CHAPTER 10

107K 2.6K 88
                                    

Caleb's POV

Agad akong napatayo at binigyan ng matamis na ngiti si Rebecca habang pababa ito ng hagdan. Ginantihan naman niya ako ng ngiti. Ngayon ang date namin and I want it to be perfect.

Agad akong lumapit sakanya pagkababa niya ng hagdan.

"Shall we" I said and she nodded with a smile. We are about to leave when Mr. Strauss suddenly spoke from behind.

"Saan kayo pupunta Lynnedoll?" Sabay kaming napalingon dito. Si Karen at Mr. Strauss ang papalapit samin na mukhang galing sa garden.

"Papa... um.. kasi-"

"Pupunta daw po si ma'am Rebecca sa mall, may bibilhin." Ako na ang sumagot. Hindi nila pwedeng malaman na nangliligaw na ako kay Rebecca. Aayusin ko muna ang tungkol samin ni Karen bago ko ipaalam kay Mr. Strauss ang panliligaw.

Tumingin ako kay Rebecca, bahagyang nangunot ang noo niya, malamang na-disappoint siya sa sagot ko.

"Ganun ba? Sige mag-iingat kayo."

"Yes sir." Wika ko. Humalik muna si Rebecca sa papa niya bago kami lumabas ng bahay.

"Rebecca, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa papa mo. Nahihiya kasi ako eh." Agad na sabi ko paglabas namin ng bahay.

"Caleb, wala ka naman dapat ikahiya kay papa. Kung seryoso ka naman sa'kin, bakit ka mahihiya?" Medyo malungkot ang mukha niya.

Sorry Rebecca, masyadong komplikado ang lahat.

"Rebecca, seryoso ako sa'yo. Sasabihin ko sa papa mo. Pero wag muna ngayon please! Nahihiya pa talaga ako eh." Ngumiti naman siya at tumango.

Nagtungo kami sa sasakyan at agad kung binuksan ang side-door sa backseat.

Pero sa halip na sumakay siya, ang side-door sa unahan ang binuksan niya. Ngumiti muna siya sa'kin bago sumakay. Napangisi nalang ako at sinara ang pinto tsaka sumakay din agad.

Nginitian ko muna siya bago ko pinaandar ang sasakyan. Mga ilang minuto na kaming nasa byahe pero tahimik kami masyado. Wala akong masabi, wala akong maisip na sasabihin.

Say something Caleb! Say something! -Both my index fingers are tapping repeatedly on the steering wheel as I starred out the windshield.

"Wait, wait, wait!" Rebecca repeatedly said. I automatically trampling the brake.

"Bakit? Anong problema?" I asked with concern.

"Oh my! it's Mahra." She muttered as she peered through the car window. Sinilip ko din ang tinitignan niya. Si Mahra at Jasper na papasakay sa kotse.

"Mahra and Jasper." I said. Nagmamadali siyang may kinuha sa bag.

Nakatingin lang ako sakanya at mula sa bag niya ay nilabas niya ang kanyang cellphone at agad na may tinawagan.

"Hey Mahra! Where are you?" She asked. After a few moments she firmly closed her eyes, but a few seconds later her eyes popped open again and sighed sharply.

Pinilig niya ang ulo niya para tumingin sa'kin.

"She lying to me! I can't believe this. Masama daw ang pakiramdam niya, may paubo-ubo pa ang gaga." Napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Mukhang ayaw sabihin ni Mahra kung ano talaga ang ginagawa niya.

"C'mon! Sundan mo sila." Utos niya.

"Huh!?"

"Just do it!"

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon