CHAPTER 27

125K 2.6K 88
                                    

-REBECCA's POV--



"HON- I mean.. Rebecca.. Gusto mo bang mamasyal tayo pagkatapos-"

"Hindi!" Sagot ko hindi pa man  tapos si  Caleb  sa sasabihin niya. Ibinalik ko ang tingin ko labas ng sasakyan.

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag na siya ang maghatid sa 'kin sa studio kung saan gagawin ang photo shoot.

"Why did you accept this project?" I snapped my head towards him.

"Desire magazine, right? Gays' magazine. Nude men."

"Pakialam mo?" Ano bang pakialam niya? Ginagawa ko na 'to sa New York pa lang. Nanahimik naman siya pero makaraan lang ang ilang sandali ay binasag niya ang katahimikan na namagitan sa amin.

"Natatandaan mo pa ba noong mga bata pa tayo? Tuwing sasakay tayo ng yate, hindi ka sasakay hanggat wala pa ako. Diba kuya pa ang tawag mo sa 'kin? Natatandaan mo pa ba?"

"Hindi! At ayaw kung tandaan ang lahat ng iyon! Gusto ko ngang kalimutan ang lahat ng tungkol sa 'yo. A jerk and liar like you doesn't deserve to remember!"

Muli kong ibinalik ang tingin sa labas. Of course I remember those. Lalo na nang makita ko ang mga picture sa bahay namin dito sa Davao noong magpunta kami ni papa bago sila bumalik ni Karen ng Manila. Naalala ko kung gaano ako kalapit sa kanya. Kung gaano niya ako inaalagaan.

A long lingering silence followed as I look ahead through the wind shield. Marahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. Mahigpit siyang nakahawak sa steering wheel at ang mukha niya. Hays! Kainis naman! Bakit ganyan ang mukha niya. Parang nakakaawa. Bakit ba ako naaawa sa kanya? I should hate him. I must. Inuntog-untog ko ang noo ko sa car window. Pero natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at nilingon ko siya.

"Hindi na kita kukulitin. 'Wag mo lang saktan ang sarili, or you might hurt me instead," aniya, at malamlam ang kanyang mga mata. Binawi ko ang kamay ko at umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit sumisikdo ang puso ko ng ganito? Bakit parang ayaw ko siyang makitang malungkot bigla? Mariin kong naikuyom ang mga palad ko.

-CALEB'S POV-

HALOS magdilim ang paningin ko kagabi nang makita ko si Kael na lumabas ng kwarto ni Rebecca. Agad ko siyang tinanong kung anong ginagawa niya doon, sagutin ba naman akong doon daw siya matutulog at kukuha lang daw siya ng extra pillow. Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo sa narinig ko. Sinabihan ko siyang mahiya naman siya dahil babae pa rin si Rebecca pero sabi niya natutulog na naman daw silang magkatabi noong nasa NYC sila.

Hindi na ako nakatiis at kinuwelyuhan ko siya. Isa pang salita sana babangasan ko na talaga siya kundi lang dumating si Janilin. Pero paglingon ko mas lalong nag-init ang ulo ko ng makita kong nakadungaw si Rebecca sa pinto at ang itsura niya. Damn! Isipin ko palang na nakita ni Kael ang halos hubad niyang katawan gusto ko na talagang mambugbog.

Pero sa kabila ng pag-init ng ulo ay sumabay naman ang pag-init ng katawan ko nang pasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. She was fucking hot! I had strong urge to touch every inch of her skin, to trail my lips over her soft skin. Lalo nang magdaiiti ang mga katawan namin. The sensation crept through my entire body and my manhood reacted so quickly. Hindi ko naman planong hawakan ang dibdib niya but damn my hand. Hindi ko talaga mapigilan. But the good thing is nakapagpigil pa rin ako.

I stalk her everytime na lalabas sila ni Kael. Talagang lagi akong nakabuntot. Pero noong isang araw na umalis siya kasama ang papa niyang nagpunta sa bayan nila para na akong masisiraan ng ulo. Pakiramdam ko kasi kapag nawala pa siya sa paningin ko hindi ko na ulit siya makikita pa.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon