CHAPTER 25

117K 2.8K 69
                                    

Update ko na 'to. Hindi ko na edit.. tinatamad talaga ako. Hehe!

-Rebecca's POV--

MERON palang orange orchard ang pamilya nila Kael. Ang laki ng lupa nila. Karugtong pala ng lupang kinatitirikan ng mansiyon ay ang lupa nilang pag-aari mismo ng mga pamilya de Villa. Ang magulang ni Tita Veronica--isang farm.

Kaya pala gustong-gusto talaga ni titang mabili ang lupang kinatitirikan ng mansiyon dahil sa kanugnog lang ito ng lupa nila. Ang orange orchard nila ay parang pasyalan lang. Kahit sino raw pwedeng mamitas for free. Saka para rin daw ito sa mga guests ng kanilang resort na malapit lang din dito-- isa sa negosyo nila iyon. Tanaw ang resort nila kapag nasa may pool area. Hinahatid ng isang shuttle ang isang guest kapag gustong pumunta dito.

Hindi ko alam kung anong business naman ang pagsosyohan nila papa. Since hindi naman ako interesado hindi naman ako nagtatanong.

Ang mga Grey naman ay dayuhan lang pala dito sa Davao. 15 years old daw si Tito Peter noong nanirahan ang mga Grey dito, sa impluwensiya daw ng abuelo ko dahil magkaibagan daw na matalik ang mga lolo namin nila Kael sa ibang bansa pa man ang mga ito nakatira. Half American half Filipino si tito Peter. Ewan kung paano nagsimula ang pagiging magkaibigan ng mga lolo't mga lola namin.

"Anong ibig sabihin no'n?" Kael asked me as we walk through the orchard.

"Ang alin?" I asked. I picked an orange and I put it under my nose and sniff in the fresh citrus scent. Napangiti ako.. ang sarap mamitas. Great idea. Orange picking. I thought I could only do this in Korea.

Mamaya naman ay pupunta kami sa mango plantation nila. Anihan daw ngayon.

"'Yong mga sinabi mo kanina. May gusto ka na ba sa'kin. Totoong pakakasalan mo ako?" Humawak ako sa kamay niya na nakaakbay sa 'kin. Tiningala ko siya.

"Biro lang iyon. Wala pa akong balak mag-asawa. Baka hindi ko na magawa ang gusto ko kapag nag-asawa na ako."

"But two years ago handa ka nang lumagay sa tahimik." Muli kong ibinalik ang tingin ko sa daan. Naikwento ko na sa kanya ang tungkol sa past relationship ko but not entirely. I didn't mention Caleb's name and about Karen. Buti na lang.

"Noon iyon," I said wearily.

"Mas gwapo ang kapatid ko sa 'kin no?"

"Yeah." Kasing bilis ng sagot ko kasabay ng pagngiwi ko. Ano ba 'tong sinasabi ko?

"So talagang hindi ka naga-gwapuhan sa 'kin!" He locked his arm around my neck. Kunyaring sasakalin niya ako. kaya natawa na lang ako.

"Sorry! Pero gwapo ka. Hmm! Isang paligo lang ang lamang sa 'yo." I said while laughing.

Magkasing tangkad lang sila kahit mas matanda ng dalawang taon si Kael kay Caleb. Nakuha ni Kael ang looks ni Tito Peter na medyo strong while Caleb is both. Nakuha niya ang aura ni tita. Ang amo ng mukha ng tarantado. Pero ang mata niya kay tito. Si Janilin naman kamukhang kamukha ni tita medyo iba lang ang buhok. Maitim ang buhok ni tita samantalang kay Janilin light brown na curly.

"Kunyari ka pa. Manakanaka mo ngang hipuin ang abs ko kapag nakikita mo akong shirtless eh. Aminin mo! You drool over me." I burst out laughing and I slapped his stomach.

"Ang kapal ng mukha mo! Kahit kailan hindi ako naglalaway ng dahil sa lalaki. Eeew ka!"

"Fine. Pagbibigyan kita sa pagiging in denial mo. But don't deny na naglalaway ka talaga kapag tulog." Napawaang ang bibig ko at malakas ko siyang kinagat sa braso kaya mabilis niyang naalis ang braso niya.

"Grabe Becca ah! Sabi ko na eh! Gusto mo talaga akong lapain eh."

"Oo na! Lalapain talaga kita. Humanda ka sa 'kin!" Akma akong lalapit pero tumakbo na siya palayo habang natatawa.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon