Chapter 14

184 3 0
                                    

14
Saturday, 1:00 p.m., nasa school si Monroy, Kristine at Williard upang dumalo ng club orientation. Ang orientation ng "Cheers!" ay sa gym kaya't dito nagtungo si Kristine. Si Monroy at Williard naman ay nasa "Gusali ng mga Iskolar" o GI para sa orientation ng "Akyat Kalikasan"ang napili nilang organisasyon. Ang GI ay isang maliit na gusali na mayroong limang palapag. Sa ground floor makikita ang ilang food stalls, dalawang school supplies stores, at ilan pang uri ng mga tindahan na nagbibigay ng serbisyo para sa populasyon ng Eskwela Konkordya May isang malaking computer shop at paupahang lockers din. Sa second floor naman ang office ng Student Government at "Ningas", ang school paper. Mayroon din na "Freedom Floor" dito. Ito ay isang open space para sa gustong tumambay, magpraktis ng sayaw at play, o magkwentuhan. Minsan na ring nag-picnic at nagsagawa ng prayer rally dito ang "Alagad", isang Christian organization sa school. Ang mga office ng clubs at organizations ay nasa mga susunod na palapag makikita. Ang rooftop naman ay bukas para sa mga estudyanteng gustong tumambay habang lumalanghap ng sariwang hangin na ibinibigay ng paaralan.

Kasama ni Monroy at Williard si Richard. Susubukan ng una na ipasok ang kaibigan sa Akyat Kalikasan. Pagsasaliksik sa library ang ipinaalam niya sa gwardya. Sa Freedom Floor sa GI ang napili ng mga mountainers na pagdausan ng orientation. Binigyan ni Lily ng name tags ang mga bagong miyembro at saka niya inatasan ang mga ito na umupo sahig.Umupo na rin si Richard kahit wala siyang name tag. Sinimulan ni Lily ang orientation sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga litrato ng bundok na naakyat na ng grupo. Sa bawat larawan, binanggit niya ang pangalan ng bundok at kung saang parte ng Pilipinas ito matatagpuan. Sinasagot din niya ang mga tanong na ibinabato ng mga bagong miyembro.

"Naakyat niyo na ba ang Mt.Apo?" tanong ni Jeff.

"Oo naman. Mt.Apo sana ang huling pictures na ipapakita ko sa inyo.Kaya lang ay binanggit mo na." sagot ni Lily.

"Nakakita na ba kayo ng malaking sawa?" tanong naman ni Allan.

"Yup! Sa Mt.Halcon sa Mindoro. Mga 14 feet siguro ang haba kaya lang ay patay na ito. Pinatay ng mga illegal loggers. Ayon sa kanila ay muntik ng mapatay ng sawa yung isa nilang kasamahan. Nakuhanan naman namin ng pictures." muling sagot ni Lily. Ipinakita niya sa mga miyembro ang litrato ng patay na sawa.

"Ito naman ang Philippine Cobra natin, one of the deadliest snakes in the world. Nakita namin siyang nagsi-siesta sa puno." sabi ni Lily.

"Wow, ang ganda ng kulay! Mabuti walang natuklaw sa inyo. Mas makamandag pa nga ang Philippine Cobra kaysa sa King Cobra!" sabi ni Jeff.

"Mahiyain ang isang ahas. Iiwas iyan sa panganib hangga't maari. Pinaka-huling paraan na niya ang manuklaw." sabi ni Monroy.

"Mabuti nga at napansin agad ng isa naming kasama yang cobra kaya kumpleto kami nung bumaba ng bundok. Although,tama naman si Monroy." sabi ni Lily.

"Eh aswang? May aswang ba sa Mt. Cristobal?" tanong ni Monroy. Siniko siya ni Richard.

"Personally, wala pa akong experience pero marami na kaming narinig na encounter mula sa mga old members. Hindi naman ako naniniwala sa mga aswang dahil wala pa naman akong nararanasan. Noong umakyat ang grupo ng Mt. Cristobal last year, hindi ako nakasama dahil mayroon akong lagnat. Sa palagay ko ay marami pa kayong mga tanong kaya ibibigay ko na sa inyo si Jay, ang president ng grupo." sabi ni Lily.

Nagulat si Williard ng makita si Jay. Ito na yata ang pinaka-huling tao sa mundo na iisipin niyang presidente ng Akyat Kalikasan. Nakaramdam siya ng kaunting hiya ng maalala ang kanilang pagkikita sa C.R. ng aklatan. Lalo pa ng magtama ang kanilang mga mata at ngumiti ito sa kaniya. Nahihiya siyang tumango dito bilang paggalang.

Masiglang nagpakilala si Jay sa grupo. Sinimulan niya ang kwento sa pagkakabuo ng Akyat Kalikasan kung saan ay isa Propesor Antonio sa mga founding members. Isinalaysay din niya ang mga masasayang pangyayari na naranasan ng grupo hindi lang sa bundok kundi pati mga kweba, ilog, talon, at iba pang magagandang tanawin sa Pilipinas. Binanggit din nito ang mga tagong napakagandang lugar na ang AK mismo ang nakatuklas. Nang sumapit ang 2:30 ay nagpatawag ito ng 30-minutong break. Nilapitan niya si Williard, Monroy at Richard upang muling magpakilala.

"Hi. Musta mga bagong members? Bakit wala kang name tag?" tanong ni Jay kay Richard.

"Actually, kaming dalawa lang ang members. This is Richard, my bestfriend. Nag-aaral siya sa CAP. Nagbabakasakali kami kung pwede din siyang maging member ng Akyan Kalikasan." sabi ni Monroy.

"Pasensya ka na, Monroy. Hindi pwede dahil mahigpit tayo sa mga rules. I don't want to have another problem with the Admin." nakangiting sagot ni Jay. "Sorry, Richard."

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon