Chapter 15

111K 2.6K 70
                                    

"Anong gagawin natin, Mahra? Bakit kasi hindi mo dinala ang cellphone mo?" we stuck along the road with flat tire and we have no idea how to change a tire.

"Bakit ba kasi walang katao-tao dito?" angal ni Mahra. Buti na lang at maraming puno sa tabi ng daan kaya may lilim, hindi ramdam ang init.

We decided to go out to find a restaurant. Balak namin sana magpadeliver na lang ng food mamaya para sa dinner. Hindi naman kasi kami marunong magluto kaya nag-decide na lang kami maghanap ng restaurant at mag-padeliver na lang para mamaya.

Tulog pa kasi si Jasper kanina nang-umalis kami, si Caleb naman umalis at nag-iwan lang ng note, may pupuntahan lang daw siya, tapos iniwan pa ang cellphone niya. Saan kaya nagpunta 'yon? Nakakainis siya, nakakatampo, hindi na lang ako ginising.

Masyado kaming nalibang sa pamamasyal kaya ayan, inabot kami na ala-una. May dumaanang isang itim na SUV at biglang huminto sa bandang unahan namin. then, dahan-dahang umatras hanggang sa huminto sa tapat namin. Bumababa ang salamin ng sasakyan at isang gwapong nilalang ang bumungad sa amin. I mean pwede na! Mas gwapo si Caleb ng di hamak dito. Napalingon ako kay Mahra sa bigla pag-ooh nito.

"Hey, miss, something wrong?" tanong niya samin, nakatingin siya sa akin at sinalubong ko naman ang titig niya.

"Na-flatan kami eh," sagot ko.

"Mamang pogi, pwede mo ba kaming tulungan?" ani Mahra. Saglit siyang tumingin kay Mahra at muling tumingin sa 'kin.

Itinaas nito ang salamin ng sasakyan pero ang mata niya-- bakit ganun siya? kailangan talagang makipag-eye-eye habang nagsasara ng bintana? Napangiti ako bigla ng maalala ko si Caleb na ganun din noon tumitig at ngingisi kapag napatingin ako sa kanya. Ganun lang talaga siguro ang mga lalaki. Nangmasara ang bintana ay pinaandar nito ang sasakyan at itinabi. Tinulak naman ako ni Mahra gamit ang katawan niya.

"Kita mo 'yong titig sa'yo?" ani Mahra na pagka-lapad-lapad ang ngiti.

"Anong sinasabi mo?" kunyari ay hindi ko napansin at muling tumingi sa sasakyan na nasa tabi na. Bumukas ang side-door, niluwa nun ang matangkad na lalaki. Muli nitong sinara ang pinto at lumapit sa amin. Naka-white-fitted shirt ito at maong jeans na hapit sa mga hita.

"May tools ba kayo?" tanong nito.

"Parang wala ata eh," sagot ni Mahra. Malay naman kasi namin sa sasakyan na 'to. Kinuha lang ni Mahra ito sa garahe at saktong may susi sa drawer sa kwartong tinulugan namin ni Caleb kaya sinubukan namin.

"'Yong tools ko na lang ang gamitin natin. By the way, I'm Kael," nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman iyon.

"Rebecca," tipid kong sagot. Nakipag-kamay din siya kay Mahra. Narinig namin ang pagsara ng sasakyan niya kaya napatingin ako sa sasakyan niya. Mukhang may kasama ata siya. May isang babae ngang palapit sa amin at kumaway ito samin.

"Hi guys," bati nito, ang ganda niya, para siyang manika.

"Hello," bati namin ni Mahra.

"She's my sister," Kael said.

"I'm Janilin," ani babae ng makalapit sa amin at nakipagkamay.

"Sandali lang ah, kukunin ko ang tool box," Kael said and he went at the back of his car. He returned a few moments later with the tool box. Tinuro ni Mahra ang flat tire sa likuran. Sinimulan niya ang pagkakalas ng gulong.

"Taga saan kayo?" Janilin asked with her cute voice. Siguro 16 pa lang ito.

"Manila, bakasyon lang kami dito," I answered. Tumango-tango siya.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon