From 'My Stepmother's' man became 'No More lies'.... Pinalitan ko kasi hindi daw maganda ang title na totoo naman. Ahaha! Hindi ko din talaga gusto ang title...
******
I was in the taxi right now para sundan si Karen. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. I was supposed to talk to her but I suddenly heard her talking someone over the phone. I decided na pagkatapos na lang niyang makipag-usap ko siya kakausapin.
"Magkita tayo ngayon! Don't you dare refuse me!" Napatigil ako ng marinig kong parang galit siya.
Eavesdropping isn't normally my thing, and definitely not when Karen is involved. Pero biglang tumahip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. At ayon sa narinig ko mukhang may kakatagpuin siya.
"Manong dito na lang po," utos ko sa taxi driver nang makita kong huminto ang sasakyan ni Karen sa tapat ng entrance ng hotel. Nakita kong binigay niya ang susi sa empleyado at tumuloy sa loob. Mabilis ang mga kilos kong umibis ng sasakyan at tinungo ang hotel's entrance.
Nagmamadali akong sinundan si Karen sa elevator. Nangmakapasok at sumara ang naturang elevator ay agad akong lumapit at walang habas na pinagpipindot ang down sign. Tinignan ko kung saan ito titigil. I was hoping na walang ibang hintuan ang elevator kung hindi ay mahihirapan akong malaman kung anong floor siya. Lucky me! Mukhang sa 14th floor lang ito huminto dahil muli ng bumababa ito.
Agad akong pumasok ng elevator at mabilis naman akong dinala nito sa palapag na pupuntahan ko. I closed my eyes and took a very deep breath before I step out from the elevator. Parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko sa sobrang kaba.
Kung may lalake si Karen hinding-hindi ko siya mapapatawad. Pero paano si papa? Sana mali ang kutob ko. Kung kailan handa na akong tanggapin siya. At paano kung niloloko nga niya si papa? Anong gagawin ko? Hindi ni papa kakayanin 'to. Baka atakihin uli siya. Oh God, please! Sana nagkakamali lang ako.
Nagpalinga-linga ako sa pasilyo. Saang silid siya pumasok? Mga ilang minuto din akong mukhang tanga at kinakabahan ng bigla akong may narinig na pamilyar na boses.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Caleb!" Boses ni Karen. Bigla akong napalingon. Nakita ko ang bukas na pinto at may lalaking nakatalikod sa pinto na mukhang papalabas na. Mabilis akong nagtungo sa dulo ng pasilyo at nagtago.
Sandali lang! Tama ba ang dinig ko. Si Caleb, ba ang kausap niya? Pero sabi ni Caleb may pupuntahan siyang kaibigan niya. Ano naman ang gagawin niya dito? O baka nagkita sila ni Karen at pinagsasabihan na naman siya tungkol sa relasyon namin. Pero bakit dito? Ang gulo! I think dapat ko na lang siyang tanungin kesa ang magtago dito. Lalabas na sana ako pero napatigil ako sa muling pagsalita ni Karen at mukhang papalapit na sila sa kinaroroonan ko.
"Tigilan mo 'to, Caleb! Masasaktan lang sila sa ginagawa mo!" Halata ang galit sa boses ni Karen.
"Mahal ko si Rebecca! At hindi ko kaya kung mawawala siya! Hayaan mo na lang ako!" Matigas ang tinig ni Caleb. Tama nga ang hinala ko na pinipigalan siya ni Karen sa pagpapakasal namin. Pero kahit paano ay nawala ang kaba ko sa narinig ko.
"Mahal mo siya? Pero sa tingin mo ba hindi niya malalaman ang totoo!" Medyo tumaas na ang boses ni Karen. Anong totoo? Naguguluhan ako at muli akong nilukob ng kaba. Hindi lang kaba. Takot.
"Mag-isip kang mabuti! Kasusuklaman ka niya sa oras na malaman niyang hindi tayo magpinsan! Hinding-hindi ka niya mapapatawad. Kasusuklaman ka niya sa oras na malaman niyang girlfriend mo ako at hindi pinsan!" Parang isang bombang sumabog na nagpatulig ng husto sa tainga ko. Bigla na lang ang panginig ng mga tuhod ka. Ang buo kong katawan na parang magkakakalas-kalas ang buto ko sa sobrang panlalambot.
BINABASA MO ANG
No More Lies
RomanceBetrayal, complicated love affair, love square... Paano kung ang mga taong involve sa love square na yan ay ang sariling mong tatay na mahal na mahal mo, your young stepmother to be na halos kapatid mo lang dahil sa murang edad nito, your stepmothe...