Kabanata 5

456 12 3
                                    

5
Human Evolution ang paksa ng talakayan sa klase. Matapos ipinaliwanag ni Propesor Antonio ang "Out of Africa Theory" at ang pinaka-unang primate na pinagmulan ng tao o genus Homo, pinag-usapan naman ang mga species sa ilalim ng genus na ito. Inilarawan at pinag-kumpara niya ang Homo habilis, Homo erectus, Homo ergaster, Homo neanderthalensis at Homo sapiens. Binanggit din niya ang mga dalubhasang naka-diskubre sa mga fossils ng mga ito. May nagtaas ng kamay upang magtanong.

"Sir, kung totoo ang teorya na mga Homo erectus ang unang gumamit ng apoy, ibig bang sabihin ay hilaw na karne ang kinakain ng mga Homo habilis?" tanong ni Jade

"Malamang ay hilaw na karne ng hayop ngunit madalang lang. Kumakain din naman sila ng prutas at iba pang pwedeng makain." sagot ni Propesor Antonio. "Ginamit nila ang apoy para sa liwanag at init na ibinibigay nito,hindi upang iluto ang kanilang kakainin."

"Sir, did they practice cannibalism?" tanong ni Kristine.

"There is a big possibility that they were cannibals. In caves where the remains of the early hominids where found, human bones with teeth marks were all over. Marami namang dahilan ang isang tao kung bakit niya magagawang kumain ng kapwa niya tao. May mga dahilan ang cannibalism pero hindi natin pwedeng i-discuss sa klase dahil out of topic na yan. Kung gusto niyo ay puntahan niyo ako sa library mamaya at pag-usapan natin yan." paliwanag ni Propesor Antonio.

"Sir, may cannibals pa ba ngayon?" tanong ni Monroy.

"Ang Kolufu Tribe ng Papua New Guinea ang itinuturing na pinaka-huling tribo na nag-practice ng cannibalism. Isipin niyo, hindi sila aware na may iba pang tao sa mundo until madiskubre sila noong 1970s."

"Sir, pwede bang sabihin na may aswang?" tanong ni Monroy.

"Bakit naman nasali ang aswang sa usapan?" balik - tanong ng propesor.

"Sir, kung nag - evolved ang Homo erectus and other hominids from Homo habilis, pwedeng may mga nanatiling kumain ng hilaw na karne. Ilang milyon ang nagdaan at nanatili silang ganun ang kinakain.What if there are certain species that branched out from Homo habilis na patuloy na kumain ng hilaw na karne ng hayop o maging tao? Para na rin silang aswang kung ganun ang practice nila. Not to mention na hindi pa sila ganap na mukhang tao." paliwanag ni Monroy.

"Wala namang aswang. Maniniwala pa ako sa mga cannibals." hirit ni Jade.

"Masyadong malayo sa topic natin ang binuksan mo, Monroy. Bakit hindi niyo na lang sa Filipino class pag-usapan iyan?Katutubong mitolohiya yata ang inyong paksa doon, tama ba?" sabi ng kanilang propesor.

Tinapos ni Propesor Antonio ang discussion sa Tabon Man na natagpuan sa kweba ng Tabon sa Palawan. Ito ang tanging prehistorikong tao ng Pilipinas. Ang Tabon Man ang itinuturing na unang tao sa Pilipinas. Ito ay isang Homo erectus na kaya't mas bata ito sa Java Man ng Indonesia at Peking Man ng Tsina.

"Next week, tatalakayin natin ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Magbasa kayo para makasali naman kayo sa discussion. Class dismiss."

Natapos ang araw at nakatambay sa UST si Monroy, Kristine at Williard.

"Tin, mukhang in-love na sayo si Professor Verano,ha." sabi ni Monroy

"I don't mind. I get that a lot."

"Parang lumakas yata ang hangin." sabi ni Monroy. "Anong palagay mo,Lard?"

"Medyo lumakas nga." sabi ni Williard.

"Let's face it, sino ang pinakamaganda sa klase?" tanong ni Kristine.

"Lard, pasok tayo sa nipa hut bago pa tayo lipadin ng Bagyong Kristine."

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon