Chapter 31

126K 2.9K 77
                                    

Happy bday hubby.. este hubby ni @jezy143... Happy Bday kuya Ricky Dadulla.. Ang sweet ng asawa mo.. Penge naman po ng handa, kahit hotdog with marshmallow lang ayos na sa 'kin! XD! Wishing you a longer life, good health for you and for your family and more blessing to come. HAPPY BURP DAY!!!!!!!!!!



-Rebecca's POV-

TAPOS na ang trabaho ko dito pero hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa Davao. Nag-extend ako dahil sa pakiusap ng mag-asawang Kroise na may-ari ng Desire Magazine na maging photographer ako sa golden wedding anniversary nila- wedding vow renewal. Pero lastweek pa 'yon tapos at hanggang ngayon nandito pa rin ako. Mahigit isang buwan na ako dito pero parang ayaw ko nang umalis.

Mas lalo ulit kaming naging malapit ni Caleb, hindi ko na siya sinusungitan at lagi pa rin siyang sweet sa 'kin. Lagi rin kaming magkatabing matulog. Noong una hindi ako pumapayag pero makulit siya kaya pinapabayaan ko na lang siya. At walang gabing hindi namin pinagsasaluhan ang mainit na sandali. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari, parang gusto ko na uli siyang tanggapin pero naguguluhan ako kung tama ba na maging kami ulit. Pero masaya ako sa tuwing kasama ko siya, hindi lang masaya, masayang-masaya. Sa loob ng mahigit isang buwan na nakasama ko uli siya buong puso ko na naman siyang minahal at sa totoo lang, napatawad ko na talaga siya sa nagawa niya. Ang lahat ng galit na naramdaman ko noon ay nawala na lang bigla.

"Ate Becca, tara na pinapatawag ka na ni Kuya Kael, meryenda is ready," nginitian ko si Janilin at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa sa salas.

Naghanda sila ng meryenda sa may pool area, lagi naman silang ganito kapag Sunday. Masaya talaga ang pamilya nila dahil kahit gaano man sila ka-busy sa negosyo nila kapag araw ng linggo hindi pwedeng hindi sila magsasama-sama.

"Hey sweet dolly," bigla na lang sumulpot si Caleb at hinalikan ako sa pisngi. Bigla akong nahiya dahil saktong dumating naman si Tita Veronica kasama si Kael. Tahimik si tita na nakatingin sa 'kin at lilipat ang tingin kay Caleb.

"Calebbb!!" isang tili ng isang babae ang nakapag-palingon sa aming lahat sa may pinto. Isang magandang babae ang patakbong lumapit sa amin at bigla na lang tumalon kay Caleb. Her legs wrapped around his waist, kissing him all over his face. I suddenly felt an intense jealousy. Sino ba ang babaeng 'yan? Kung makayakap parang tarsier at parang tuwang-tuwa naman si Caleb. Bumababa ito mula sa pagkakayakap kay Caleb.

"I miss you so much!" Muli ay yumakap ito nang mahigpit. I want to wrap my hands tightly around her neck until she lost her breath.

"What are you doing here? Bakit hindi nagsabi?" manghang untag ni Caleb.

"I told you that one day I'll surprise you and now, here I am! Did I surprise you?" said tarsier cheerfully. Buong tamis namang ngumiti ang tarantado at tumango-tango. Muli itong nagyakap na parang walang ibang tao sa paligid nila. Sarap nilang italing magkayap sa puno na maraming antik! Bwesit!

"Oh by the way!" Ayon! Buti naman at napansin mong may mga tao sa paligid mo siraulo ka!

"Guys! Meet Yazzy, a very close friend of mine. Nakilala ko siya Ohio," simula ni Caleb. Pinakilala nito si Tita Veronica at ubod nang lambing nitong niyakap si tita at sumunod kay Janilin at kay Kael.

"And she's Rebecca," napasinghap ito na parang gulat na gulat.

"Oh. My. God! You found her na! Siya ba 'yon?" Caleb locked his arm around the girl's neck.

"Yes. She's my childhood friend," kinurot niya ang pisngi ng babae na sobrang lakas dahilan para mapatili ito at agad na namula ang pisngi. I can't take it anymore. Childhood friend huh! Umalis ako at tumuloy na lang sa may pool.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon