CHAPTER 1

301K 3.8K 107
                                    

Caleb's P.O.V

"Karen please,  sumama ka na sa 'kin."

"Caleb, alam mong hindi pwede diba?"

"Karen sigurado ka ba talaga na papakasal ka sa lalaking 'yon? Paano ako?" Pigil na pigil ang boses ko para hindi makakuha ng atensyon sa ibang customer na nasa loob ng restaurant. Pero parang gusto ka ng sumigaw.

"I'm sorry Caleb, alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa diba?"

"God Karen, handa mong ipagpalit ang sarili mong kaligayahan dahil lang sa pangarap mo, dahil lang sa pera, mag-ta-trabaho ako para sa ating dalawa."

"Caleb please. Don't make it hard for both of us." I gasp of frustration, resting my back against the chair. Halos mag makaawa na ako, kulang nalang lumuhod ako. But she's firm of her decision. She  holds my hands gently.

"Caleb please,  do understand." She says sincerely, damn! Ito ang kahinaan ko, pag nakikita ko ang maamo niyang mukha at nakikiusap, I couldn't help but just nodded my head.

"Okay," tangi kong nasabi.

"Thanks," Niyakap niya ako at napayakap na lang din ako sa kanya.

Gusto ko siyang halikan but I can't,  nasa public place kami. She pulled away.

"Are you going back to province? " She asks

"No," I replied as I shake my head.

"Are you gonna stay here? Anong gagawin mo dito?"

"I'll stay with you. Gawan mo ng paraan para makapasok ako sa bahay ninyo."

"What!? You're insane." Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Please! Kung mahal mo talaga ako gagawan mo ng paraan." Napabuntong hininga siya sa sobrang gulat, at hindi makapaniwala sa gusto kong mangyari.

Pero hindi ko siya titigilan hanggat hindi siya pumapayag, alam kung kabaliwan ang gusto kung mangyari, ang tumira sa bahay kasama ng lalaking papakasalan niya, pero wala akong pakialam.

Hindi ko kayang mahiwalay pa sa kanya, hindi ko alam kung paano ko magagawa ang makapasok sa bahay na 'yon, pero kailangan.

"Caleb, that was a crazy idea."

"I know, but please do something. Mahal mo ba talaga ko?"

"Of course, I do. Alam mo 'yan."

"Then do something para magkasama tayo." Matagal siyang nanahimik. Malamang pinag-iisipan ang gusto kong mangyari. Pinakatitigan niya ako.

"Okay," bigla akong napangiti sa sinabi niya. Ginagap ko ang kamay niya.

"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh."

"Yeah, that's why you're pressuring me." Sabi niya, pero sumilay ang matatamis niyang ngiti. Lalo lang lumapad ang pagkakangiti ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Kumalas ako ng yakap.

"So, what's the plan?" Tanong ko.

"Ipapasok kitang driver." Driver? Seriously? Tama ba ang dinig ko? Tinignan ko siya na parang nagtatanong, tumango-tango siya na parang alam niya ang nasa isip ko.

"Ipapasok kitang driver slash bodyguard slash baby sitter." Ngumiti ako, kung siya naman ang aalagaan ko ayos na ayos yun sa 'kin.

"I'll accept it. Driver mo slash bodyguard slash baby sitter slash boyfriend." Umiling-iling siya sa sinabi ko.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon