Kabanata 29-B

44 4 0
                                    

Alas sais y media ng makarating ang magkaibigan sa Philippine Statistic Office. Sinunod nila ang bilin ng kausap na sa likurang bahagi ng gusali dumaan. Sinalubong sila ng isang lalaki, mabilis na binuksan nito ang pintuan ng pasukan at saka sila itinaboy papasok sa opisina.

"Parating na ang ka-relyebo ng gwardya dito sa back gate, Kenan nga pala." Kinamayan nito si Monroy at Williard.

"Ako naman si Richard, ito si Monroy, ang best friend ko. Siya ang may kailangan sa birth certificate para sa research niya, brod."

"Oh, I see. Come with me."

Pinatuloy sila ni Kenan sa isang silid sa opisina ng archive. Ang bawat isa sa limampung lamesa ay may isang computer at tambak na mga papel sa gilid nito.

"Ito ang encoding room. May 50 typists tayo, wala silang ibang dapat gawin kundi mag-sort ng birth certificates at mag-encode sa computers nila. Pasensya na kung messy, tara sa office ko." Naglakad sila patungo sa isang na opisina sa loob ng silid. Bumungad sa kanila ang isang putting pusang na gumawa ng ilang ingay at saka ikiniskis ang sarili sa mga binti ni Monroy.

"This is the mother computer of Pamilya Project ng ating president. Simple lang, we are preparing to go digital in the next 5 years. Actually, 10 years ang contract na ito. Ako ang gumagawa ng database at program para sa digitization ng birth certificates ng ninty milyong Pilipino, provided na mayroon silang kahit anong record of birth. Villadelobos, top secret ito. Nasabi naman siguro iyan ni Col. Binas. Sinimulan ito ng nakaraang administrasyon,at bente lang ang tauhan ko. Ngayon, maswerte naman na itinuloy ng ating pangulo, at nagdagdag ng malaking budget pero kulang pa din kung tutuusin. Brod, anong full name mo?

"Jose Ricardo Mari Villadelobos"

Tinipa ni Kenan ang keyboard at lumabas ang entrada ni Richard sa makina.

"There you go! This is your birth certificate." Sabi ni Kenan. Sinilip ng magkaibigan ang impormasong nasa screen ng computer.

Sino ba ng hinahanap mo, Monroy?" tanong ni Kenan habang hinihimas sa kandunga ang pusa.

"Melchora, taga-Negros siya. Occidental."

"Hmmm, mahihirapan tayo kung walang pook, o nayon pero subukan natin."

Ilang pindot sa mga buttons at ipinasok ni Kenan ang mga salitang Melchora at Negros. Lumabas ang maraming pangalang Melchora na nakatira sa rehiyon ng Negros Occidental.

"There you go, at least 5,000 entries of Melchora sa kanilang first and second names, all we have to do now is to check each. Napakarami nga lang nito. Anymore, words associated with her."

"Pakilagay ang Melchora at ang bayan ng Himamaylan district, please."

KLIK...KLIK...KLIK at lumabas ang libong entrada.

"Himamaylan District has 15 barangays and 90,000 residents."

Naisip ni Monroy na sa distrito ng Himamaylan ipinanganak si Papa Isyo ngunit ang mga miyembro ng Dios-Dios ay kalat mula sa Leyte at Samar hanggang Negros at Panay. Ang bundok Mandalagan ay naging kuta ng mga Pulajanes, naisip niyang isama ang syudad ng Silay kung saan ito makikita.

"Pakitingnan naman ang mga may pangalang Melchora sa Silay City. Salamat."

Muling lumabas ang maraming entrada na umabot sa limang-daan.

"Pwede na siguro itong mga ito. Paki-abangan nga sa printer, brod." sabi ni Kenan

"Sige, pagtyagaan na lang naming isa-isahin ang mga iyan. Maraming salamat."

Lumabas sa printer ang mga papel kung saan nakalimbag ang mga entrada para sa mga may pangalang Melchora sa distrito ng Himamaylan at syudad ng Silay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon