CHAPTER 26

110K 2.6K 132
                                    

—Rebecca's Pov—

I WAS about to go to sleep when the door suddenly opened. May kapreng pumasok. Hehe!

"Bakit, Kael?" he dives on the bed.

"Tabi tayo."

"Ayaw ko. Ang ingay mong matulog, daig mo pa ang barko," I complain.

Noong sa NYC kami natutulog naman kami sa iisang kwarto lalo kapag may sakit siya at kailangan kong maging yaya niya. Grabe! Sobra siyang humilik at hirap na hirap talaga akong makatulog. Umupo ako sa kama.

"Sige na, hindi mo ba namiss ang hilik ko?" Natawa ako at hinablot ko ang unan at inihampas ko iyon sa kanyang mukha.

"Lumabas ka na nga, maaga pa ako bukas," I repel him.

Bukas na ang photoshoot at medyo madami-daming naked hombre na namang masisilayan ang virgin eyes ko. Virgin eye? Seriously Rebecca!

"Labas na!" Pinalo ko siya sa tiyan ng kamay ko. Bumangon naman siya pero pagkahaba-haba ng nguso.

"Sige, goodnight." Hinalakin niya ako sa pisngi. He got off the bed and walked towards the door, pero bago niya buksan ang pinto ay nilingon niya uli ako.

"Ayaw mo talaga?" Napapangiting umiling ako.

"Bahala ka. Makakahipo ka na nga ng libre ayaw mo pa." Malakas akong tumawa at binato ko siya ng unan. Binato niyang pabalik ang unan sa 'kin bago siya tuluyang lumabas.

Siraulo talagang lalaking 'yon! Never pa akong nagkaroon ng lalaking kaibigan na ganito ka-close. Kael is a really good man. Hindi siya mapagsamantala kaya nakagaanan ko agad siya ng loob. Para akong nakahanap ng kuya sa kanya. Hindi ako naiilang sa tuwing hahalikan niya ako sa pisngi, sa tuwing yayakapin niya ako.

Inalis ko ang sleep robe ko at iniligay sa paanan ng kama. Hihiga na sana ako ng bigla akong may narinig na parang may nagkakagulo sa labas. Ano kaya 'yon? Tumayo ako at tinungo ang pinto at agad itong binuksan. I saw Kael being pinned  against the wall. Nakukwelyuhan siya ni Caleb at si Janilin ay nakamiron sa dalawa na bakas ang pagkagulat.

"Are you fighting?" si Janilin na medyo nanlalaki ang matang nakatingin sa dalawa. Tinabig ni Kael ang kamay ni Caleb at inayos ang damit niya.

"He was accusing me of stealing his doll." Kael said grinning. His eyes shift to me and started to walk away. Pero muli siyang tumigil at lumingon.

"I don't play doll, bro. Pwede ba, chillax ka naman paminsan-minsan, bugnutin ka lately kaya ka siguro iniwan ng manika mo." Tumawa pa ito nang malakas bago tuluyang umalis.

Marahas na napakamot sa ulo si Caleb at lumingon sa kinaroroonan ko. Ang madilim niyang mukha ay lalong dumilim at kapansin-pansin ang nakatiim niyang bagang.

"So weird. Mga bakla ba kayo?" Napapailing na umalis si Janilin. Isasara ko na sana ang pinto nang biglang lumapit si Caleb at bigla na lang itong pumasok sa kwarto at sinara ang pinto.

"What are you doing!?" Nanlalaki ang mata kong tanong sa kanya. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang titig niya mukha ko.

He took a step closer to me and I stepped back.

"Seriously, Rebecca! Pinapapasok mo si Kael sa kwarto mo na ganyan ang itsura mo!"

Madilim ang mukha niya at ang mata parang maglalabas ng apoy. He continued taking a step towards me, causing me to take a step back. Tinignan ko ang itsura ko at ang nipis nga ng suot ko. I'm wearing only a thin white silk negligee and my taut nipples are cleary visible through the thin fabric.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon