CHAPTER 11

117K 2.6K 59
                                    

☆☆☆☆☆
Rebecca

Saturday night, and we are at the bar right now, celebrating Jasper's birthday. Nirentahan pa niya ang isang buong bar para sa party niyang ito. Kaya halos lahat ng classmates and schoolmates ay nandito.

"Jasper, why did you invite them?" Nakasimangot na tanong ni Mahra at tinutukoy niya ay sila Danilo at Lea. Nawala ito sa mood at nag mamamaktol ng dumating si Lea at Danilo.

"Nakakahiya naman kasi. They asked me if they are invited too. Alangan namang sabihin kong hindi." Niyakap na lang ni Jasper si Mahra dahil sa pagmamaktol nito. Ang sweet talaga ng ugok na 'to.

"Mahra, pwede ba wag ka nang mag inarte diyan. Hindi ikaw ang may birthday, hayaan mo na sila." Ngumiti naman si Mahra sa sinabi ko at agad na niyakap din si Jasper. Malamang iniisip lang niya na baka masira ang araw ko dahil sa dalawa.

Tumingin ako kay Caleb na katabi ko lang. Three weeks na rin siyang nanliligaw sa 'kin. Walang patid kung mag bigay ng bulaklak, minsan nga sinasabi ko na hindi na niya ako kailangan bigyan ng bigyan ng bulaklak. Baka naman kasi nauubos na ang pera niya dahil doon. Hindi naman kalakihan ang sweldo niya para tustusan pa ang regular flower delivery.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya at nag thumbs up.

"Hey Caleb, let's dance." Bigla-bigla na lang ang paglapit ni Lea sa table namin at hinila si Caleb.

"Hindi ka naman magagalit Rebecca diba? He's not your boyfriend naman eh." Sabay hatak nito kay Caleb sa dance floor. Hindi man lang nakapagsalita si Caleb, sa gulat marahil. Sinundan ko na lang sila ng tingin.

Nakaramdam ako ng inis ng bigla na lang ipulupot ni Lea ang braso paikot sa batok ni Caleb at gilingan pa ito ng katawan. Napakalandi talaga.

"Ayan ang sinasabi ko eh! Trouble ang bitbit ng babaeng yan." Wika ni Mahra na nagsisimula na namang mainis.

"Look oh!" Muli akong tumingin sa dance floor. Napakuyom ako ng makita kong nakahawak na si Caleb sa baywang ni Lea. Bwesit! Mukhang nagugustuhan na rin niya ang ginagawa sakanya ng tipaklong na 'yon. Kinuha ko na lang ang baso ng alak at sinimsip ang laman nito.

"Ayan kasi Rebecca, ang arte mo kasi eh! Three weeks na siyang nanliligaw sa 'yo, pero hindi mo parin sagutin kahit may gusto ka naman." Nasermunan na naman tuloy ako ni Mahra. Kumuha na lang uli ako ng alak at tinungga iyon. Naba-badtrip talaga ako.

"Hi Rebecca!" Napaangat ako ng tingin para mapagsino ang taong bumati sa 'kin. Peste talaga!

"Anong kailangan mo Danilo? Pwede ba! Wala akong panahon sa 'yo." Pagtataray ko dito dahil talagang banas na banas na ako dadagdag pa ang pesteng 'to. Siguro kung maibulalas ko ang lahat ng sinasabi ko sa utak ko puro mura ang aabutin sa 'kin nito.

"Nilapitan lang kita, you look upset eh! Tara, sayaw tayo."

"As if naman na makikipag sayaw ako sa 'yo." Taas kilay kung bara sakanya. Napakibit balikat na lang siya sabay talikod. Muli akong tumingin sa dance floor. Lalong nagngingit-ngit ang kalooban ko ng makita kong nakayap na si Lea kay Caleb.

"Danilo!" Tawag ko sa ex kong mukhang inidoro raw. Lumingon naman siya at agad akong tumayo. Nilapitan ko siya sabay hila papunta sa dance floor.

Hindi na rin siya nagsalita pa at nagpatianod na lang. Pumwesto kami sa likod ni Caleb, sinigurado ko talagang makikita niya ako at maririnig niya ang lahat ng gagawin at sasabihin kong panglalandi dito sa ex ko. I immediately wrapped my arms around his neck and pulled him closer to me.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon