Kabanata 26

162 6 8
                                    

26

"Par, hanggang kailan sa Burma si Tita?" tanong ni Richard.

"more than a week na si Mum doon, a good 2 weeks pa siguro." tugon ni Monroy.

Naka-tatlong baso ng luyang dilaw na inumin si Monroy at nagpasyang bitiwan ang diary na itinala ng taga-sipi ni Papa Isio. Manipis lang naman ang talaarawan ngunit hitik ang nilalaman ng bawat pahina sa kadahilanang mula sa kanan hanggang kaliwa at mula sa itaas pababa ang pagkakasulat ng impormasyon. Mayroong ding mga simbolong nakapinta sa ilang mga pahina. Nakalulungkot lang na may ilang parte ng pahina ang sadyang burado o hindi kumpleto ang pagkakasipi. Nakahihilakbot na personal na karanasan ng mga Pilipinong rebelde-sagupaan ng mga Amerikano. Mga inabusong kababaihan, mga paslit na naulila, at libu-libong kalalakihang pinaslang. Ang walang awang pagpatay sa mga taga-Samar at Leyte ni Heneral Smith.

"Dahil sa labing-siyam na Amerikanong sundalong napatay ng aming mga kapatid sa isla ng Samar, inatasan ng isang heneral ang buong pulutong na puksain ang lahat ng makitang kapatid - bata, matanda,babae o lalaki basta edad lima pataas ay kamatayan ang kapalaran. Walang itinitirang buhay sa kadahilanang, ang bilangguan ay kailangan pang panatilihin at gastusan. Dito sa amin, kapag nabuburyong ang mga manunupil, pamatay-oras nila ang gawing mga mga hayup ang kanilang
bihag. Patatakbuhin ang mga ito sa kakahuyan ng nakagapos ang mga
kamay at nakapiring ang mga mata, ang mga manunupil ay mistulang
nangangaso ng kuneho sa pagkitil sa ating mga kapatid. Lagas na ang
aming hukbo sa Samar."

"This is Balanggiga Massacre." bulong ni Monroy sa sarili at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Muli, kaniyang nasumpungan ang mga pahinang hindi tapos ang pagkakasulat.

"Kung makikita mo lang ang itsura mo ngayon habang nagbabasa ka, mahihya sayo ang nagsusulat ng thesis. Hahaha!" sabi ni Richard.

"Sa pagkadakip kay Pangulong Aguinaldo, bakit pa ako aasang matatamo pa ng aming isla ang kalayaan. Ang bagong kaaway ay higit
na mabangis at tuso kaysa sa mga Kastila. Kahit si Pangulo ay kanilang
nalinlang. Sa ngayon, ang aking mithiin ay ang makarating sa aking
kapatid sa dugo sa isla sa kanluran. Ang kanilang kuta ay malayo sa
kabihasnan ng Panay at talaga naman liblib. Balakid nga lang ang pagpunta doon ngunit ito na ang aming huling dulungan. Doon sa kanilang Isla ay maari muna kaming tumuloy ng aking mga kasama at magpalipas ng panahon. Ayon sa kaniya, ang kanilang tribu ay puno ng matatapang at malalakas na mandirigmang maari kong mahikayat na lumaban sa mga mananakop. Tama! Ang Panay ang aming magiging huling tanggulan!"

"Oh, so from Negros, sa Panay Island naman ngayon. Kunsabagay, hindi naman lahat ng Pulajanes ay natalo o sumuko sa mga Americans. Ang iba ay namundok at ipinagpatuloy ang rebolusyon hanggang 1907. Ilan ding mga maliit na hukbo na hindi napangalanan ang patuloy na lumaban hanggang 1910 .Ang mga ito ay nakatala sa lokal na kasaysayan ng mga lalawigan sa Hilagang Luzon at Visayas. " kausap ni Monroy ang kaniyang sarili.

"Negros ba ang susunod na akyat natin,Par? Hindi ba taga-dyan si Willard?" pinutol ni Richard ang dilidili ng kaibigan.

"Arrgggg! Punit na naman itong mga pages!" sigaw ni Monroy.

"Nakakatakot ka naman! Tawagan ko na ba ang mental hospital?"

Sandaling katahimikan ang umalingawngaw sa sala.

"Mamaya na nga ulit ito. Kamusta naman schooling? Finals na pala in two weeks. Kailan exams niyo?" tanong ni Monroy sa kaibigan.

"Basta October din katulad sa inyo ang final hazing naming. Naghahanda naman ako!"

"Hoy, Jose Ricardo Mari Villadelobos!"

"Ibig kong sabihin,Par, physical exam! Hahaha! Hanggang unang taon lang naman ito. Next year, puro utak naman ang gagamitin naming sa training."

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon