Chapter 21

104K 2.5K 63
                                    

-Rebecca's POV-

Sa loob ng mahigit dalawang taong paninirahan sa New York, kahit papaano'y naging maayos ang lahat. Natapos ko ang kurso ko at ngayon ay isa na akong ganap na photographer.

Madami rin akong hinawakang malalaking projects. Hindi rin naging madali ang pag-abot ko sa mga pangarap ko. Ang daming kakompetensya at magagaling lahat. But I had never gave up and I made it. Nakagawa ako ng sarili kong pangalan sa larangan ng photograpiya.

Hindi rin ganun kadali ang naging pagharap ko sa kalungkutan. It took months bago ako unti-unting nakalimot. Nakalimot na nga ba ako?

Napukaw ang pagdaloy ng isip ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gate at bumusina ng tatlong sunod-sunod ang driver. Napangiti ako nang makita ko ang bahay namin. Namiss ko talaga 'to; ang mga tao sa bahay. Bumukas ang gate na pinagbuksan ng isang katulong. Hmm! She's new here.

Umusad ang sasakyan papasok at hustong maihinto ito ay agad akong bumaba. Isang tili agad ang narinig ko. Napangiti ako nang makita ko si Mahra na nasa malaking pinto ng bahay namin. Walang pagbabago. Eskandalosa pa rin.

She runs towards me, giving me a big hug. "I miss you!"

"Namiss din kita!" I pulled away when I saw Jasper carrying a child. Mag-asawa na ang dalawa. Hindi ako nakadalo sa kasal nila. I just sent a gift for them.

"Let's go, I wanna see my inaanak," arm in arm we walked toward the main door.

"Hi, Jas," I greet Jasper at nagbeso kami.

"Oh my God! You're so cute, Baby Noah. Can I carry him?" napaka-gwapong bata. If I'm not mistaken, eight months old na siya. Jasper handed Noah to me.

"Hello, Noah, I'm your pretty tita ninang," malaki na rin sana ang anak ko kung hindi siya nawala.

The pain remains in my heart. I've always dreamed about my child. She's crying in my dream while saying mama. She's a girl. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ito na naman ako. I'm being emotional kapag naaalala ko ang anak ko.

"Hey, why are you crying?" Agad na kinuha ni Mahra si Noah at ibinigay kay Jasper. Agad kung pinunas ang luha ko.

"Sorry, I just remember my baby," niyakap na lang ako ni Mahra.

"Lynne Doll, nandito ka na anak!" Bumitaw ako mula sa pagkakayakap kay Mahra nang marinig ko ang masiglang boses ni yaya. Sinalubong ko siya at agad na niyakap.

"I miss you so much, yaya!" We hug each other very tight.

"Ako ba hindi mo namiss?" Napangiti ako nang makita ko si papa na papalapit. Agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay yaya at agad na nilapitan si papa.

"Syempre ikaw ang pinakanamiss ko. Oh my God, papa! Look at you! You're still handsome," he laughed with delight and it sounds melodious to me. I hug him very tight . I miss him so much. Dumadalaw naman siya sa states pero eight months ago ang pinakahuling dalaw niya sa 'kin  dahil sobra siyang naging busy dito. He looks even better now than  the last time I  saw him.

"Bakit hindi ka na lang nagpasundo sa 'kin?" He said after pulled away from the hug. Gusto nila akong sunduin sa airport pero ako na ang nagsabing 'wag na.

"Hindi na kailangan. So, kumusta ka na papa?" he patted my head.

"I'm good. But I feel much better now, because you're finally home. Dito ka na ba uli?" Kinawit ko ang isang braso ko sa baywang ni papa.

"Not sure papa. Nasa States ang career ko, dinalaw lang kita at may gagawin lang akong trabaho dito," he just kissed me on my forehead.

Natigilan ako nang makita ko si Karen na mukhang galing sa kitchen. Nagtatanggal ng apron. May pag-aalinlangan siyang ngumiti but I didn't smile at her back. I still mad at her. Parang hindi naiibsan ang pagkamuhi ko sa kanya.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon