7
Friday, 3:00 p.m., bakanteng oras ni Monroy, Kristine at Williard kaya't napagpasiyahan nilang magpunta sa gymnasium kung saan kasalukuyang ginaganap ang "Club Presentation". Sa gym, maraming booths, lamesa, upuan at mga estudyante. Iba-iba ang mga pakulo ng bawat organisasyon. Unang pinuntahan ng tatlo ang booth ng "Luntian", isang environmentalist club. Ang mga nagbabantay ng booth ay pulos nakasuot ng green shirts.
"Wow, ang ganda ng mga shirts niyo parang traffic light. Safe kayong tumawid sa kalsada dahil walang babangga sa inyo." pambubuska ni Kristine.
"Tin, halika dito. Tingnan mo yung mga pictures nila kasama si Sir Antonio."sabi ni Monroy.
Ang tinutukoy ni Monroy ay ang "Akyat Kalikasan", isang environmentalist at mountaineering club. Sa tabi ng lamesa ay makikita ang isang puno na gawa sa dyaryo at karton. Ang mga dahon nito ay mga litrato ng grupo sa iba't- ibang bundok sa bansa. Mayroon ding mga pictures ng kweba, ilog, hayop at halaman na natagpuan nila sa mga lugar na kanilang nagalugad. Kasama sa ilang mga larawan si Prropesor Antonio. Napukaw ang interes ni Monroy na sumali sa "Akyat Kalikasan."
"Miss, old member ba si Prof. Antonio ng "Akyat Kalikasan?" tanong ni Monroy sa bantay ng booth.
"Oo at isa siya sa founding members nitong organization. Professor niyo siya sa Philippine History? Umaakyat pa rin siya kapag inimbita namin. Madalas naming siyang guest tuwing may special climb. Sa ngayon, siya ang adviser ng Akyat Kalikasan. Gusto niyo bang sumali?" naka-ngiting sagot ng babae.
"Miss, interested kaming tatlo na sumali. Kailan ang orientation?" tanong ulit ni Monroy. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Kristine.
"Next Saturday, 1:00 to 4:00 p.m. Ako nga pala si Lily.Pakilista na lang ang names niyo dito." masiglang sagot ng babae. Iniabot nito ang talaan at bolpen kay Monroy.
"Monroy, hindi ko feel ang umakyat ng bundok,tingin muna tayo ng iba, please."tutol ni Kristine.
"Ok na ako dito." sabi naman ni Williard.
"Obvious naman na taong-bundok ka." sabi ni Kristine.
Tumawa si Monroy sa tinuran ni Kristine. Tahimik na nakangiti lang si Williard. Naglakad ang tatlo at tumingin pa ng ibang organizations. Nakita nila ang booth ng "Cheers!", ang cheering team ng kanilang pamantasan. Naka-cheering uniform ang mga nagbabantay ng booth. May hawak na pompoms pa ang mga babae habang sumasayaw sa saliw ng makabasag-tengang tugtugin. Naka-display ang mga tropeyo at gantimpala na napanalunan ng grupo. Kasunod ang dalawang lalaki, masayang nilapitan ni Kristine ang booth at nakita niyang isa si Jade sa mga nagbabantay dito.
"Hi Jade. Member ka pala dito."naka-ngiting bati ni Kristine kay Jade. Hindi siya pinansin nito bagkus ay lumapit ito kay Williard.
"Williard, sorry sa nangyari sa klase ni Prof. Antonio. Hindi ka lang pala gwapo, matalino pa." sabi ni Jade.
"Wala iyon, Jade. Normal lang naman ang makipagtalo sa isang talakayan." sabi ni Williard.
"Thanks. Mabait ka din pala. Sali ka naman sa cheering team ng school. Ate ko ang captain ng grupo. sagot na kita."
"Hindi ko hilig ang pagsasayaw o mas tama sigurong sabihin na ayaw sa akin ng pagsasayaw." sabi ni Williard.
"Kahit hindi ka sumayaw. Mag-lifter ka na lang dahil maganda naman ang katawan mo." sabi ni Jade.
"Hindi muna sa ngayon,Jade. Hayaan mo pag-iisipan ko. Kung hindi ngayong taon, may susunod pa naman, di ba?"
"Oo naman basta ikaw.Thanks. Sorry ulit sa nangyari." masiglang tugon ni Jade kay Williard. Bumalik siya sa kaniyang upuan. Nakita niya si Kristine na isinusulat ang pangalan sa talaan ng gustong sumali sa "Cheers!".
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!