Kabanata 13

125 6 0
                                    

13

Alas-tres ng Sabado, magkasama si Monroy at Richard sa Pambansang Museo ng Bansa. Si Monroy na ang naging tour guide ni Richard. Alas-kwatro na ng marating nila ang ika-apat na palapag ng gusali. Nang marinig ng magkaibigan ang paalala na magsasara na ang museo, naghanap ang mga ito ng matataguan. Nagtago sila sa maintenance room. Sinuri ni Richard ang main controller ng mga ilaw at nalaman niyang indibidwal ang mga switch sa bawat palapag. Kumain muna sila ng ilang bars ng tsokolate at uminom ng tubig. Hinintay nilang pumatak ang alas-sais, ang oras ng hapunan at pagpalit ng relyebo ng mga gwardya. Sumapit ang takdang oras kaya naman pinatay ni Richard ang mga ilaw sa ika-apat hanggang anim palapag ng gusali. Napakadilim ng pasilyo. Liwanag lang ng buwan na tumatagos sa mga bintana ang pinagmumulan ng liwanag. Tinunton nila ang lihim na silid na natuklasan ni Monroy nung binisita niya ang museo. Gamit ang maliit na flashlight, pinindot ni Monroy ang dibdib ng agila at bumukas ang pintuan. Sa plano nila, mayroon lang silang 15 minuto para sa pagpasok sa lihim na silid, kumuha ng litrato ng bungo, lumabas sa silid at lisanin ang gusali. Nahirapan si Richard sa pagtunton sa makipot na daan dahil may katangkaran at kalakihan ang kaniyang katawan. Narating nila ang pakay at gumagana ang ilaw dito.

"Nandito lang yun!Nasaan na ang mga bungo?Nasaan na ang mga bungong may mga pangil?" galit na sabi ni Monroy.

"Saang banda mo ba nakita,par?" tanong ni Richard matapos iipit sa pantalon ang isang punyal.

"Nakakalat sa sahig dahil nga nasira yung lalagyanan. Napaka-imposible naman na mawala ang mga iyon. Maraming mga bungo na may mga matatalim na pangil. Malakas ang kutob ko na mga labi ng aswang ang aking nakita,par!"

"Dun ka tumingin, dito naman ako. Wag kang magalit at baka mawala tayo sa focus. 7 minutes na lang,par." sagot ni Richard sa kaibigan. Nakuha ng halamang may putting mga dahon ang kaniyang pansin.Sinubukan niyang pumitas ng dahon ngunit hindi niya magawa kahit anong lakas pa ng kaniyang pagpitas.Gamit ang punyal, nakakuha siya ng ilang mga dahon. Kaniya itong inilagay sa kaniyang bulsa.

Nagpatuloy ang magkaibigan sa paghahanap sa kanilang pakay ngunit sila ay bigo. Nanlulumong napaupo si Monroy sa sahig.

"Hindi ako susuko.Gagawa ako ng paraan at patutunayan ko sa propesor na yan na tama ang aking hinala. Hindi man ngayon ngunit sa darating na panahon." Litanya ni Monroy.

"Tutulungan kita,best friend. Sa ngayon, kailangan na nating umalis. Mayroon tayong 3 minutes para kumaripas ng takbo!

Nang makalabas sa lihim na silid, bumilang ang magkaibigan hanggang tatlo ay ubod ng bilis na tumakbo palabas ng museo. Hindi sila tumigil hangga't hindi nakakalayo. Narating nila ang kalye ng Taft at sabay na napabunghalit sa tawa ang dalawa!

zaXRlZ귖=

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon