Kabanata 19

132 4 0
                                    

19

Araw ng Sabado, sa Fairview, patakbong narating ni Richard ang bahay ni Monroy at agad na pinindot ang doorbell. Mabilis naman siyang pinagbuksan at pinatuloy ni Tita Blanca.

"Kamusta ka, Richard?Naliligo pa yata ang kaibigan mo." bungad ni Tita Blanca.

"Ayos lang po ako, Tita." sagot ni Richard.

Katulad ng nakagawian, umakyat si Richard sa ikalawang palapag at dumiretso sa kwarto ni Monroy.Nakita niya ang notebook ni Monroy sa kama. Kinuha niya ito at muling sinuri ang larawan ng lalaking ilang beses ng gumagambala sa kaniyang kaibigan. Hindi niya namalayang tapos na palang maligo si Monroy.

"Par, bakit nakatutok yang mukha mo dyan sa notebook? Type mo iyang halimaw?" sigaw ni Monroy kay Richard.

"Mas magaling pa din ako sayong gumuhit." naka-ngising wika ni Richard.Inginuso niya ang dala niyang nilupak.

"Tamang-tama at gusto ko ng mag-meryenda." biro ni Monroy.

Napansin ni Monroy ang muling paggalaw ng tenga ng kaibigan kaya't inusisa niya ito.

"Par,manghihiram sana ako sayo.Pambili lang ng uniporme. Patay kasi ako kapag wala pa nito sa Sabado!"

"Parang nag-aalangan ka pang manghiram?Nakaka-tampo ka talaga!"

"Ganoon ba?" Tumayo si Richard at dinampot ang wallet ni Monroy.Kumuha siya ng walong-daan dito at saka ngumiti.

Tumunog ang telepono ni Monroy at sinagot niya ang tawag ni Williard. Pagkatapos makausap si Williard ay tinanong niya si Richard.

"Sa August 8, may lakad ka ba?"

"Sa 8,wala akong training.Sinabihan na kami ni Col. Binas." sagot ni Richard. "Ano bang meron?"

"Aakyat tayo ng Mount Banahaw. First climb ng Akyat Kalikasan."

"Ito naman nang-inggit pa."

"Si Williard yung tumawag kanina,good news,kasali ka na sa Akyat Kalikasan!"

Sabay na napasigaw sa galak ang dalawa. Gaya ng nakagawian, sa Tree House nagpalipas ng Sabado ang magkaibigan.

***

Unang linggo ng Agosto,nagbigay ng pang-gitnang pagsusulit ang mga dalubguro ng Konkordya. Mataas ang markang nakuha ni Monroy at Kristine sa lahat ng kurso maliban sa Filipino. Pinakamataas naman sa Kasaysayan ng Pilipinas at Filipino si Williard ngunit muntik na niyang ibagsak ang Matematika. Bukod sa biktima ng isnatser sa UD, bukambibig din ng mga estudyante si Rossana Bagsik at ang eksaminasyon nito na ubod ng hirap.Dahil sa sa nakuhang pinakamataas na marka, madalas ipamalita ng propesora ang pangalan ni Williard at ng isa pang estudyante sa isang klase. Sa klase ng Biolohiya, tatlong araw na mawawala ang kanilang dalubguro.Nagpaalam ito na dadalo sa burol ng matalik na kaibigan. Puno ang schedule ng magkakaibigan para sa buwang ito. Ilang paksa ang iniwan ni Propesora Shyla upang saliksikin sa aklatan. Aakyat ng Bundok Banahaw si Monroy, Williard at Richard habang si Kristine naman ay puspusan ang pag-eensayo para sa laban. Sa katapusan ng buwan ay may praktikal eksam ang lahat sa paglangoy sa kursong PE. Bakante naman ang iskedyul ni Richard sa buwang ito ngunit magiging abala na siya sa Setyembre.

***

Sa gym ng pamantasan, kasalukuyang nagsasanay ang mga kaanib ng Cheers! para sa nalalapit na 1st Manila City Cheering Competition. Si Franz, Madelle at iba pang mga flyers at lifters ay nakatuon sa scorpion stunts.Abala naman si Kristine sa pagsasayaw kasama ang mga dancers sa pamumuno ni Katrina.Nang matapos ang musika ay nagpatawag ng labinlimang minutong break si Katrina.

"Ang galing mo namang sumayaw,Kat!" puri ni Kristine kay Katrina.

"Ikaw din naman,Sis. Kaunting practice lang yan.Honestly, mas magaling ka na sa ibang miyembro." sabi ni Katrina. "And you are a natural dancer."

"You really think that? Tara snack muna tayo." yaya ni Kristine.

"Sis,hindi ako kasing-sexy mo kaya one waffle lang ang kakainin ko today." sabi ni Katrina.

Natungo ang dalawa sa kantina. Habang hinihintay ng mga dilag ang waffles na kanilang inorder ay pinag-uusapan nila ang kumpetisyon. Kapansin-pansin ang biglang dagsa ng mga kalalakihan sa tindahan ng waffles. Karamihan ay pasimpleng sumusulyap sa dalawang cheerdancers na tunay namang maganda. Nakadagdag pa sa atraksyon ang mga suot nitong hapit sa kanilang katawan. Ang ilan naman sa mga binata na kakilala na ni Katrina ay bumati.

"Bongga mga sponsors natin.For sure,malaki ang premyo!" sabi ni Katrina.

"Smart pa lang ang sponsor ay siguradong big event ito. What about yung Little China in Manila Foundation?" tanong ni Kristine.

"Foundation yun ng mga Intsik sa Manila.Knowing Chinese, mayayaman din yan so malaki din ang ibibigay niyan. Bukas ko malalaman kung magkano ang top prize!"

"Naririnig ko na din yan sa TV.Madalas silang mag-sponsors ng charity works, but not a sporting event."

"Oo,sis, napakabait ng LCMF sa mga charity at NGOs.Kung hindi ako nagkakamali,ito ang first time na magsponsor sila ng sport competition." dagdag ni Katrina. "Ate, ayaw niyo ba kaming isponsoran? Pansinin niyo,dumarami ang bumibili sa inyo ng waffles kapag nandito kami ni Kristine."

Tumawa ang tindera sa tinuran ni Katrina. Sinimulan ng dalawa ang pagkain ng waffles. Maya-maya ay napatigil si Kristine ng makita ang paparating na lalaki. Tiningnan ni Katrina ang kumuha ng atensyon ng kasama. Nang makilala ang lalaki ay bumulong ito.

"Sis,bading yang Ramil Pardo na yan."

"Shhhh..baka marinig ka."

"It's true."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Single pa din yan kahit halos siya na ang ligawan ng mga babae."

"Baka naman di niya type yung mga nanliligaw sa kaniyang girls?"

"Halos lahat yata ng magaganda dito sa campus eh crush siya.Wala pa din siyang nililigawan."

Napaisip si Kristine ng ilang minuto pagkatapos ay nagwika.

"Niligawan mo siya,sis?"

"Hahaha!Halika na nga sa gym!' sagot ni Katrina.

Ipinagpatuloy ng cheerleaders ang ensayo. Makalipas ang tatlumpong minuto ay nainis si Katrina dahil hindi pa rin makuha ng ilang dancers ang isang routine na gusto niyang isama sa sayaw.

"3 weeks na lang at competition na!Baka naman magkalat kayo!" bulyaw ni Katrina sa grupo.

"Ate, ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo.Masakit na katawan namin." sabi ni Jade.

"Ganoon ba?Yung mga hindi kayang gawin yung routine,itaas ang kamay.Ilalagay ko kayo sa Pep Squad at doon kayo magsisigaw.Tutal ayaw niyo rin namang sumakit ang katawan niyo.Sino ang may gusto?" sigaw ni Katrina. "Kayo Jade at Meriam?"

Walang sumagot o nagtaas ng kamay sa mga dancers.

"Overtime na lang tayo ngayon until makuha natin ang routine.Payag ba kayo?" tanong ni Kristine sa grupo.

"Walang problema sa overtime. Wala naman sigurong gustong mapahiya sa competition." sabi ni Madelle.

"O sige! Overtime kung overtime!" sabi ni Jade.

***

Sa tambayan ng Akyat Kalikasan, pinag-uusapan ng mga miyembro ang nalalapit na pag-akyat sa bundok ng Banahaw.

"Hi Lily, Jeff and Jay." bati ni Monroy.

"Magandang tanghali sa lahat." bati naman ni Williard.

"Sasama ba si Richard sa Banahaw?" tanong ni Jay kay Williard.

"Oo, sasama yun!" sabi ni Monroy. Binati Monroy ang mga katulad niyang bagong miyembro.Ito ay sila Nico, Aliah, at syempre si Kim.

Ipinakilala ni Jay sa mga bagong miyembro ang mga seniors. "Itong si Ate Lanie niyo ay batchmate ko dito. 3 years na din yang umaakyat.Hindi lang madalas dito sa tambayan."

"Hi,mga kasama. Huwag kalimutan ang alak ha!Ako si Ate Lanie niyo.Pasensya na kung ngayon lang ako nakatuntong ditto sa tambayan."

"Sebastian,mga bata. You can call me Basty. Wag niyo akong tawaging kuya,huh. Di ako makakasama dahil busy sa thesis."

"Thesis, baka sa chicks ka busy." Hirit ni Lanie. "Sumama ka na,Basty!"

"Babawi ako sa next climb,tol." tugon nito sa kasamahan.

"Ito ang itinerary natin sa akyat. Nandyan sa ibaba ang mga dapat dalhin ng bawat isa. Pakibasa na lang. Bale Saturday early morning ang alis natin,then Sunday midnight ay nandito na tayo sa Manila." paliwanag ni Lily.


"Okay na ba ang 1,000 na budget?" tanong ni Jeff.

"Ayos na yan.Kung kulangin naman tayo ay pwede nating gamitin yung naipon from membership fee." sagot ni Lily.

"Limang litrong tubig ba talaga ang dapat dalhin?" tanong ni Williard.

"Yan na ang modest amount na kailangan natin. Mas maganda na ang sobra kaysa kulang. Wala ng iba pang water source sa itaas kapag tuyot ang falls.." sabi ni Jay.

"Ano bang masarap na de-latang pagkain?" muling tanong ni Nico.

"Ayoko ngang magdala ng de-lata!Ang bigat kaya nun!" sabi ni Monroy.

"Tama ka diyan.Mabibigat ang mga canned goods. Pwede siguro ang isang piraso." sabi ni Lily.

"Mga baguhan talaga kayo. Sosyal ang grupo natin. Kakain tayo ng spaggheti sa itaas ng bundok.Sagot ko na yan." sabi ni Lanie.

"Minsan lang manlibre yang si Lanie." buska ni Jay.

"Hahaha! Paano naman lulutuin yun sa itaas?" tanong ni Jeff.

"Usually,pre-cooked na ang mga karne para madali ng lutuin. Luto na ang noodles at sauce ng spaggheti.Iinitin na lang natin sa itaas." sagot ni Lily.

"Mukhang exciting ang first climb natin!" sabi ni Monroy at Richard.

"Oo naman.Huwag lang magkakaroon ng aberya." turan ni Williard. Palihim na nilingon niya si Jay. Nagulat siya ng makitang nakatingin din pala ito sa kaniya. Nakipagtitigan siya dito. Bumawi ito ng tingin at nagwika.

"Tara na sa ibaba para sa pre-climb."

l�v>Fv^h

t>?B




Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon