Una at Ikalawang Kabanata

1.9K 27 11
                                    

Mga Hiwaga ng Kasaysayan

Unang Baul

by Anino

1

"Hi,mum. I'm home. Hmmm, nakakagutom naman ang amoy!" masiglang bati niya sa ina.Nakatalikod ito at may ginagawa sa lababo.

"Mabuti naman, anak, dumating ka na. Inihanda ko ang paborito mo!" nakangiting bati nito sa kaniya at saka tumalikod upang ipagpatuloy ang ginagawa sa bahagi ng oven.

Sa hapag kainan ay pinagmasdan niya ang mga nakahain sa mesa-giniling na karne, papaitan, afritada, pritong manok, lechon kawali, at iba pang putaheng karne. Napakarami nito at mukhang masarap ang pagkakaluto ngunit hindi niya matukoy kung ano ang okasyon ngayong araw. Inilapag niya ang bag sa isang upuan at saka umupo. Nagtaka din siya dahil alam ng kaniyang ina na hindi siya mahilig kumain ng karne kaya naman tinanong niya ito kung bakit walang gulay na nakahain. Humarap ito mula sa kinatatayuan at lumapit bitbit ang nakatakip na ulam.

"Ito ang para sayo,anak."nakangiting wika nito.

Masayang binuksan ni Monroy ang ulam na nakatakip at gayun na lang ang kaniyang pagkagimbal ng makita ang pugot na ulo ng kaniyang tatay. Ngumiti at umaagos ang masaganang dugo mula sa bibig nito at saka humalakhak.Umalingawngaw ang halakhak ng kaniyang ina sa silid kainan.

"Itay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" napabalikwas siya sa higaan. Isang bangungot na naman ang dumalaw sa kaniya. Binuksan niya ang ilaw sa kaniyang silid at saka bumalik sa kama. Malinaw sa kaniyang isipan ang imahe ng pugot na ulo ng kaniyang tatay. Bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata. Ilang sandali pa ay isinubsob niya ang mukha sa kaniyang palad at napahagulgol na siya. Nang tingnan niya ang kaniyang mga palad ay nagulantang siya ng makita ang dugo sa mga ito. Umagos ang dugo sa kaniyang kamay at pumatak sa kumot niya. Mistulang may buhay ang pulang likido ng gumapang ito sa kama at ilang sandali lang naging pula ang buong higaan niya.

"Hindi! Hindi ito totoo!" palahaw niya.

Bumukas ang pintuan ng kaniyang silid sa pagdating ng kaniyang ina. Pinihit nito ang ilaw at humangos sa kaniya.

"Anak, anong nangyari? Masamang panaginip na naman ba?" niyakap siya nito ng mahigpit.

"Yes, mama. Napaginipan ko na naman si Daddy. At this time, mas nakakakilabot!"

"Mahigit sampung taon na simula ng siya ay yumao." Malungkot na sabi ng ginang.

Sumampa sa kama ang kaniyang ina kaya naman awtomatiko na humiga si Monroy sa kandungan nito. Naramdaman niya ang haplos ng mga kamay nito sa kaniyang ulo. Narinig niya ang paghikbi nito kaya naman maging siya ay napaluha na din. Pumatak sa mukha niya ang luha ng kaniyang ina na humalo sa sarili niyang luha. Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan ay napansin niya ang dugo sa kaniyang mga palad. Hinaplos niya ang kaniyang mukha at nakita niya ang kulapol ng dugo. Tiningala niya ang direksyon ng ina at nakita niya na ibang babae na ito.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa nanay ko?"

Ngumanga ang babae at nakita niya na puno ng matatalim na pangil ang bibig nito. Mabilis na sinagpang nito ang kaniyang leeg. Naramdaman niya ang sakit na idinulot ng pagkapunit ng kaniyang laman.

"Parang awa mo na! Huwag! Huwag! Huwag!" sigaw ni Monroy.

Napaginipan na naman niya ang kaniyang ama na matagal ng yumao.Kinuha niya ang kaniyang kwaderno at itinala dito ang panaginip gaya ng kaniyang nakagawiang gawin sa loob ng sampung taon.

2

Araw ng Biyernes sa kalye ng Taft, nakatunghay si Monroy sa kalsada at naghahanda sa pagtawid. Kung tarantado siya ay sumabay na sana siya sa mga malalakas ang loob na makipag-patintero sa mga sasakyan kahit pula ang ilaw ng traffic light. Samu't-saring emosyon ang kaniyang nararamdaman. Kaba, lungkot, takot, sabik at tuwa ang animo'y mga daliring halinhinan sa pagkiliti sa kaniyang tiyan. Mula sa kabilang bahagi ng kalye kung saan siya nakatayo ay tanaw niya ang pakay na unibersidad. Panay ang busina ng mga rumaragasang sasakyan – mga makukulay na jeep at taxi, mga parihabang bus at ang mga nauusong FX taxi. Unahan sa pagkuha ng pasahero ang mga astang hari ng kalye. Nakakita siya ng 3 smoke belchers na nagpa-iling ng kaniya. Ilang beses siyang napa-wow sa mga estudyanteng naka-motorsiklo ng walang suot na helmet. Tiningala niya ang ilaw trapiko at sa wakas ay nagbaga ang berdeng ilaw nito kaya naman kampanteng tinawid niya ang kalsada.

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon