CHAPTER 17

123K 2.5K 120
                                    

Rebecca's POV

"What!? Kasal!" Papa slammed her hands on the desk and stood up.

"Yes, sir, gusto ko pong pakasalan si Rebecca," muling napaupo si papa at napahawak sa sentido.

"Pambihira kayong dalawa. Kanina lang sabi niyo mag-kasintahan na kayo. Tapos ngayon kasal," nakakagulat nga naman kasi talaga 'yon. Sinasabi pa lang namin na boyfriend ko na si Caleb, tapos sinunod na namin ang kasal. Nagpunta kami dito sa office para lang sabihin ang tungkol sa bagay na 'to.

"Bakit ba kayo nag-mamadali? Tsaka, Rebecca, alam  mong this year ang kasal namin ni Karen."

"I know papa, pero kasi..." hays! How can I tell him that I slept with Caleb. Humigpit ang hawak  ni Caleb, sa kamay ko. Magkaharap kaming nakaupo at magkahawak kamay sa tapat ng desk ni papa.

"Oh! Don't tell me..." hindi ni papa matuloy ang sasabihin niya at sa reaksyon niyang napapangiwi ay mukhang alam na niya. Isang buntong hininga na lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Papa, baka naman pwedeng kami na muna ni Caleb, ang magpakasal. Please!" Again, he let out a sharp sigh. If the air could be  depleted  in the body due to violent breathing.  Siguradong wala ng hangin si papa.

"Ano pa bang magagawa ko. Hindi rin naman ako papayag na hindi mo panagutan ang anak ko. Bantay salakay ka rin no?" napabungisngis ako, natawa rin si Caleb. 

Tumayo ako at lumapit kay papa. Mahigpit ko siyang niyakap. "Thanks papa,"

"Hay, R-Rebecca!" Oh! His voice cracked. Agad ko siyang tinignan sa mukha at mukhang iiyak si papa.

"Ayy! Papa, don't cry," mabilis niyang pinunas ang kanyang mata gamit ang daliri niya.

"I'm sorry, hindi ko kasi 'to inaasahan e. Ang buong akala ko, imposibleng mangyari  'to. Akala ko matagal pa. Naisip ko na nga sanang ituloy ang arrange marriage na gusto ng mama mo pagdating mo ng twenty-five kapag wala ka pang ipapakilalang boyfriend sa 'kin." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni papa.

"Arrange marriage?"

"Don't mind that, usapan lang iyon ng mama mo at kaibigan niya sa Davao noong nabubuhay pa siya." I nod and smile. Tumingin ako kay Caleb, and we smile to each other.  Muli akong umupo sa tapat niya. Bumukas naman ang pinto at si Karen ang pumasok doon.

"Sweetheart, come here," papa extends his arm for Karen to come to him. Lumapit si Karen kay papa, at tumayo si papa. Nagpunta ang dalawa sa mahabang sofa at umupo. Papa holds her hands.

"Sweetheart, may sasabihin ako sa 'yo. At sana maintindihan." Papa started and Karen remains hushed. Tumingin ako kay Caleb, bahagya siyang nakayuko. Muli akong tumingin kay papa at Karen.

"Can we postpone our wedding?" Bahagyang napapikit at napabuntong hininga si Karen. I could see her chest rise and fall slowly. But she didn't speak nor ask.

"Si Rebecca kasi at ang pinsan mo..." binitin ni papa ang sasabihin.  Naramdaman ko ang muling paghigpit ng hawak ni Caleb sa kamay ko.

"They want to get married soon."

"What!?" Ooh! She was exclaiming, as if she heard a horrible news. Napatayo siya at tumingin siya sa amin. Muli siyang hinawakan ni papa sa kamay at muli siyang pinaupo.

"I hope you understand. May relasyon na sila at ngayon kailangan panagutan ng pinsan mo ang anak ko," muling napapikit si Karen. Tingin ko alam na niya ang ibig sabihin ni papa. Hindi na umimik pa si Karen. Tumayo ang dalawa at lumapit sa amin. Masama ang tingin ni Karen kay Caleb, but Caleb didn't look at her. He's still lowering her head.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon