Chapter 14

113K 2.6K 115
                                    

Rebecca's POV

Wow! Ang ganda ng lugar, grabe! It looks like paradise; the landscape na punong-puno ng bulaklak at iba't ibang uri ng halaman, may mga bonsai trees pa, the modern house na almost glass wall sa second floor.

"Hey, Rebecca, halika na, pasok na tayo," nilingon ko si Mahra na kasama din namin at syempre si Jasper. Hindi naman pwedeng paghiwalayin ang dalawang 'yan at paniguradong magkakasakit ang isa sa kanila pag nagkahiwalay. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si caleb.

Kausap pa niya ang caretaker ng resthouse. Ang bait din ng kaibigan ni Caleb para ipahiram sa kanya ang place na 'to, mukhang laging nandito si Caleb dahil mukhang kilalang-kilala siya ng caretaker.

Tumingin sa gawi ko si Caleb at ngumiti. Sumenyas ako na papasok na kami at tumango naman siya.

Halos hilain ako ni Mahra papasok, excited much.

"Ang ganda dito, Rebecca. Diba taga Davao din kayo?"

"Dati 'yon," pero alam ko may property pa si dad dito. Ang lumang bahay ng mga abuelo at abuela ko.

Ang ganda din dito sa loob, very calming ang interior, hindi masyadong makolorete. May Isang white C shape couch na pinaresan ng isang center table na gawa sa kahoy, dark brown, almost black ang kulay nito.

"Halika, Rebecca, doon tayo," hinila na naman ako ni Mahra sa kung saan. Lumabas kami ng kabahayan, sa likod ng resthouse.

Paglabas ng resthouse isang lanai ang bubungad sa'yo at may isang set chair na gawa sa ratan siguro ito na pinatungan ng kulay puting foam. May ganito rin kasi sa bahay, and according to my yaya, ratan daw ang tawag sa kahoy na ito. Glass center table naman ang kapares nito na gawa sa ratan ang stands at edges ng table.

At wow! double wow! Grabeng ganda dito! Ang laki ng pool- rectangular pool. May talong beach chair sa gilid ng pool. Sa dulo ng pool ay may outdoor jacuzzi, malapit din doon ang isang open cabana na may malalaking round couch na kulay light blue na flat lang sa sahig and white wide hammock.

And a thing that mesmerized me is the over looking view na tanaw na tanaw ang karagatan, pinaganda pa ito lalo ng papalubog na araw.

"This is amazing," I murmur with amazement. Sinong hindi? Kahit si Mahra, puro wow ang naririnig ko. Lumapit ako sa railings na nakaharang doon at namamangha kong tinanaw ang dagat. The cold breeze touches my skin. Mga ilang sandali akong nakatanaw lang sa karagatan ng biglang may yumakap sa 'kin mula sa likuran ko.

"You like," napangiti ako dahil sa yakap ni Caleb. Niyakap ko ang braso niyang nakapulupot sa'kin. It makes me feel warm.

"Yeah, ang ganda dito, ang layo-layo ng view sa Manila. Thanks, Caleb for bringing me here," hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. Dinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko.

"I love you, thanks for loving me," and that statement brings a smile on my lips. I place my palm on his cheek.

"I love you too," I say.

"Pag naging mag-asawa ba tayo, gusto mong bang tumira sa ganitong lugar?" natawa ako sa sinabi niya. Asawa agad, pero ang sarap pakinggan.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa 'kin at humarap ako sa kanya. May nilabas siyang isang long red rectangular box na kinuha niya mula sa bulsa sa likod ng maong pants niya.

It's a jewelry box, it obvious dahil na rin sa logo ng isang sikat na jewelry shop na puro mamahalin ang lahat na binibentang alahas.

He opened the box, a platinum bracelet revealed. Yes, its's a platinum, I'm sure about it, at alam kong mahal ito. Takang tinignan ko siya.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon