4
Unang araw ng pasukan, unang klase ni Monroy. Nakaupo siya sa likuran ng silid at pinagmamasdan ang mga mukha ng magiging kasama niya sa unang simestre. Ilan sa mga nakilala niya ay sina Jade, Rudy, at Madelle. Mahigit dalawampung minuto na ang lumipas ay wala pa rin ang kanilang propesor sa kursong Kasaysayan ng Pilipinas.Paborito pa naman niya ang asignaturang ito noong nasa hayskul pa siya. Maingay na ang klase ng biglang bumukas ang pinto. Lahat ay napatingin sa direksyon nito sa pag-aakalang dumating na ang propesor ngunit sa gulat ni Monroy, si Kristine ang iniluwa ng pintuan. Nakita niyang tinanggal nito ang suot na shades. Nang makabawi sa pagkabigla ay kinawayan niya si Kristine. Nakita naman siya nito at lumapit. Napansin ni Monroy na mas lalong gumanda ito lalo na sa malapitan.
"Hi, Monry! Gosh, we are classmates!" masayang bati ni Kristine.
"It's Monroy! Have a seat." sabi ni Monroy.
Mula sa kinauupuan ay inginuso ni Monroy kay Kristine ang mga nakilala niya sa klase kanina. Ilang sandali pa at dumating na ang propesor nila. Dagliang nanahimik ang silid. Tanging tunog lang ng dalawang bentilador ang maririnig. Tinantya ni Monroy ang lalakeng nakatayo sa harap ng klase. Katulad niya ay 5'7' ang taas ng propesor. Isang mamahaling Barong Tagalog na gawa sa hibla ng pinya ang suot nito. Matikas ang tindig at masiglang kumilos ang lalake kaya't misteryo kay Monroy ang buhok nitong halos kulay uban na lahat. Humingi muna ng paumanhin ang propesor at saka nagpakilala.
"I'm Professor Antonio. I am hopeful that this tardiness of mine will not give you a bad impression. I do not believe in the old adage that first impressions last. Now, let's get to our business. Wala akong pakialam kung palagi kayong absent, maingay kayo sa klase, o hindi niyo ako batiin sa corridor kapag nagkasalubong tayo. I only have four requirements that you must meet to pass this course. 20% ang participation sa discussions. 20% naman ang term paper and another 20% for the report. Ang pinakamalaking porsyento which is 40% ay ang final exam. Ang tatlong bagay na ito lamang ang obligasyon niyo sa klase ko. Yun lang at wala ng iba." walang putol na sabi nito. "Any queries?"
"Sir, may reporting po ba?" tanong ni Jade.
"Yes, and it's 20% as what I have said. Huwag niyong isipin na tamad ako kaya may reporting. Kapag nasanay kayo sa reporting, magiging mahusay kayo hindi lamang sa public speaking kundi pati na din sa research. I'll assign the topics on our next meeting." sagot ni Antonio.
"How old do you think he is?" palihim na tanong ni Kristine kay Monroy.
"Kung buhok niya ang pagbabasehan, early 50s na siya. Kung mukha naman niya, baka 25 lang siya. Hindi ako sigurado" mahinang sagot ni Monroy.
Nilikom ng propesor ang mga classcards at saka sila inatasang bumuo ng grupo na may tatlong miyembro. Nayakag ni Monroy si Kristine ngunit kailangan pa nila ng isa. Sinuyod ni Monroy ang silid para sa isa pang miyembro.Nakita niya ang isang lalake na kadarating lang. Lumapit ito sa propesor, nagmano at humingi ng paumanhin dahil sa hindi nito pagdating sa tamang oras.Umupo ito sa bakanteng upuan sa pinaka-likurang bahagi ng silid. Agad itong nilapitan ni Monroy upang alukin na sumali sa kanilang grupo habang si Kristine naman ay palihim na kinakalikot ang kaniyang telepono.
"Classmate, may grupo ka na?" nakangiting tanong ni Monroy sa lalake. "You were late, weren't you?""Oo, nahuli ako. Wala pa akong grupo. Maari naman yatang ako ay mag-isa lang."
"3 members daw in each group kaya kung gusto mo sa grupo ka na lang namin dahil kulang pa kami ng isa."
"Sige kung iyan ang nais mo. Maraming salamat." matipid na sagot ng lalake.
"Tara at doon tayo umupo. Ipapakilala ko sayo si Kristine" anyaya ni Monroy. "Ano nga pala name mo?"
"Williard." sagot ng lalake.
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HororAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!