CHAPTER 6

120K 2.7K 160
                                    

Caleb's P.O.V

"Caleb what's wrong?" Puna sa 'kin ni Karen habang tahimik akong ang nag-mamaneho.

Nag punta kami sa mall, nag-aya si Karen, pang bawi daw niya sa 'kin dahil nitong mga nakaraang araw hindi talaga kami masyadong nakakapag-usap. Dalawang linggo na rin ako sa mga Strauss.

"Bakit?" I ask lazily, not bothering to look at her.

"Anong bakit? Kanina ka pa tahimik, parang wala ka sa mood." Bahagya ko siyang tinignan at muling tumingin sa daan.

"Wala naman."

"Caleb hindi pwedeng wala naman, kasi meron." Irita na ang boses niya.

"Kanina sa movie house ng halikan kita parang wala kang kagana-gana. What's wrong ba?" Agad kong tinabi ang sasakyan at inihinto, tsaka ko siya hinarap ko siya.

"I'm sorry, wala lang ako sa mood." Inalis niya ang pag-kakakabit ng seat belt at nilapit niya ang sarili niya sa 'kin, hinawakan niya ang kabila kong pisngi.

"You want to go somewhere..... some private place either." Ngumiti ako at umiling.

"Uwi na tayo." Binaling ko na ang tingin ko sa daan, umaayos naman siya ng upo at narinig ko pa ang marahas niyang pag-hinga. Muli kong pinaadar ang sasakyan at tahimik namin binaybay ang daan.

Narating namin ang bahay na wala ng nagsalita pa, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito, dati-rati naman hindi ako ganito.

Sa 'ming dalawa ni Karen ako ang mas sweet, tuwing magkasama kami wala akong sinasayang na oras, lagi ko siyang yakap at hinahalikan, pero ngayon bakit ganito? Siguro na gu-guilty lang talaga ako.

Bumababa kami ng sasakyan, kinuha ko muna ang mga pinamili niya na nakalagay sa backseat tsaka kami nagpunta sa loob ng bahay. Pagpasok pa lang namin agad ng may sumalubong na katulong samin.

"Akin na yan Caleb, ako na ang mag-dadala sa taas." Sabi ng katulong habang kinukuha ang mga paper bags sa kamay ko.

"Salamat po manang."

"Nandiyan na pala kayo." Sabay kaming napatingin sa hagdan, pababa si Mr. Strauss at malapad ang pag-kakangiti.

Nang makababa ito agad itong lumapit kay Karen at humalik sa pisngi. Parang lalo akong nako-konsensya sa tuwing makikita ko ang ganitong scene, dati rati inis ang nararamdaman ko pero ngayon hindi ko talaga alam.

"Punta muna ako sa kwarto." Paalam ko kay Karen, tsaka ko sila iniwan pero bago pa man ako makalayo tinawag uli ako ni Mr. Strauss.

"Caleb" Huminto ako nilingon ito.

"Si Rebecca at si Mah-"

"OH MY G! YOU'RE HERE NA PALA CALEB MY LOVESS!" Hindi na natapos ni Mr. Strauss ang sasabihin niya ng may biglang tumili mula sa likod ko.

Nilingon ko ito at si Mahra ang patakbong lumapit sa 'kin, naka-bathrobe ito at basang-basa ang buhok. Agad itong lumapit sa 'kin at umangkla sa braso ko.

"Kanina pa kita ina-antay eh, halika join ka samin ni Rebecca mag-swimming tayo." Ngumiti ako.

"Kayo na lang Mahra."Tanggi ko.

"Aaaa! wag ka namang kill joy."

"Sige na Caleb, pag bigyan mo na yan, kanina ka pa niyan hini-hintay eh." Sabi ni Mr. Strauss, tumingin ako kay Karen at sa itsura nito mukhang iritable.

"Sige po" Sagot ko na lang.

"So let's go." Hinila ako ni Mahra papunta sa may pool area.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon