25
Nagising si Monroy sa haplos ni Angela sa kaniyang noo.
"Anak, nasa Myanmar ako sa darating na Linggo. May aasikasuhin lang kami ng mga kasamahan ko.""Ilan kayong aalis,Mum?"
"Apat lang naman kami.Hindi pa naming alam kung hanggang kailan kami doon. Siguro ay 2 to 3 weeks. Then, babalik for follow up ng operation. Siyanga pala,pwede ka bang tumao muna dun sa Cubao sa Linggo? Paki-kolekta lang ang renta."
"Yun lang pala eh.Para naming hindi ako sanay sa work mo.Balak ko din talagang bumisita sa mga kaibigan natin doon sa Araneta. Don't forget my pasalubong,mum."
"Alam ko na yang gusto mo....mga tsaa na naman. Tsaka herbal drinks!"
"Basta any kinds of leaves and teas,mum. Sikat ang Burmese teas! Thanks!"
***
Muling binasa ni Monroy ang talaarawan ngunit sa pagkakatong ito,mas maigi at mapanuri. Kinuha niya ang mga salita at palatandaan na makapagbibigay ng katangian at kinaroroonan ng Tribu ng Sagwan. Inilista niya ang mga ito sa kaniyang kwaderno at saka itinago ang talaarawan sa cabinet. Sa pamantasan..."Miss Shyla, do you have a minute?" tanong ni Kristine sa dalubguro.
"Tulungan ko na po kayo sa pagbitbit ng mga inyong mga kagamitan." alok ni Willard
"Thanks,Williard. Anong maipaglilingkod sa inyo ng aking kagandahan?"
"Hahaha!Hindi lang kagandahan,Ma'am,katalinuhan din." tugon ni Monroy.
"Don't call her ma'am,Monroy!" sabi ni Kristine.
"Miss Shyla, nagkaroon na ba tayo ng specie ng crocodile na maiksi ang buntot?"
"Can you elaborate? We have freshwater and saltwater crocodiles, Monroy. Napakarami nila sa Mindoro, Visayas at Mindanao."
Napabuntong-hininga ang binata.
"Wait up,short-tailed, dark green skin and what about the eyes?"
"Kulay pula,Miss Shyla."
"Hmmm...yes,they use to exist but are now extinct. They were endemic to Borneo and Moluccas. They are saltwater creatures and were considered as the nastiest of its kind those days. The cause of their extinction is a mystery."
"Kung Borneo at Moluccas, possible ba na makarating sila dito sa Pilipinas,Miss Shyla?"
"Yeah, they could have crossed our seas back then." sabat ni Kristine.
"Maari din namang may mga dayuhang nagdala ng mga kahayupan na yan dito sa atin." dugtong ni Willard.
"Those are the answers you are looking for, Monroy. There were some sightings of these wonderful beasts in the island of Panay in early 1900s. These were reported by Americans back then. If those do not suffice your thirst for knowledge, please see me later tonight at 9PM. May gusto akong ipakita sa inyong tatlo. For now, let me teach my next class,will you?"***
"Tara,Lard and Tin, punta tayong National Museum." yaya ni Monroy sa kaibigan.
"What the heck,Monroy?!"
"Basta,may nakita lang akong artefact doon na hindi ko maalala ng mabuti.Please..."
"Halika na at alas-tres na.Mayroon pa tayong dalawang oras." sabi ni Williard.
Mahigit sampung minutong lakaran lang ang layo ng Pambansang Museo sa Eskwela Konkordya. Nagmamadaling tinungo ng magkakaibigan ang bahagi ng mga artepaktong aksesorya at alahas. Tahimik na inisa-isa ni Monroy ang bawat bagay na nakatanghal.
"Ano ba ang iyong hinahanap at baka makatulong kami?"
"Yeah,what should we look out for,Monroy?"
"Hindi din ako sigurado,basta accessory na pwedeng gamitin sa pusod at sa ....ari ng lalaki." sagot ni Monroy sa kaibigan. "Basta accessories."
Tahimik na nilibot at nagtulungan ang tatlo upang matamo ang pakay. Napansin ni Monroy na ilang minute ng nakatunghay si Willard sa isang dako. Nilapitan niya ito at nakita ang isang bagay na kumuha ng pansin ng kaibigan. Napako ang kaniyang tingin sa isang aksesoryang yari sa pilak. Nakapulupot ito sa piraso ng kahoy. Ayon sa tala sa ibaba nito, natagpuan ang bagay sa dalampasigan ng Ilaya sa Panay noong 1906. Hindi alam kung ano ang gamit nito.
"Is that it? It does not look like a belly-button ring to me?" Hindi namalayan ng dalawa ang pagsulpot ni Kristine.
"What if that is for the penis?" tanong ni Monroy kay Kristine. "Willard, ano sa palagay mo?
Pinalibutan ni Willard ang salamin na kahon na kinalalagyan ng bagay,matapos ay muling binasa ang tala.
"Maari." sagot ni Willard.
"Huh,eh bakit nga pala kanina mo pa tinitingnan ito? Naiisip mo ba ang naiisip ko?"
"Hahaha!"
"I do not want to have anything to do with this. You guys had better hurry up and it is past 4. I'll be waiting for you at the lobby." pakli ni Kristine.
Matapos kuhanan ng litrato at video ang ilan pang mga artefacts, bumalik sa pamantasan ang magkakaibigan. Sa aklatan tumuloy ang tatlo at tumulong kay Macario sa ilang mga gawain habang hinihintay si Propesor Antonio. Pasado alas-syete na ng dumating ito.
***
"Maraming salamat sa pag-aasikaso ng library. Kahit napakasipag nitong si Macario, alam kong understaffed talaga ang aklatan." panimula ng dalubguro. "May maipaglilingkod ba ako sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HororAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!