CHAPTER 20

102K 2.5K 50
                                    

Yong name ng cemetery mali yung sa last chap., pero na-edit ko na. Ignore niyo na lang.. Very maiksi lang ito. 

______



After two days ay nagpasya na kaming lumipad patungong New York ni ninang. Nasabi ko na rin ang lahat-lahat sa kanya. Even kay Mahra. Galit na galit silang parehas kay Caleb at Karen. Gusto na ngang sugurin si Karen pinigil ko lang. I was sitting quietly near the window. Nakamasid sa mga ulap. The pilot announced that we were arriving at New York.

Sana maging okay ang lahat sa 'kin dito. Sana mabilis akong maka-move-on.

A few minutes passed, and I heard the usual beep signaling to buckle your seatbelt for landing. Ninang gently held my hand and I look at her.

"You'll get over this, Lynne Doll. I will help you, baby! Better things are meant to come for you," I nodded and a weak smile twitched my lips. I know it's a weak smile. Parang nakapasta ang labi ko at hirap igalaw.

We stood up and went out of the plane, going to custom para gawin ang lahat ng legal na bagay na ginagawa ng isang nangingimbang bansa. Pagkatapos maayos ng dapat ayusin ay lumabas kaming tulak-tulak ang isang pushcart palabas ng airport. I look up at the sky, I firmly shut my eyes and took a deep breath and slowly released the air.

Move on and forget the past, Rebecca. And allow your mind to embrace the new beginning.

"Ouch!" Something bumped me from my behind. I turned to look at it. Hays! Hindi ba niya alam na may tao sa harap niya at talagang binundol ako ng pushcart niya. Nakita nang nag-e-emote eh!

"I'm sorry, miss!" I look at him with an annoying expression. A man stared at me intently as if he's studying my picture. I rolled my eyes at tinalikuran na siya.

"Rebecca," oh! He knows me. Muli akong tumingin sa kanya. Pinakatitigan ko siya.

"Hey, ikaw nga! It's me, Kael. We had met in Davao! I was helping you out, when you were stuck at the road with your friend. Remember?" my mouth created an 'O' shape. Yes. I remember him. Napangiti na rin ako nang maalala ko siya. What a small a world! Akalain mong dito pa kami magkikita.


**

Caleb's POV


"Mahra, please, I'm begging! Sabihin mo naman sa 'kin kung nasaan si Rebecca," halos maglumuhod ako kay Mahra para lang sabihin niya kung nasaan si Rebecca. Nagpunta ako sa mansiyon pero pinagtabuyan lang ako ni Karen. Wala na daw si Rebecca. Umalis ako at isang linggong hindi muna nagpakita. Pero wala na siya ngayon at ayaw nilang sabihin kung nasaan siya.

"Wala na siya Caleb! Utang na loob tantanan mo na ang kaibigan ko! Masyado mo siyang sinaktan. Alam mo bang ikaw lang ang minahal niya ha!" Kitang-kita ko ang galit ni Mahra. I can't blame her. Dahil kahit ako galit na galit ako sa sarili ko.

"Grabe ang ginawa niyo! Niloko niyo ang mag-ama! Can you imagine what that kind of betrayal feels like?" Sumbat ni Mahra sa 'kin.

"Sobra ka niyang minahal! Sobrang saya niya dahil sa 'yo. Pero dahil din sayo para siyang mamatay ngayon!" Bawat salita ni Mahra parang latigong sumusugat sa puso ko.

"Wala na siya! Kaya hayaan mo na siya! Maawa ka naman!"

"I can't! Mahra please! Tell me where she is,"  Hindi ko kakayanin kung tuluyan siyang mawawala.

"Nasa States na siya, Caleb. Kaya hindi mo na siya makikita pa."

"Saan sa States? Ibigay mo ang address sa'kin. Please Mahra!" Pinaningkitan ako ni Mahra na tila nagtatanong ang mga titig niya.

"Please, Mahra!"

Umiling siya. "Hindi ko alam," she  turned away from me, pero agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Mahra please!"

"Pwede ba  Caleb! Tigilan mo na siya. Pero sige, kung gusto mo talaga siyang sundan then good luck. Brooklyn," binawi niya ang braso niya at tinalikuran ako. Pero muli itong tumigil at tumingin sa 'kin.

"Loyola Memorial Park. Baka sakaling gusto mong puntahan ang anak mong nawala ng dahil sa 'yo. Baby Strauss, " pagkasabi niya n'on ay tinalikuran na niya ako. Ngunguto-nguto akong umalis.

Noon pa man alam kung mali ang ginawa kong pagtira sa mansiyon. Nagawa ko iyon dahil sa pagmamahal ko kay Karen noon kahit na mali. I was so selfish. Pero sa bahagi ng puso ko parang ayaw kong pagsisihan ang pagtira ko doon, dahil kung hindi ko ginawa iyon hindi ko makikilala si Rebecca. Akala ko si Karen na ang gusto kong makasam, pero nagkamali ako. Mas may hihigit pa pala akong mamahalin, mas mamahalin higit pa sa buhay ko. I love Rebecca so much! Sa maling panahon nga lang kami nagkakilala at nagmahalan. Kung sana lang sa ibang lugar at ibang pagkakataon kami nagkakilala mas magiging madali ang lahat. But the damage has been done at hindi ko na maibabalik pa ang lahat.  Pero hahanapin ko siya. Brooklyn. Kahit galugarin  ko ang buong Brooklyn gagawin ko makita ko lang siya.



PAGKATAPOS kung magpunta kay Mahra ay tumuloy ako sa sementeryo. Pagkakita ko palang sa puntod ng anak ko para na akong sinaksak ng daang libong beses sa dibdib at agad na nag-unahan ang mga luha ko. Lumuhod ako sa harap ng puntod ng ang anak ko.

Hinaplos ko ang pangalan niyang naka-engrave sa lapida.

"I'm so sorry baby! Daddy is so sorry! Hindi ko gustong mangyari 'to sa 'yo?" Yumukod ako at hinalikan ang lapida, hindi maampat ang luha ko. Ito na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Para akong mamatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I hate myself so much! I want to kill myself so badly!

"I will find mommy baby! I promise, I will find mommy! Aalis muna si daddy, pero babalik si daddy! I promise!"


No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon