Chapter 35

128K 2.7K 212
                                    


MAHIGIT isang linggo na akong nakakulong sa bahay. Walang gadget o kahit na ano. My parents was determined to detain me in this fucking house. Fuck! Fuck! Fuck! Paano ko mapupuntahan si Rebecca kung kahit sa punyetang bahay na 'to eh hindi ako malakabas. Our house was guarded by a few men. Goddammit! They were insane for doing this to me.

Narinig ko ang katok sa pinto. I got off  my bed and opened the door.

"What!?" Singhal ko sa security na siyang napagbukasan ko. Daig ko pa ang kriminal sa ginagawa nila. Kahit sa kuwarto ko may nakabantay na dalawang lalaki. Isa sa labas ng pinto at sa likod ng silid ko. Minsan kasing sinubukan kong umalis pinigilan ako ni Kael pero hindi ako nagpaawat kaya nagpang-abot kami. Boung buhay namin ngayon lang kami nagkasakitan talaga. Hanggang ngayon masakit pa rin ang mukha ko dahil sa mga sapak na natanggap ko sa kanya. Kaya kumuha sila mom ng security na magbabantay daw sa 'kin.

"Pinapatawag po kayo ni Ma'am Veronica. Nasa baba po, sa sala." Lumabas ako ng silid at walang ganang bumababa ng hagdan habang nakapamulsa.

Nandoon ang lahat. Si mom, dad, ang gago kong kapatid na hindi man lang ako suportahan at si Janilin. Si Janilin lang ang nakikisimpatya sa 'kin. Lagi siyang nakikiusap kila mommy na hayaan na lang ako. Maging si Yazzy ay nandito rin. Umuwi siya sa kanila pero bumalik uli dito kahapon.

"Anong mayroon. What's our agenda for today?!" I asked them with full of sarcasm. Tumayo si mommy mula sa pagkakaupo at lumapit sa 'kin.

"Alam kung galit ka sa amin, lalo sa 'kin. But Caleb, this is the right thing to do. 'Wag ka nang magmatigas pa. 'Wag mo nang guluhin ang mag-ama. Si Rebecca na mismo ang lumalayo sa 'yo. Mas masasaktan mo lang siya kung patuloy mo siyang hahabulin. Maawa ka naman sa kanya. Don't be selfish." Natigilan ako sa sinabi ni mommy. Selfish. Am I selfish? Nagmamahal lang naman ako at alam kong mahal din ako ni Rebecca. Ang pagiging selfish ay kung ipipilit mo ang sarili mo sa taong hindi ka mahal.

"If you really love her. Set her free. I like Rebecca, I really do. Pero siya na mismo ang lumayo sa 'yo dahil 'yon ang tingin niyang tamang gawin. Nag-desisyon na siya Caleb, so, please stop planning stupid things. Bumalik ka sa Ohio. Libangin mo ang sarili mo. Do everything you want and forget her." Hindi ako umimik. Dapat ko nga bang siyang kalimutan at magpakalayo na lang? Pero sa bandang huli, mom was right. Si Rebecca na mismo ang bumitaw. She chose to leave.

"Here. Kinuha na kita ng ticket. Bukas ang flight. Just go, son. Kung gusto mo sasamahan kita." Kinuha ko ang ticket na hawak ni mommy.

"About your resthouse. Nabayaran ko na ang loan mo sa bangko. It's all yours again."

Bumuga ako nang marahas na hininga at pinalo-palo ang hawak kong ticket sa isa kong kamay habang nakapako ang mata ko doon. Umangat ako ng ulo para muling tumingin kay mommy.

"Ikamamatay ko kapag nawala pa siya akin. Mahal na mahal ko talaga siya. I couldn't see myself in future without her. I will probably be miserable if I lost her." Bumuntong hininga si mommy at kapansin-pansin na rin na na-fu-frustate na siya.

No More LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon