18
Sa lahat ng klase ni Monroy, Kristine at Williard, bawat dalubguro nila ay nagsalita tungkol sa nangyaring malagim na insidente. Una na dito si Propesor Antonio na nagpaalalang iwasang umuwi ng mag-isa. Pinasali naman sila sa karate club at arnis club ng kanilang propesor sa PE. Si Dr. Simeon Barrari, ang kanilang propesor sa Psychology ay nagpaalalang gamitin lamang ang kalye ng Yala at Gabriela tuwing gabi dahil maliwanag ang mga ito. Nawala naman ang kanilang agam-agam ng sabihin ni Dr. Beth Ocampo, ang kanilang propesor sa Math, na walang fraternity o gang sa Eskwela Konkordya at kahit sa dalawampung taong paninilbihan nito sa pamantasan ay wala pa itong nasasaksihan na trahedyang katulad ng nangyari sa UD. Mabilis na lumipas ang araw ng Lunes, Martes at Miyerkules. Huwebes, nagsagawa ng misa ang Eskwela Konkordya na nakapagtatakang hindi ginawa ng Unibersidad ng Damaso. Maraming estudyante mula sa UD ang dumalo.Biyernes ng umaga, tuluyang napanatag ang kalooban ng mga guro at mag-aaral sa University Belt ng i-anunsyo ang balita na lalagyan ng mga ilaw ang kalye ng Mabini. Ang pondo ay manggagaling sa Little China in Manila Foundation, isang samahan na binubuo ng mga mapagkawang-gawang Filipino-Chinese.Bago matapos ang araw, laking tuwa ng kapulisan ng tatlong holdaper ang kanilang nabitag.Ipinarada ang mga ito sa media.
***
Sa tambayan ng Akyat Kalikasan, masiglang nagku-kwentuhan ang mga mountaineers.
"Hahaha!Mabuti naman at hindi tinangay ang buong bag mo!" sabi ni Jeff.
"Mabuti nga at nakabalik kami sa oras.Bumalik pa nga nung gabi at may kasama ng anak. Mukhang nasarapan sa noodles.Mabuti na lang at walang kasamang tatay." sabi ni Jay.
"Ang talim din pala ng mga ngipin ng baboy ramo." sabi ni Monroy habang sinisipat ang sira ng backpack ni Lily. "Kaya nga ginagamit ko pa din itong bag na ito."
"Oo naman! Sa amin sa Negros, maraming mga nakakagat niyan. Hindi din biro ang manghuli ng baboy ramo. Mabilis itong tumakbo at kung naisipan nitong lumaban ay yari ka. Ang baboy-ramo, kahit nasaksak mo na, patuloy pa din ito sa pag-atake hanggang sa huling hininga." paliwanag ni Williard.Natahimik ang lahat. Naramdaman ang diin sa bawat salitang binitiwan ni Williard.
"Delikado ang mga baboy-ramo kapag nakagat ka.Usually, hindi ka sa kagat mismo mamamatay kundi sa mga bacteria na nasa laway at ngipin nila." dagdag ni Jay.
"Anong nangyari nung bumalik ulit?" tanong ni Kim.Saglit na itinigil nito ang pagsusulat sa diary.
"Naghanap ng makakain. Ginulo yung mga lutuan namin. Nang walang makita, umalis na din. Kami naman, nasa loob ng tent at pinanonood sila.Itong si Lily, panay ang kuha ng pictures." sabi ni Jay
"Ang cute naman ng anak niya." sabi ni Jeff habang pinagmamasdan ang mga larawan ng baboy-ramo.
"Cute talaga! Kulay chocolate at kengkoy lumakad.Panay ang talon na parang excited." sabi ni Lily. Kumuha siya ng dalawang pakete ng Nips chocolates sa fridge. Ibinuhos niya ang tsokolate sa sa isang platito.
"Hayaan mo baka umakyat uli tayo sa Tigas next year." sabi ni Lily.Dumakot ng Nips si Monroy at inalok si Williard. Tumanggi ang kaibigan. Pinili naman ni Kim ang lahat ng dilaw dahil paborito daw niya itong kulay. Bago lumabas si Jeff at nagpunta sa C.R. ay biniro niya si Kim. Tinanong niya kung anong flavour ng dilaw na Nips. Si Jay naman ay sandaling itinikom ang bibig at nanahimik. Nang bumalik si Jeff mula sa banyo, muling nagsalita ang president ng Akyat Kalikasan.
"Sa darating na August, Mt. Banahaw ang first climb natin!" masiglang sabi ni Jay.
"Oh yeah!" sabi ni Monroy. Inakbayan niya si Williard."Sa wakas!" masiglang wika ni Kim. Masigla niyang itinala ang sinabi ni Jay sa log book at sa kaniyang diary.
