16
Mabilis na lumipas ang mainit na buwan ng Hunyo.Naipasa ni Monroy, Kristine at Williard ang mga preliminary exams.Ganun din si Richard sa kaniyang unibersidad. Hulyo na ay hindi pa din dumarating ang ulan na inaasam ng mga magsasaka lalo na sa hilagang parte ng bansa.Sa rehiyon ng Visayas ay tuwang-tuwa ang mga may-ari ng resorts dahil sa walang tigil na pagdagsa ng mga turista mula sa ibang bansa. Bukod sa paglakas ng pwersa ng mga grupong kidnap-for-ransom ay tag-tuyot din sa Mindanao.Ang lahat ay naghihintay sa gabi dahil sa kakayahan nitong paalisin ang araw at taglay nitong init.
Sa kaniyang opisina, abala si Propesor Antonio sa pag-aayos ng mga bagong aklat. Katulong niya si Monroy at Kristine.Nauna ng umuwi si Williard ng sumapit ang alas-otso upang ipahinga ang mga namumulang mata. Pasado alas-nuebe na ng magulat ang tatlo sa paghangos ni Macario.
"Sir, may kaguluhan sa Damaso!" sabi ni Macario.
Mabilis na dinampot ni Propesor Antonio ang telepono at tinawagan ang pinakamalapit na guard post sa Unibersidad ng Damaso.
"Hulyo, anong nangyari sa UD?" tanong ni Propesor Antonio.
"May nasaksak pong estudyanteng babae sabi nung isang gwardya."
"Nasaksak? Bakit daw?Sino ang sumaksak?Nasaan na yung babae?" sunod-sunod na tanong ni Propesor Antonio.
"Nasaksak po, Sir. Hindi ko lang alam kung ano ang ginamit dahil napakalaki po ng sugat sa tiyan nung biktima." paliwanag ni Hulyo. "Hindo po alam kung sino ang salarin pero suspetsa ko eh snatcher ng cell phone! Ganun din ang iniisip ng gwardya ng UD. Inihatid na po yung biktima sa PGH."
"Mabuti naman kung naisugod agad sa hospital."
"Eh Sir,mukhang hindi na aabot ng buhay yun dahil maraming dugo ang naubos. Yung sugat niya sa tiyan ay kasinglaki ng kamao ko. Parang gawa ng shot gun!"
"Bakit wala naman kaming narinig na putok ng baril?"
"Ako din naman,Sir, walang narinig."
"O sige, Hulyo, pagbutihin mo ang pagbabantay dyan sa post mo. Baka naman makatulog ka naman. Maraming salamat sa impormasyon.May kape ka pa ba dyan?"
"Walang anuman,Sir. May kape pa po dito. Magandang gabi po."
"Magandang gabi. Salamat ulit." Ibinaba ni Propesor Antonio ang telepono at tahimik na dumungaw sa bintana. Ilang saglit pa ay muli siyang nagsalita.
"Macario, Monroy, Kristine, mayroong isang babaeng nasaksak. Estudyante ng UD. Sino sa inyo ang dumadaan sa Mabini Avenue tuwing uuwi?"
Umiling ang apat.
"Mabuti naman kung ganoon. Hangga't maari ay doon kayo dumaan sa Yala Boulevard o Gabriela Avenue.Matagal ng hinihiling ng Konkordya ang budget para sa lightings ng kalyeng iyan. Hindi na nga nagbigay, binawasan paang budget ngayong taon. Siguro naman ay alam niyo na ang dahilan." wika ni Propesor Antonio sa seryosong tono.
Muling napa-iling ang apat.
"Mabuti pa ay ipagpa-bukas na natin itong ating ginagawa. Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Paalala ni Propesor Antonio. "Ihahatid ko na kayo sa sakayan"
***
Sa tree house, nagbabasa ng diary si Monroy.
April 20, 1906 - noon
It was 12 noon and my curiousity on how the burial ceremony ended caused me a lot. When Romano told me that the husband of the deceased was not allowed to leave the cadaver, the first thought that entered my mind was "love". At the site, the horrific scene nearly made me faint. The decomposing cadaver was being devoured by maggots, flies and insects of different types.I even saw a snake.What bothered me were the bite marks that seemed to be from a big beast. Both legs were completely defleshed. And so did the two hands. There was no way that insects could have done that. The most shocking – the cranium was broken and the brain was missing.I hurried back to the village to report the incident but I came to my senses that Sagwan will not leave their dwellings at this time of the day. I started vomiting explosively. I ran to the river and it received my greenish ejecta. Green against the crystal clear water. The greenish substance was quickly engulfed by the hungry river. I knelt down to wash my face when I noticed something familiar in the water. It was an unopened chocolate bar that I gave to Tadakan to be distributed to Sagwan. I saw another chocolate bar. Then came three more. To my dismay, I saw 5 more packs along the bank. How I wish that the sun sets now. I have got a lot of questions to ask Tadakan. Night time is the only time when Sagwan leave their huts.
April 20, 1906 – midnight
The onion soup was fantastic tonight. It had meat of a wild chicken and potatoes, too.Tadakan was out for hunting, so I questioned Romano. It was difficult to explain to him what I saw this noon. I used illustrations but Romano seemed to be clueless of what I want to say. I told him to follow me to the burial site. At halfway, he realized what I am up to, so he stopped and begged me to go back to the hut. I did not give in and I literally dragged him but he refused sternly. He took my paper and pen, then draw pictures. Through the images he drew, I found out that wild boars devoured the cadaver. And they come back at night until the cadaver is completely consumed. Knowing the danger of these feral animals, we hurried back to the hut. Tomorrow, I shall take Romano to the river and show him the chocolate bars that have gone to waste.
Itinigil ni Monroy ang pagbabasa. Sino kaya ang may-ari nitong diary? Saang parte kaya ng Pilipinas matatagpuan ang Tribo ng Sagwan?Anong pangalan ng ilog?ang mga tanong na gumulo sa isipan niya. Pumasok siya bahay at dumiretso sa kaniyang kwarto. Gamit ang kaniyang DSLR, kinuhanan ni Monroy ng litrato ang bawat pahina ng diary. Nang matapos ay inilagay niya ang files sa kaniyang computer. Isinilid niya ang diary sa kaniyang bag.
2|Ol
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!