Class, may I remind you of the final paper, how's it going? tanong ni Propesor Antonio sa klase.
"Mahirap,sir, pero in fairness, nag-eenjoy po ako sa pagsusulat." tugon ni Jade.
"I'm glad to know that you are enjoying writing your paper." nakangiting tugon ni Propesor Antonio. So far, may mga interesting topics akong nakita. May I point out Williard's topic, I can't wait for your final paper, young man. Also, mayroon pang ilan na hindi pa nagpa-pacheck." nakatingin si Propesor kay Monroy habang nagsasalita. Monroy, may I have a moment with you? That's all for now, I will see you again next week."
"Anong mangyayari sa paper ko? The semester is about to end and I don't even have a topic." sabi ni Monroy sa sarili. "Kailangan kong kausapin si Propesor Antonio at Miss Maize."
Nagpaiwan si Monroy, Williard at Kristine sa silid upang kausapin ang kanilang dalubguro.
"Kristine, I like the progress of your paper. It's written construction is flawless. You are an excellent writer. And you Williard, I can't wait for your finished paper. I am excited to see where it will take you! And you, Monroy, you haven't even given me a title. What's the matter?"
"Pasensya na po kayo,sir. Pinag-iisipan ko po talaga ng mabuti dahil gusto ko pong ito ang maging best paper." masiglang tugon ni Monroy sa dalubguro kahit alam niya sa sarili na hindi siya sigurado sa kaniyang tinuran.
"Tama po siya, propesor." dagdag naman ni Williard.
"Sige, basta siguraduhin mong may relevance iyan sa kultura, kasaysayan, o ano pang aspeto ng ating lipunan." masiglang sabi ng dalubguro.
"Don't worry about Monroy, Sir! He will give you the best paper as he promised." susog ni Kristine.
"Iyong diary nga pala na ipinahiram ko sa iyo, pakisauli na lang kapag natapos mo na. Paki-ingatan mo iyan dahil bukod sa luma na ay original copy yan.Masisisante ako sa aking trabaho kapag nawala yan."
Matapos magpaalam sa dalubguro ay nagtungo si Monroy at Williard sa football field upang pag-usapan ang kanilang final paper. Nagpaalam naman si Kristine sa dalawa upang mag-ensayo ng cheerdance sa gymnasium.
"Monroy, isang buwan na lang, matatapos na ang semester, ano bang paksa ang iyong napipisil na gawan ng pananaliksik?"
Hindi tinugon ni Monroy ang kaibigan.
"Hmmm, tungkol ba yan sa aswang na naman?"
"Oo, same topic tayo."
"Huh? Hindi tungkol sa aswang ang aking papel. Ang mga iyan ay kathang isip lang yan! Hindi mga aswang Pesak!" mariing sagot ni Williard.
"Relax,Lard. Masyado ka namang seryoso, hindi ako papayag na makuha mo ang best paper."
"Sige ipilit mo na may aswang, at ng palakol ang gradong ibigay sa iyo ng ating dalubguro."
Sa ngayon, naisip kong gawan ng papel ang diary ng assistant ni Papa Isyo. So ano bang nalaman mo sa tribung Pesak?"
"Ang pokus ng aking papel ay ang diskriminasyon na kanilang nararanasan dahil maling paniniwala na sila ay mga aswang o kakaibang nilalang. Ilagay kaya kitang halimbawa ng mga taong may maling pag iisip tungkol sa kanila?"
"Why not! Hahaha! Convince me!"
"Maraming mga kaugalian at gawin ang mga kasapi ng Pesak na maaring kakatwa hindi lang sa atin kundi sa ibang mga etnikong pangkat sa bansa. Isa na dito ay ang paglalagay ng kanilang mga pinuno at hari ng matutulis na ngiping yari sa metal ang naging basehan ng kuru-kurongtungkol sa aswang. Hindi din nakatulong sa kanilang imahe na hindi madaling marating ang kanilang isla dahil sa malakas na alon at may iisang aplaya lamang ito kaya naman mailap sila sa mga tao."
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
TerrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!