"Major climb ang Banahaw diba? Baka naman mahirapan kami sa first climb!" sabi ni Jeff."Mataas ang Banahaw kaya major climb pero madali lang naman ang trail. Maraming umaakyat doon tuwing Semana Santa kaya ayos ang trail. Siguro, mas tamang sabihin na tagtag ang trail. Kaya niyo yan!" sabi ni Jay. "Si Lily nga, Halcon ang first climb at may bagyo pa noon."
"Kinaya mo yun,Lily?" tanong ni Monroy.
"Oo,sisiw!" sabi ng babae.
"Pakibuhat na lang ako kapag hindi ako umabot sa tuktok!Hahaha!" sabi ni Jeff.
"Sige, pagugulungin ka na lang namin pababa!Hahaha!" sabi ni Monroy.
"O kaya ipakain sa baboy ramo.Hahaha!"sabi ni Jay.
"Diba may namatay sa Halcon dahil sa hypothermia?Sino nga ba yun?" tanong ni Monroy.
"Oo.He was..." pinutol ni Lily ang sasabihin ni Jay.
"Sisiw ang Banahaw climb ko kung ikukumpara sa pag-akyat ng Halcon dati dahil may bagyo. Basta siguraduhin niyo na dadalo kayo ng pre-climb ha.Bale next Saturday na ang pre-climb. Don't forget to bring an extra shirt." naka-ngiting sabi ni Lily.
"Bring an extra life as well." biro ni Jay.***
Sa tambayan ng Cheers!, pinag-uusapan ang unang laban kung saan ay kasali ang grupo.Ito ang 1st Manila City Cheering Competition. Ang "Smart" at "Little China in Manila Foundation" ang main sponsors ng nasabing paligsahan.
"We will have our first training on Saturday so you better be there! Ilalagay ko kayo sa likod kapag tatlong beses kayong umabsent.We need to get the first prize dahil ito ang first fight natin for this year para maganda ang pasok ng taon sa atin.Last year kasi ay nanalo kami sa unang laban, after that, nanalo kami sa lahat ng competition all throughout the year." sabi ni Kat. "And Prof. Ana will be present on Saturday so dapat lahat tayo nandito."
"Tsaka bigatin sponsors natin kaya bigatin din ang prize!" dagdag ni Franz.
"Yes!" sambit ni Madelle.
"Kinakabahan ako!" sabi ni Kristine.
"Ganyan talaga,Sis. Kahit naman ako na 3 years ng cheerleader, kinakabahan pa din tuwing may laban." sabi ni Kat.
"Pwede ka namang mag-back out kung kinakabahan ka." sabi ni Jade.
"Oo nga dahil hindi ka naman kawalan.Pwede din na tagalaba ka ng costumes namin." tuya ni Meriam.
"So next week, magdala kayo ng komportableng shirt at sapatos.For the meantime, let's watch our performance in the last Alabang Village Cheering Competition.Champion tayo dito for two years na." paliwanag ni Kat.
Matamang nakatutok sa malaking telebisyon ang mga bagong cheerleaders. Pinag-aaralan ang mga galaw at sirko ng grupo.Ipinakita si Kat na naka-scorpion position habang buhat ni Franz.Nagpalakpakan ang mga baguhan.
"Wow,ang galing mo Kat!" sabi ni Kristine.
"Thanks,Sis. Magaling din naman si Franz dahil hindi ko naman magagawa yan ng ako lang." sabi ni Kat.
Nang matapos ang panonood, muling pinaalalahanan ni Kat ang grupo tungkol sa pagsasanay sa darating na Sabado.
"Alis na kami ni Franz dahil manonood pa kami ng movie." sabi ni Kat
"Ok, aalis na din ako dahil pupunta pa akong library.Sabihan mo ako kung maganda,ha? Don't spoil it! Enjoy the movie." sabi ni Kristine sabay kindat kay Kat.
Hinalikan ni Kristine si Kat sa pisngi at saka tumungo sa opisina ng Akyat Kalikasan.
"Hi Jay and Lily.Ikaw si Jeff, right?I'm Kristine."
"Hi, Kristine." sagot ni Jeff.
"Tuloy ka Kristine." sabi ni Lily habang nagbubukas ng isang bag ng Chippy.
"No,Thanks." sabi ni Kristine.Tiningnan niya si Monroy. "Bihis lang ako, huh."Nagtataka si Monroy kung bakit hindi sa dressing room sa gymnasium nagpalit ng damit si Kristine. Tiningnan niya si Williard at nakita niyang nagkibit-balikat lang ito. Nagpaalam si Monroy at Williard sa mga ka-grupo ng marinig ang katok ni Kristine.
�t>Z�]�
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!