Chapter 33

104K 2.3K 37
                                    

—Rebecca's POV—


INIWAN ko si Caleb na payapang natutulog sa yate. Maaga akong gumising at nagpasundo kay Kael sa yate. Ngayon, tahimik akong nakamasid sa labas ng sasakyan habang tahimik namang nagmamaneho si Kael. Papunta kami ngayon sa isang hotel kung saan naghihintay sa 'kin si Ninang Aina. Siya ang makakasama kong pabalik sa Manila. I decided to leave para sa ikakabuti ng lahat. For the second time I will try to forget him again. But I know and pretty sure it will be very hard. Siguro babalik na lang ako sa New York at uubusin ang oras sa pag-ta-trabaho pagkatapos ng kasal ni papa at Karen.

Sa tuwing maiisip ko siya sobra akong nasasaktan at nalulungkot. Lukob ng kalungkutan ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung paanong magsisismulang muli na wala siya. Nasanay na ang sistema ko sa presensiya niya, and I don't know how and where to start without him.

"Wala na ba talagang pag-asa?" Natigil ang sa paglalakbay ng isip ko nang magsalita si Kael. Naguguluhan ko siyang nilingon. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Nasa daan lang ang focus niya habang nagmamaneho.

Nilingon niya ako saglit at muli ring ibinalik ang tingin sa daan.

"Siya 'yon diba? Si Caleb ang dahilan nang halos araw-araw mong pag-iyak sa New York noon?" My brows furrowed. Paano niyang nasabi? Ngumisi siya at muling ibinalik ang mata sa 'kin.

"Minsan mong binanggit ang pangalan niya habang natutulog ka." Did I? He focused on the road ahead again and continued.

"The first time you saw each other, napansin ko na agad ang kakaibang pagtitig niya sa 'yo. Akala ko tinamaan lang eh. Pero nang makita kong yakapin ka niya sa garden, doon ko naisip na siya 'yon. Alam kong mahal mo siya at mahal ka niya, that's why I annoyed him sometimes para kumilos siya. I even gave him a time with you para magkasarilinan kayo. I want you both to be happy." Napamaang na lang ako sa sinabi ni Kael. All these times alam niya ang namamagitan sa amin.

"Ano bang nangyari? Ano ba talaga ang ginawa niya? Bakit kayo nagkahiwalay? Bakit mo siya iiwan ulit?" sunod-sunod niyang tanong at hindi ko na napigilan ang pagbalisbis ng luha ko. Agad na inihimpil ni Kael ang sasakyan sa gilid ng daan. Inalis niya ang pagkakakabit sa 'kin ng seatbelt. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahang iniharap sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mababanaag sa mukha niya. Marahan niyang pinahid ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"Puwede mong sabihin sa 'kin ang lahat. Anong bang problema?" he asked me as he dried the tears off.

"Ano bang ginawa niya?" umiling ako.

"May mga bagay lang talaga na hindi puwede, Kael. At isa kami ni Caleb doon. 'Wag mo nang alamin pa ang dahilan kung bakit humantong kami sa ganito." Hindi ko na gustong malaman pa ni Kael at ang pamilya nito ang paninirahan ni Caleb noon sa amin. Marahan akong kinabig ni Kael at niyakap. Ramdam niya talaga siguro ang kalunkutan ko.




—Caleb's POV—

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon