Huling Linggo ng semestre at ang lahat ay hindi magkamayaw sa patung-patong na hinihingi ng kanilang mga dalubguro. Isama pa dito ang mga pangwakas na eksaminasyon na kailangang maipasa. Kasama ang kaibigang si Richard, nagtungo si Monroy sa Philippine Statistics Office upang malaman ang paraan kung paano makakuha ng birth certificate ng isang taong hindi naman kamag-anak. Nalaman niyang kailangan ng liham na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga kawani ng tanggapan na maghanap at magbigay ng ganitong dokumento sa isang indibidwal. Dumiretso na ang dalawang magkaibigan sa kanilang mga unibersidad. Pagdating sa Eskwela Konkordya, tinungo ni Monroy ang tanggapan ni Propesor Antonio upang humingi ng rekomendasyon na kaagad namang ginawa ng huli. Inatasan ng dalubguro ang kaniyang assistant na dalhin ang liham sa opisina ng Dekana ng Departamento. Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Macario at ayon dito, nasa isang internasyunal na pulong ang dekana at hindi nito alam kung kailan ang pagbabalik. Naisip ni Monroy na magagahol siya kung kaniyang hihintayin ang sulat. Nagtungo siya sa kantina at doon nananghalian at saka nagpalipas ng oras sa ilalim ng punong manga. Pinag-isipan ng binata ang kaniyang mga susunod na hakbang sa pananaliksik hanggang sa sumapit ang oras ng klase sa Philippine History. Nagpasa ng final paper Si Williard at Kristine at ang mga kaklase nila. Matapos ang klase, nagtungo ang magkakaibigan sa gym. Pinanood ng dalawa si Kristine habang nag-eensayo ito ng cheerdance para sa nalalapit na paligsahan.
"Congrats, Lard! Mabuti pa kayo ni Tine, tapos na sa paper. Nangangamoy first place sa final paper ah."
"Kaninong pangalan ba ang nakapaskil sa mga nakakuha ng pinakamataas na puntos sa pagsusulit sa Filipino, English at Psychology? nakangiting tugon ni Williard.
"Uy, nasa topnotchers list din ng Filipino ang pangalan mo ah. Si Tine din, topnotcher sa Psychology at English." tugon ni Monroy habang nakatingin sa mga cheerdancer na nagsasanay.
"Hmmm, tama ka dyan, hindi ka pa nagpapasa ng papel sa Philippine History ngunit hindi nangangahulugan na hindi mo maaring masungkit ang unang gantimpala. Isa pa, hindi mahalaga sa akin ang gantimpala, masaya ako na nakapagsulat ako ng isang papel tungkol sa Tribu ng Pesak. At kung maari, makatulong sa pagsugpo ng maling mga paniniwala tungkol sa kanila." nakangiting paliwanag ni Williard.
"I am with you on that objective, Lard." tugon ni Monroy. "Bukas, final exams na sa Science, History at Maths. Feeling ko si Tine na naman ang highest sa Maths. Good luck sa ating lahat!" nasa ganitong usapan ang dalawa ng lumapit si Kristine.
"Hey, guys, did you see that stunt that I just did?" masiglang sabi ni Kristine sa dalawang kaibigan habang umiinom ng tubig.
"Natural dancers naman kayong lahat. Tsaka ikaw, napakaganda mong panoorin habang sumasayaw. Nakakalimutan mo lang ngumiti palagi."
"I know right! Nakakalimutan ko talagang ngumiti. Hahaha! Sana makuha namin ang gold!"
"Buo na ba ang inyong routine?" tanong ni Williard.
"90% na, Williard. Sa final pyramid, isa ako sa lifter kasi matangkad ako."
"Tsaka, panglalaki kasi lakas mo, Tine! Hahaha!"
"Well, I will not detest that." nakangiting sagot ni Kristine. "Sana matapos namin ito by tonight, so that in the coming days, polishing na lang. Pati pag-ngiti ko, kailangan ko ding i-polish. Hahaha! Congrats pala sa atin, mataas tayo sa final exams. Bukas, History, Science and my favourite subject!"
"Hi, Williard!" bati ni Jade kasunod nito ang kaklase nilang si Madelle. "Hi, Monroy."
"Hi, Jade and Madelle." bati ni Monroy sa mga kaklase.
"Magandang hapon, Jade at Madelle." tugon naman ni Williard.
"Manood ba kayo ng laban namin this Saturday?"
"Oo, hindi kami mawawala sa inyong sasalihang paligsahan."
"Good luck sa Cheers! At syempre sa inyo. I-wagayway ninyong tatlo ang watawat ng ating section."
"Thanks sa inyong support! Sige, balik na kami sa training." naglakad pabalik sa kumpulan ng cheerdancers ang dalawa.
"Oh siya, I have to get back to training. We need to get this one done. Thanks sa moral support niyo."
"oo naman, hindi kami mawawala sa sabado." tugon ni Williard.
"That's your first contest. We can't miss that!" sabi ni Monroy. "Sige, we will be waiting for you. Sabay na tayong umuwi later. Mag-review din kami ni Williard habang pinapanood kayo."
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HororAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!