—Rebbeca's POV—
"Lynne Doll, anak, ano bang nangyayari sa 'yo. May masakit ba sa 'yo? Bakit ka sumuka?" nag-aalalang sinalubong ako ni yaya paglabas ko ng banyo. Giniya niya ako sa silya sa harap ng tukador at pinaupo doon. I'm not feeling well. Parang hinahalukay ang sikmura ko.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagpapalipas ka kasi ng oras ng pagkain. Kagabi hindi ka kumain." May panenermon na sabi ni yaya.
"Yaya, I'm okay."
"Anong I'm okay! Hindi ka okay. Ano bang nangyayari sa 'yo? Mula pagbalik mo galing Davao para kang laging wala sa sarili. Nakita pa kita minsang umiiyak." Hinawakan ni yaya ang mukha ko at inangat paharap sa kanya.
"Alam kong may problema ka. Sabihin mo kay yaya." Hindi ko na napigilan ang pag-unahan ng luha ko at napayakap na lang ako sa baywang ni yaya. Yaya gently caressed my head.
"Yaya, parang hindi ko na kaya eh," I said between my weeping.
"Ang alin?" I could feel yaya was worrying so much.
"Nakita ko uli si Caleb, yaya. Mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi kami puwede eh." Inalis niya yaya ang mga braso kong nakayakap sa baywang niya at naguguluhan niya akong tinignan. Pinatayo niya ako at umupo kami sa gilid ng kama na magkatabi.
"Alam mo sa totoo lang palaisipan pa rin sa 'kin ang paghihiwalay niyo bigla. Nakita ko kasing mahal na mahal ka niya at gan'on ka rin sa kanya. May iba na ba siya ngayon?" Yaya asked and I shook my head.
"Hindi siya... hindi po siya pinsan ni Karen, yaya...." Mas lalo akong naiyak. I buried my face in my palms. Parang sasabog ang dibdib ko kapag wala akong napagsabihan ng nararamdaman ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong isinasalaysay na kay yaya ang lahat. Pati na rin ang pagkikita namin uli ni Caleb sa Davao at ang totoong pagkatao nito. Wala naman masabi si yaya kundi 'diyos ko'.
"Gusto ko ulit siyang tanggapin, yaya, pero ikakasal na si Karen at papa ." Niyakap na lang ako ni yaya at pilit na pinakalma dahil sa mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. I am so emotional right now and I couldn't help myself from crying.
Umangat ako ng ulo at lumingon sa may pinto ng marinig ko itong parang sumara sa pag-aakala na may pumasok na tao. Hindi ko naman gustong makita ako ni papa na nagkakaganito. Muli ko na lang isinubsob ang mukha ko sa balikat ni yaya at ibinuhos ko ang lahat ng luha ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"HI," marahan kong ibinaling ang ulo ko sa gawing pintuan ng beranda nang marinig ko ang boses ni Karen at kapagkuwa'y muli ko ring ibinalik sa kawalan ang tingin ko. Nakaupo ako sa mahabang sofa. Naramdaman kong tumabi sa 'kin si Karen pero hindi ko siya nilingon.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan bago niya iyon binasag ng isang salita.
"Sorry," she said. I didn't throw a glance at her. I keep on staring somewhere.
"I'm so sorry," I heard her sobbing. I slowly turned my head to her.
"Rebecca, I'm sorry for all the pain I've caused you." Wala akong maapuhap na salita. Wala na naman halaga para sumbatan pa siya. The damage has been done at hindi na maibabalik pa ang mga nangyari. Muli kong ibinalik ang tingin sa kung saan.
BINABASA MO ANG
No More Lies
RomantizmBetrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na mahal mo, your young stepmother to be na halos kapatid mo lang dahil sa murang edad nito, your stepmothe...