10
Nagkita si Monroy, Kristine at Williard sa SM Manila. Kasama ni Monroy si Richard, ang bestfriend niya. Ipinakilala niya ito sa dalawa. Naging mas masaya ang usapan dahil sa pagiging kalog ni Richard. Panay ang tapon nito ng jokes.
"Ang kisig naman ng bestfriend mo, Monroy." sabi ni Kristine.
"Makisig ba yun eh pang-construction ang katawan. Hahaha!" sabi ni Monroy.
"At least hindi nagsasalita at naglalaway kapag tulog! Hahaha!" buska ni Richard.
"Hey, minsan mo lang naman akong nakitang naglaway! Hahaha!" paliwanag ni Monroy.
"What's your school?" tanong ni Kristine kay Richard.
"Dyan lang sa Quiapo. Criminology ang course ko." sagot ni Richard.
"Kaya pala maganda ang katawan mo." sabi ni Williard.
"Oo nga eh. Parang kargador sa pier." sabi ni Monroy.
"Maganda din naman ang sayo,Williard. Inggit lang sa atin si Monroy dahil tiyan lang ang malaki sa kaniya." sabi ni Richard.
"Meron pang isa! Hahaha!" sabi ni Monroy.
"Ano nga palang panonoorin natin?" tanong ni Williard.
"Check natin sa itaas." sabi ni Monroy.
Narating nila ang sinehan sa ikalimang palapag. Tiningnan ng apat ang mga posters ng pelikulang pwedeng mapanood.
"Let's watch "Finding Nemo." sabi ni Kristine.
"Wrong Turn" na lang, Kristine."sabi ni Monroy.
"Oo nga."sang-ayon ni Richard. Kahit pelikulang aksyon ang kaniyang hilig ay hindi na siya nakatanggi ng pandilatan siya ni Monroy. Ang isa pa ay mas gusto niya ang katatakutan kaysa sa "Finding Nemo".
"Ayoko ng horror movies. Iisa lang ang kwento. At least itong "Finding Nemo" iba ang pagkakagawa.Animated!" paliwanag ni Kristine.
"At ano naman ang kwento ng "Wrong Turn"." sabi ni Williard.
"Group of friends stranded in a place. Isa-isang mamatay maliban sa bidang babaeng. Puro habulan. Sometimes, mabubuhay din ang best friend niya." sabi ni Kristine.
"Baka naman makatulog lang kami dyan sa "Finding Nemo". Sayang lang ang 100 pesos." sabi ni Monroy.
"Sige sino ang may gusto ng "Wrong Turn"?" tanong ni Kristine
Nagtaas ng kamay si Monroy, Williard at Richard. Hindi na naka-imik si Kristine. Umismid na lang ito kay Williard. Bumili ang apat ng tickets at food at saka pumasok sa sinehan. Si Richard ay rootbeer lang ang binili dahil ayaw niyang kumakain habang nanonood. Hindi daw niya marinig ang mga dialogue.
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!