Kabanata 23

126 5 0
                                    

23

"Ang sakit ng ulo ko!" sigaw ni Monroy na dahilan ng pagkagising ni Richard at Wiliard.

"Ang lakas palang tumama ng lambanog!" sabi ni Richard.

"Obvious naman kagabi na bangag ka!" wika ni Williard.

Lumabas ang tatlo sa kanilang tent upang mag-init ng tubig para makapagtimpla ng kape. Nakita nila si Jay na umiinom na. Maaga itong gumising at nagpakulo ng tubig. Matapos magtimpla ang tatlo ay nakipagkwentuhan sila dito.Nagpaalam si Monroy na iihi. Matapos sagutin ang tawag ng kalikasan, sinuri niya ang mga halaman sa isang bahagi ng campsite. Nang makapamili, pumitas siya ng ilang dahon at bulaklak.Pagbalik sa grupo, hinimay at inihalo niya ang mga tinipon sa kape.Tinangka niyang lagyan ang kape ni Richard at Monroy.

"Oy,ano yan?" tanong ng kaibigan.

"Pampababa ng tama ng alak."

"Mukha ba akong may hang over?" balik-tanong ni Richard. "Willard, try mo yung dahon ni Albularyong best friend."

"Monroy, saan mo nabili yang tent mo? Ang ganda kasi." tanong ni Jay.

"Galing yan sa states. Binili ng nanay ko." sagot ni Monroy.

"Ito ang unang bundok na napuntahan ng tent na yan." dagdag ni Richard.

Mula sa kanilang mga tents ay naglabasan ang iba pang mountaineers. Matapos magtimpla ng kape ay sumali ang mga ito sa kwentuhan.

"Kamusta mga tulog niyo?" tanong ni Jay.

"Memorable ang Banahaw sa akin." sabi ni Nico.

"Memorable naman talaga ang first climb." sabi ni Lanie.

"Ito ang unang bundok na inakyat ko at ang unang pagkakataon na nasayaran ng alak ang lalamunan ko.At syempre, muntik na akong mahulog sa bangin kahapon." paliwanag ni Nico. "Hahaha!" Nagtawanan ang lahat ng mountaineers ng marinig ang tinuran ni Nico.

"Si Kim nga nawala ang pagiging seryoso." sabi ni Williard.

"Kim,sana lagi ka na lang lasing!" wika ni Richard.

"Shhhh...huwag kayong maingay dahil baka maistorbo ang bundok." nakangiting wika ni Kim sabay kindat.

Muling nagtawanan ang lahat.

"Magandang umaga!" masiglang sabi ni Jeff.

"Saan ka nang-galing?" tanong ni Jay.

"Duon sa altar. Akala ko kasi ay nandun si Lily." sagot ni Jeff. "Kim, nasaan si Lily?"

"Wala na siya sa tent ng magising ako. Baka naman nag...alam mo na yun." sagot ni Kim.

"Hahaha! Mukhang lasing ka pa Kim!" biro ni Monroy.

"Mag-kape ka na." alok ni Jay.

Tinungo ni Jeff ang kinalalagyan ng maliit na kaserola. Nilagyan niya ito ng tubig at muling isinalang sa stove upang pakuluin ito. Ilang sandali lang ay kumulo ang tubig kaya't isinalin niya ito sa dalawang tasa.

"Ahhh! Shit!" hiyaw ni Jeff. Natapunan siya ng mainit na tubig sa kaliwang kamay.

"Hoy, ayos ka lang diyan?" pasigaw na tanong ni Monroy.

"Napaso ako!" sagot ni Jeff.

Nagtimpla ng dalawang tasang kape si Jeff at saka tinungo ang umpukan upang sumali sa usapan.

"Uy,bakit dalawa yan? Kayo na ba?" tanong ni Lanie.

"Secret!" sagot ni Jeff. "Ang lakas palang tumama ng lambanog."

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon