CHAPTER 24

111K 2.5K 72
                                    

-Rebecca's POV-

I FEEL his strong muscular arms wrapped tightly around me. Ang mga daliri niyang halos bumabaon sa baywang ko habang ang malapad na palad niya ay nakasuporta likod ko.

"I've been looking for you. Kung saan-saan kita hinanap dito lang pala kita makikita," halos pabulong niyang wika.

Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Marahang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at tumitig siya sa 'kin. He placed my face between his palms and he gently wiped away the tears in my cheeks with his thumbs.

"I'm sorry," halos pabulong lang na lumabas sa bibig niya. Napatitig ako sa mga mata niya at kitang-kita ko rin ang sakit sa mga mata niya.

"Ang tagal kitang hinananap! I missed you so much! I terribly missed you!" I wrapped my fingers around his wrists and tried to remove them.

"Rebecca, please! Mag-usap tayo! Please!" Pinilit kong pigilin ang mga luha kong namumuo na naman sa mga mata ko.

"I know you hate me! Please talk to me." I shove his hands.

"Hate...! Hate isn't the right term! I despise you!" Sa wakas ay naibulalas ko. He was about to reach my face again but someone interrupted us.

"Becca," si Kael. Agad kung pinunas ang luha ko at sinalubong na si Kael na papalapit sa kinaroroonan namin.

"Nandito ka lang pala. Gusto mo na bang magpahinga?"

"Please," mahina kong pakiusap. Ayaw ko na sanang mag-stay dito. Maging si papa ay ayaw na rin sana pero nakiusap si Tita Veronica. Kaya pumayag na lang ako at sinigurado ko kay papa na ayos lang ako.

Pagkahatid sa 'kin ni Kael sa guest room ay agad din akong humiga pagkatapos kung maglinis ng katawan. Tanging malamlam na ilaw lang na nagmumula sa stand lamp ang bukas. Ayos na rin ang mga gamit ko sa closet na dala ko na kanina pagpunta naming dito.

Mas pinili rin ni papa'ng sa hotel na lang tumuloy sa halip na sa dating bahay namin dito sa Davao. Hindi naman daw siya magtatagal at babalik din sila ng Manila. Medyo may kalayuan daw kasi iyon sa kabisera. Pero bago siya umuwi pupunta kami doon. May care taker naman daw doon kaya paniguradong maayos ang lumang bahay. Nandoon lahat ng alaala ni mama. Mga larawan namin noon na mas pinili ni papa'ng iwan para sa mas mabilis na pagkalimot.

Tanging isang larawan lang ni mama ang mayroon ako na nasa kwarto. Ilang larawan lang ang dala ni papa at pawang family picture 'yon na nakatago lang. Siguro katulad ko ay nalulungkot din si papa kapag nakikita niya ang picture ni mama. Sa tuwing makikita ko ang larawan ni mama noon ay todo ang iyak ko dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya. Tha't why papa kept the picture again. Inilabas ko lang uli ang larawan no'ng natanggap ko na ang pagkawala ni mama. Kaya wala talaga akong ibang alalaala sa childhood ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muli ay umukilkil sa utak ko si Caleb. Hinanap niya talaga ako. According to tita, he sold his own rest house just to find me. I sighed in frustration. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ganito? It's been two years. Dapat hindi na ako apektado. Bakit hindi maalis ang mukha niya sa balintataw ko. Ang gwapo niyang mukha. Nag-matured ang itsura niya at mas gumwapo. Lulukuhin ko lang ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ako apektado sa presensiya niya.

I shook my head and I snapped out of my thoughts. Pinilit ko na lang matulog.

I WOKE up with the warmth of sunlight touches my face. Bumungad sa mga mata ko ang princess style bedroom na hindi ko man lang na-appreciate kagabi dahil sa samo't saring alalahanin. Nilingon ko kung saan nagmumula ang sinag ng araw. Malaking salaming bintana na natatakpan ng makapal na kulay golden yellow curtain. May siwang ang kurtina sa gitna dahil sa hindi maayos na pagkakalapat ng kurtina.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon