Kabanata 17

178 6 6
                                    

17

"Kolehiyala, patay sa isnatser!" ang headline ng isang tabloid.

"Engineering senior, stabbed for a phone." naman ang headline ng isa pang dyaryo.

Sa Eskwela Konkordya, walang ni isa man ang hindi nakakaalam ng nangyari. Ultimo hardinero ay nabalitaan ang trahedya.

Liban si Williard ngayong Huwebes. Nagtataka si Monroy kung bakit hindi sinagot ng kaibigan ang kaniyang mga tawag kagabi at kaninang umaga. Hindi din ito nag-text o tumawag man lang para ipaalam ang kalagayan. Sa klase ng Biology, kasalukuyang tinatalakay ang predation.

"Ito ang hierarchy ng mga predators sa African savanna: Lion, wild dog, brown hyena, at spotted hyena. At the lowest level are small predators like cheetah at fox. To put it simply, these predators kill and eat other animals.

"Ma'am, bakit hindi kasama ang tiger? Lions ba ang greatest predator" tanong ni Nelson.

"Tigers live in forests, Mr. Gandi.Kung sa African savanna, lion ang greatest predator. Depende kasi sa lugar. Ang lion ay hindi pwede sa dagat. Iba din ang predator sa himpapawid." sagot ni Miss Shyla.

"Oo nga pala, Ma'am, sa gubat nga pala nakatira ang mga tigre." sabi ni Nelson.

"Considered ba ang mga lions na predator ng elephants?" tanong ni Tina.

"Only lions are the known natural predators of elephants.But lions preying on elephants are very rare. Ang isang nagwawalang elepante ang isa sa pinakadelikadong hayop sa mundo. They can kill humans and lions.To be a predator, you have to kill and eat another animal." sabi ni Miss Shyla.

"Nabasa ko din na kahit mga rhinoceros ay kaya nilang patayin. Ma'am, are humans the greatest predators?" dagdag ni Monroy.

"Animals at top of any food chain are called apex predators. Examples of apex predators are lions,tigers, crocodile, phytons, komodo dragons, great white sharks and humans. Kapag titingnan natin ang food chain, nasa itaas ang tao.Tao lang ang kayang humuli ng isang hayop sa himpapawid, sa lupa at sa dagat. At dahil matalino daw ang tao, natutunan niyang gumawa ng mga kasangkapan tulad ng kutsilyo at baril na makatutulong sa paghahanap ng pagkain. We also learned animal domestication." sagot ni Miss Shyla.

"Ang mga hunters ba ay maituturing na predators?I mean, people who hunt for pleasure." tanong ni Kristine.

"Sa mundo naman natin,survival of the fittest.Kung mahina ka,hindi ka tatagal.Personally, ang tingin ko diyan ay isang hobby. Some people collect coins, stamps and rocks. Promiscuous men collect women." sabi ni Miss Shyla.

"But, those selfish people don't need to kill animals for pleasure in order to survive.Basic needs lang ng isang tao para mabuhay ay pagkain, damit at bahay. Dahil sa kasakiman sa pera, natuto na tayong kumuha ng labis. And one more thing, there are promiscuous women as well." sabi ni Monroy.

"Tama talaga ang kasabihan sa bible na "Money is the root of all evil." sabi ni Jade.

"Excuse me,Jade, it is not the money per se which is evil, but the love for money." sabi ni Kristine.

"Noong pre-colonial Philippines, meron tayong barter system kung saan ay nakikipagpalitan tayo ng produkto sa China, Arabia, India at iba pang bansa sa South East Asia. At dahil sa sobrang katapatan ng mga sina-unang Filipino, iniiiwan lang ng mga Chinese ang kanilang ang mga produkto sa pampang. Babalikan nila after some days para kunin ang mga kapalit." paliwanag ni Monroy.

"Pero sa ngayon, hindi ka naman mabubuhay kapag wala kang pera." sabi ni Nelson. "Mas masipag ang mga Intsik kaya sila ang yumayaman.Wala namang tamad na yumayaman. Dati, ang mga Intsik ang mga magbobote at nagtitinda ng siopao sa kalye. Ngayon, mga Pinoy na ang magbobote."

"Nelson, kung nakatira ka sa isang isla, bibigyan kita ng isang milyon, makakapagtayo ka ba ng business?Yayaman ka ba?" tanong ni Monroy.

Tumahimik ang lahat at iniisip ang sagot sa tanong ni Monroy. Si Miss Shyla ay nakangiti at tahimik na nagmamasid.

"Kahit mayaman ang isang Chinese, kailangan pa rin niya ang labour.Ang mga manggagawa ang lakas ng isang negosyo. It only proves na money isn't everything.. Sang-ayon naman ako sa sinabi mo na masisipag ang mga Intsik. Pagkumparahin mo ang Intsik at Pinoy na nagtitinda ng candy. Ang sa Pinoy, 75 cents and isa while sa Chinese, 50 cents ang isa. At the end of the day, ubos ang paninda ng Chinese dahil mas mura ang paninda niya." sabi ni Monroy.

"Wait, pwedeng sa klase ni Antonio niyo na pag-usapan iyan dahil nauubos ang oras natin.Bumalik tayo sa predation. Anong characteristics ng isang predator?" sabi ni Miss Shyla.

"Usually ay malalaking bibig, matutulis na kuko, malalakas na kamay at paa." sabi ni Jade.

"Mabilis tumakbo, may canines, strong sense of smell." dagdag ni Kristine.

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon