6
Sa klase ng Philippine History, isang mainit na talakayan ang nagaganap. Ayon kay Propesor Antonio, tulad ng mga sinaunang kultura, ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila ay mayroon ng ispiritwal na paniniwala. Islam at hindi Kristiyanismo ang unang relihiyong may doktrinang iisa lamang ang Diyos ang dumating sa pulo-pulong nasyon. Nabahiran din ng Hinduismo at Budismo ang sinanunang Pilipino. Ang pinakaunang pananampalataya sa lahat ay ang animism kung saan ay ang mga katutubo ay naniniwalang may angking kaluluwa ang mga bagay-bagay. Mayroon ding hindi nakikitang pwersa na nagtatakda ng lahat. Ang mga Babaylan ay ginagalang na mamamayan sa isang komunidad. Ang mga ito ang lider sa aspetong panrelihiyon at pangkalusugan. Ito ang kanilang mahalagang papel sa ating lipunan bago dumating ang mga Kastila."Buti na lang hindi ako pagan." sabi ni Jade.
"The early Filipinos were not pagans,Jade. The correct term is animists. You may also use polytheists and pantheists." sabi ni Propesor Antonio.
"Sir, ang mga lalakeng babaylan ba ay bakla?" tanong ni Nelson.
"Sandali lang ha. The term "homosexual" was first used in 16th century. Hindi sila mga bakla. Simbolo sila ng pagiging pantay ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastila. Sa ordinaryong araw, ang mga babaylan ay ordinaryong magsasaka, mangingisda at iba pa. Class, ang "Mediterranean Machismo" ay dinala lang ng mga kastila sa Pilipinas. Hindi "Patriarchal" mag-isip ang mga sinaunang Filipino. Generally, mga babae ang babaylan ngunit maaaring
maging babaylan ang isang lalake dahil walang gender discrimination noon.
"Sir, kung may kapangyarihan ang mga babaylan, maaari ba nating sabihin na mga mangkukulam sila?' tanong ni Monroy.
"Iyan ang ginawa ng mga kastila sa mga Babaylan. Pinagbintangan silang mga mangkukulam at kampon ng diablo. Isa yan sa mga propaganda nila to convert the early Filipinos into Christians. Lumaban naman ang mga babaylan. Isang pag-aaklas ang nangyari sa Antique. Ang kuta ng mga Filipino ay isang kweba sa pinakaliblib na parte ng kabundukan. Binabantayan ng isang Babaylan ang kweba na may isang malaking kawa na puno ng pagkain.. Kung nagugutom ang isang miyembro ay papasok lamang siya sa kweba upang kumuha ng pagkain sa kawa na nakapagtatakang hindi naubusan ng laman. Marami pang pag-aaklas ang inilunsad upang itakwil ang Kristiyanismo. Sa bandang huli ay nagtagumpay ang mga Kastilang misyoneryo at naitaboy nila ang mga babaylan palayo sa mga pueblo." kwento ni Propesor Antonio.
Nais magdagdag ng impormasyon ni Williard kaya't nagtaas siya ng kamay.
"Sir, may karagdagan ako. Ang mga Babaylan din ang dahilan kung bakit kakaunti na lang ang mga aswang. Dapat nating ipagpasalamat iyan sa kanila." dagdag ni Williard.
Napahagalpak sa tawa si Jade kaya't ang lahat ay napatingin sa kaniya.
"Hahaha!At bakit nasama ang aswang dito sa usapan? History ang topic at hindi children's story." sabad ni Jade.
"May tanong ako sayo Jade. Ilan ang species under the "Felidae Family"?" tanong ni Williard
"Hindi ko po alam ang exact number. Basta ilan sa kanila ay domestic cats, lions, tigers, jaguars, at cheetahs." sagot ni Jade.
"May apatnapu't-isang kategorya sa ilalim ng Kauriang Felidae . Sa iyong palagay ay tayo lamang ba ang nabubuhay na kategoryang Homo Sapiens?" tanong ni Williard kay Jade.
"Debate na!"sigaw ni Arvin.
"Oo. Extinct na ang Homo sapiens idaltu, di ba?" balik-tanong ni Jade kay Williard.
"Oh extinct naman pala." hiyaw ni Nelson.
"Tama ka na nangamatay na ang mga Homo sapiens idaltu, Jade. Ang punto ko lang naman ay kung mayroong mga maaamong pusang bahay at mababangis na leon at tigre,may posibilidad na mayroong maiilap na tao na maari nating ikumpara sa aswang. Nalibot mo na ba ang mahigit pitong libong isla ng Pilipinas?" tanong ulit ni Williard dito.
Isang irap ang isinagot ni Jade kay Williard.
"Class, in Liang Bua Cave sa Flores, Indonesia, a fossil called "Homo floresiensis" was recently unearthed. The height of this 30-year old female is believed to be less than 4 feet. We'll hear more of this when scientists reach their conclusion or at least formulate theories. If Homo Floresiensis is found to be a distinct human specie, this will certainly shake our family tree. Aabangan natin ang development." paliwanag ni Propesor Antonio.
"Sir, para silang mga duwende natin." dagdag ni Williard.
"Williard, kontrobersyal pa ang Homo floresiensis. Paano kung totoo ang sinasabi ng ilang scientist na may microcephalus lang ang fossil na nahukay? Kanina aswang, ngayon naman duwende!" hirit ni Jade.
"Oo nga naman. Microcephalic naman pala!" muling sigaw ni Nelson.
"Sir, pwede din na hindi microcephalus ang dahilan ng pagiging maliit nila. Mayroon kasing tinatawag sa science na "dwarfism." dagdag ni Tina.
"May nabasa akong mga kwentong kababalaghan sa Indonesia. Binanggit duon ang ebu gogo at orang pendek. Sila ang mga ape-like creatures na nakatira sa mga kweba at masukal na kagubatan. Mga maliliit sila at mukhang bakulaw dahil sa makapal na balahibo nila. Kasing-taas nila itong Homo florisiensis, hindi kaya sila din ito?" salaysay ni Monroy.
"Class, maganda ang talakayan natin. Williard at Jade, maganda ang batuhan niyo ng mga tanong. Kaya lang ay wala ng oras. Next time ulit. Iyong mga natutulog dyan, baka matapos ang semester na hindi ko naririnig ang boses niyo. Baka di ko maalala ang pangalan niyo kapag gumagawa ako ng grades. Class dismiss." sabi ni Propesor Antonio.
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
TerrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!