami lumabas ng bahay. Nag-punta kami sa sasakyan at pinag-buksan ko siya ng pinto sa backseat.

"Umm. Dito na lang ako sa harap." Wika niya.

"Ha? Bakit?"May pag-tatakang tanong ko.

"You're not my driver tonight, you're my date." Napangiti na lang ako at muling sinara ang pinto.

Agad kong binuksan ang pinto sa unahan. Sumakay siya at yumukod ako para tulungan  siyang ayusin ang gown niya para hindi ito maipit ng pinto.

Habang naka-yukod ako tumingin ako sa kanya. Naka-tingin rin siya sakin kaya nag-tama ang mga mata namin.

"Ang ganda mo." Halos paanas kong wika, tipid siyang ngumiti.

"Salamat" Tsaka ko sinara ang pinto at nag-lakad papunta sa driver seat, inayos ko ang coat ko habang nag-lalakad at agad na sumakay. Sinulyapan ko muna siya bago ko binuhay ang makina ng sasakyan at agad na pinaandar.

***

Papasok kami ngayon sa gymnasium kung saan idaraos ang ball. Pakiramdam ko ako ang pinaka-maswerte sa lahat dito. Isang napaka-ganda ang ka-date ko ngayon.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon