Epilogue

160K 3.7K 374
                                    

To my long lost lost sister LynneDoll, thank you for letting me used your name. Ang ga-gwapo ng anak mo.  Mommy Aina, the coolest mom that I've known, Mahra and Janilin, salamat at hinayaan niyo akong gamitin ang pangalan niyo sa nobelang ito. I love you so much! I'm so happy na nakilala ko kayo.  

Lynnedoll tignan mo ang kinahuhumalingan mong lalaki nandito.. haha!


EVERY woman has her own fairytale. Every woman wants to find her prince charming. Every woman has an ideal man. Each girl dreams to wear a majestic wedding gown and walks down the aisle while the man of her dream waiting for her at the end of the aisle. And I, Rebecca Lynne Strauss Grey confidently walk down the aisle with my baby bump habang ang isa sa pinakamamahal kong lalaki ay naghihintay sa dambana.

As soon as I reached the end of the aisle, agad kong nilapitan si papa at buong pagmamahal ko siyang niyakap.

"I love you, papa. Thank you so much for everything." Bulong ko sa kanya.

"I love you too, baby," buong pagmamahal niyang sinuklian ang yakap ko. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ko siya bago ako umupo sa kabilang hanay ng mga upuan.

Nilingon ko si Caleb na nakaupo sa kabilang bahagi katapat ng kinauupuan ko. Nakatingin din siya sa 'kin. Pinapakaway niya sa 'kin ang isang taong gulang na anak naming si Calixto na kalong-kalong niya. Ngiti naman nang ngiti si Calix na para bang nakakaunawa ito.

"Mama! Mama! Mama!" Tarantang pinatigil ni Caleb sa pagsigaw ang dalawang kambal naming si Callen at Collen na ngayon ay dalawang taon na. The products of three times a day activity.

Katabi niya ang dalawa at napapagitnaan siya. I placed my forefinger on my lips to hush my boys. Kinuha ni Kael si Callen at kinalong ito. Kumaway naman si Yazzy sa kanila na ngayon ay katabi ko at mukha kaming butete sa mga itsura namin dahil sa naglalakihan naming mga tiyan. Isang taon na ring kasal si Yazzy at Kael. Parang aso't pusa rin ang dalawang 'yan bago nauwi sa kasalan. Si Janilin naman ay single B — Means she's a single but has a boyfriend.

Hinaplos ko ang malaking tiyan ko. I'm just waiting to pop out at makikita ko na rin ang prinsesa namin. Finally at baby girl na rin. Rebelle Lynne ang napili naming ipangalan sa kanya. I want my mama's name remain alive. Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat mula sa likuran ng namayani ang isang malamyos na musika sa buong simbahan na nagmumula sa musical instruments, at kasabay n'on ay ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan. The bride is coming. Tinignan ko si papa at napangiti ako nang makitang mukhang kinakabahan siya. Pero punong-puno ng kaligayahan ang mata niya.

After three years. Sila rin ang nagkatuluyan ni Ninang Aina. Para silang teenagers. Taguan ng feelings. Simula nang umalis si Karen naging malungkot si papa at parang dinudurog ang puso ko nang mga panahon na 'yon. But thanks to ninang Aina for lighting my papa's world up. Hindi na siya bumalik pa sa New York at sa amin na lang siya tumira. Si papa rin ang nag-offer sa kanya n'on since wala na rin naman siyang pamilya dito sa Pilipinas. Nasa New York din kasi nakatira ang mga relatives niya. Siguradong masaya si mama sa mga nangyayari ngayon. Hindi pala talaga nag-asawa si ninang dahil kay papa. Minahal niya si papa mula noon hanggang ngayon. Grabe! Ilang dekada rin 'yon ah.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon