15
Nasa bus si Monroy at Richard papunta sa kani-kaniyang pamantasan.
"Nahihilo ako,par. Hindi talaga ako sanay sa airconditioned na bus." sabi ni Richard.
"Ganun ba? Sige lipat ako ng upuan at baka sa akin ka pa sumuka." biro ni Monroy.
"Sana naman pumayag si Jay na makasali ako sa club niyo." sabi ni Richard.
"Oo nga.Mamaya dadaan kami ng tambayan ni Williard upang pilitin siya." sabi ni Monroy.
"I-bribe kaya natin?Hahaha" sabi ni Richard. "Bigyan ko siya ng sampung kilong nilupak."
"Kinakabahan talaga ako para sayo,Par! Hindi ka pa pulis ay panglalagay na agad ang nasa isip mo.Tsaka baka naman maubusan ako ng nilupak niyan kapag ginawa mo yan."
Dahil sa kwentuhan ay hindi namalayan ni Richard na lumagpas na siya sa simbahan ng Quiapo. Nasa Quezon Bridge na ang bus.
"O sige ikakamusta kita kay ..." naputol ang sinasabi ni Monroy.
Sumalpok ang bus nila sa pavement ng Quezon Bridge. Nabasag ang ilang bintana. Sugatan ang tsuper ng bus dahil sa mga piraso ng salamin na tumusok sa mukha nito. Ang ilang pasahero na nakaupo sa harapan ay nagtamo ng mga bukol at pasa. Mabilis na rumesponde ang MMDA. Wala namang nangyari sa magkaibigan at sa iba pang pasaherong nakaupo sa likuran.
"Shit, badtrip naman.Lumagpas na pala ako!" sabi ni Richard.
"At least walang nangyari sa atin. Kawawa naman yung driver. Tara baba na tayo." sabi ni Monroy.
"Anong wala? Late ako sa first class ko. Isandaang push-ups na naman ako sa quadrangel. Paki-kamusta ako kay Kristine at Williard." sabi ni Richard.
Naghiwalay ang dalawa sa Quezon Bridge. Nilakad ni Richard ang kalye ng Quiapo papunta sa pamantasan niya habang si Monroy ay Lawton papuntang Taft Avenue ang tinahak.
Nang marating ang Eskwela Konkordya, diretso agad si Monroy sa UST kung saan ay naabutan niyang nakatambay si Williard at Kristine. Parehong tahimik ang dalawa.
"Hey Monroy, kamusta weekend mo? Sabay ba kayo ni Richard pumasok?" masiglang tanong ni Kristine sa kaibigan.
"Ayos lang ako. Naaksidente yung bus na sinasakyan namin ni Richard. May balat kasi yun sa pwet." sabi ni Monroy sa dalawa.
"Are you sure that you are OK? Gusto mo bang magpa-check up?" sabi ni Kristine.
"Hindi naman kami nasaktan dahil sa bandang likod kami ng bus nakaupo. Lagot siya sa officer niya dahil late siya. Hahaha! Alam mo kinakamusta ka rin ni Richard." sabi ni Monroy.
"Paano kung may pagdurugo sa loob ng iyong katawan na hindi mo alam?" sabi ni Williard.
"Wala talaga,Lard and Tin. Salamat sa pag-alala."
"English class na." yaya ni Kristine sa dalawa. "Basta if you get dizzy or feel something abnormal, tell me."
"Thanks." naka-ngiting sabi ni Monroy.
Dalawang klase ang natapos ni Monroy, Williard at Kristine ngayong umaga. Sa Robinson sila kumain ng tanghalian dahil 2:30 pa naman ang susunod na klase nila. Habang nagpapahinga ay tumunog ang cellphone ni Monroy. Sinagot niya ang tawag ni Richard.
"Par, musta ang push-ups natin? Buhay pa ba?" sabi niya.
"Oo naman, ako pa! Kamusta si Kristine at Williard?" tanong ni Richard.
"Ayos naman sila. Alam mo iniisip ka din ni Kristine? Hahaha."
"Malisyoso ka talaga! Saan kayo kumakain?"
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
TerrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!