22
Tumalikod ang dalaga at naglakad pabalik sa campsite. Iyon ang pagkakataon na hinihintay ng anino. Lumabas ito sa pinagtataguang bato at sinundan ang babae. Gamit ang isang sanga ng kahoy ay hinambalos niya ang ulo ng dalaga kaya't nabuwal ito sa lupa. Bago pa makasigaw ang babae upang humingi ng saklolo ay tinapakan niya ang batok nito. Hindi makakilos ang kaniyang biktima. Walang laban sa malakas na pwersang nakadagan. Ipinatong ng anino ang isa pa niyang paa sa batok ng dalaga at marahas na tumalon. Lumagutok at nabali ang gulugod ng babae.
Mistulang baboy na binuhat ng Anino ang walang malay na biktima. Bitbit nito ang ginamit na sanga. Maliksi itong naglakad papasok sa makapal na kakahuyan. Sanay ang buhong na gumalaw sa kasukalan. Tahimik, mabilis at tumpak ang bawat hakbang. Huminto ang buhong sa pagitan ng dalawang higanteng puno na napalilibutan ng mga tinik. Mistulang isang hayop na siniyasat nito ang paligid. Rumonda habang panay ang singhot sa hangin. Nang makatiyak na libre sa peligro ang lugar ay bumalik ito sa nakahandusay na biktima. Dinilaan ng buhong ang leeg ng biktima at saka sinalat ang pulso. Bumakas ang kasiyahan sa mukha nito ng maramdamang buhay pa ang babae. Sabik at naglalaway na inamoy ng buhong ang leeg ng biktima. Dinila-dilaan ang mukha. Nang magsawa sa mukha ay bumaba ito at saka hinimod ng todo ang parteng leeg. Nanginginig ang buhong sa kasabikan sa laman. Tumayo ito at saka naghubad ng baro. Pinagmasdan ng buhong ang katawan ng kawawang babae na lalong nagpaulol dito. Dumampot ito ng isang piraso ng sanga.
Inililis ng buhong ang pang-itaas na suot ng biktima. Sinalat at hinaplos ang tiyan nito. Dinama ang init ng katawan. Ang kamay na gumagalugad sa tiyan ay naging marahas. Gamit ang kahoy at mga daliri ay tinusok ng buhong ang sikmura ng babae. Mula sa napunit na laman ay umagos ang masaganang dugo. Winakwak ng buhong ang tiyan ng biktima. Kinalkal ang lamang-loob na waring may hinahanap. Nagkamalay ang babae dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Nanghilakbot ito ng maramdamang hinahalukay ng buhong ang kaniyang tiyan.
"Ikaw?!" gimbal na wika ni Lily.
Tinangkang sumigaw ng babae ngunit nabigo ito dahil naging maagap ang anino. Tinakpan ng buhong ang bibig ng babae. Nagpambuno ang dalawa. Lumaban ang babae sa kabila ng matinding sakit at hirap na nararamdaman.Ubod lakas na tinadyakan ng babae ang buhong na naging dahilan ng pagtilapon nito. Sapo ang ilang bituka na nakalawit mula sa tiyan, tumindig ang babae upang tumakas. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito ay dinamba ng buhong ang babae. Nabuwal ito sa lupa. Walang inaksayang sandali ang buhong. Hinawakan nito ang bunganga ng babae. Ibinaon ng babae ang kaniyang mga kuko sa kamay ng buhong upang mabitawan siya nito ngunit wala itong silbi. Walang magawa ang biktima sa lakas ng buhong. Unti-unting binabanat ng buhong ang bibig ng babae at sa isang iglap ay isinalaksak ditto ang hawak na piraso ng kahoy. Panay ang agos ng luha at dugo. Nagsasanib sa lupa at lumikha ng pulang lawa. Huminga ng malalim ang buhong at saka binakli ang leeg ng babae.
Itinihaya ng buhong ang walang buhay na katawan ni Lily. Itinuloy nito ang naudlot na paghalukay sa laman-loob. Ilang sandali pa ay kumislap ang mga mata ng buhong. Kumabig ito at may binatak sa loob ng tiyan. Nakangisi at tumutulo ang laway ng buhong sa kasabikan. Hawak nito ang atay ng biktima. Sinamyo ng buhong ang atay. Dinamdam ang init nito. Ilang sandali pa ay sinimulan nito ang paglapang sa atay. Marahan ang pag-nguya. Nilalasap ang linamnam. Ninanamnam ang sarap. Nang maubos ang atay ay hinimod ng buhong ang sariling palad upang simutin ang natirang laman. Pagkatapos ay luminga-linga ito sa paligid at dinampot ang isang matulis na bato. Gamit ang bato, binasag ng buhong ang bungo ng biktima. Inamoy-amoy ng buhong ang ulo at saka dumukot ng kaunting utak mula sa nawasak na bunganga. Saka ito isinubo. Dahil hindi nagustuhan ang lasa ay agad na idinura ng buhong ang utak.
Dinampot ng buhong ang hinubad na kasuotan at saka nilisan ang lugar.
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!