20
Kasalukuyang nagaganap ang isang rebelyon sa isang otel sa Makati. Ang mahigit tatlong daang sundalo ay pinamumunuan ni Kapitan Edifico at Tenyente Lianes. Kani-kaniyang ulat ng pinakasariwang balita ang mga TV networks. Sarado sa publiko ang Abenida ng Ayala.
Normal ang daigdig ng mga Pinoy sa ibang panig ng Metro Manila. Masusumpungan pa rin dito ang halu-halong mga tao na abala sa kanilang mga nakasanayang gawain sa araw-araw. Mga estudyante, propesyunal, negosyante, pulubi at maging mga tambay na wari ay nagsawa na sa ilang talunang rebelyon na isinagawa sa bansa. Ang ilan sa mga ito ay may sariling alalahanin kaya't ayaw ng magpahalaga pa sa problema ng bansa.
Matapos mabalitaan ang nangyayaring pag-aaklas sa syudad Makati, nagpunta si Monroy at Williard sa tambayan ng Akyat Kalikasan upang tanungin kung tuloy ang nalalapit na akyat sa bundok.Naratnan nila sa tambayan si Lily at Jeff na kumakain ng hamburger na dala ng lalake.
"Ooops, nakakaistorbo ba kami sa inyo?" tanong ni Monroy.
"Hindi naman.Loko ka Monroy ha.Pasok kayong dalawa.Parang alam ko ang sadya niyo." nakangiting sabi ni Lily.
"Mga papansin naman kasi yang mga sundalong yan. Mamaya ma-cancel pag-akyat natin." sabi ni Jeff.
"Papansin nga pero exciting din,diba?" tanong ni Monroy.
"Anong ibig mong sabihin?Paano ako matutuwa kung maging military ang gobyerno natin?" balik tanong ni Jeff.
"Sabi ng Lola ko ay ayos lang naman ang buhay nila noong panahon ng Martial Law.Dito lang naman daw magulo sa Manila. Gusto niyong drinks?" sabi ni Lily.
"Maraming salamat sa alok,Lily. Kukuha na lang kami sa fridge.Hindi naman siguro kanselado ang akyat.Nasaan na ba si Jay?" tanong ni Williard.
"Nasa klase pa.Aakyat naman dito agad yun once na matapos ang class niya." sagot ni Lily.
"Lily, tuloy ba ang akyat?" sabi ni Williard.
"Kung ako ang tatanungin niyo ay gusto kong tuloy dahil ready na tayo.The final decision ay manggagaling kay Jay dahil siya ang presidente natin.Hayaan, niyo dahil pipilitin ko siya.Hahaha." sagot ni Lily.
"Grabe din ang Pilipinas. Kagagaling lang sa EDSA 2 at EDSA 3, ngayon mutiny naman. Maging EDSA 4 kaya ito? Sana bumalik na si Magsaysay,my favourite president." sabi ni Jeff.
"Idol mo pala si Magsaysay.Ang American's pet president.Hahaha." sabi ni Monroy.
"Uy magaling yun!" sabi ni Jeff.
"Hanapin mo sa library yung book na "Waltzing with a Dictator". Makikilala mo si Magsaysay." sabi ni Monroy.
Naputol ang usapan ng bumukas ang pinto at iluwa nito si Jay. Nanahimik ang silid.Ang lahat ng mata ay nakatuon sa bagong dating. Mga matang nagtatanong kung tuloy ang pag-akyat ng bundok.
"Anong atin?Bakit tahimik kayo?" nagtatakang tanong ni Jay.
"Tuloy ba ang akyat natin?" sabay na tanong ni Wiliard at Lily.
"Oo naman! Wala naman sa Makati ang Mt. Banahaw!" sagot ni Jay.
Mistulang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Monroy at Williard ng malaman na tuloy ang kanilang akyat. Dali-daling ipinaalam ng una ang magandang balita kay Richard.***
Araw ng Sabado sa labas ng Pamantasan ay handa na ang lahat ng miyembro ng Akyat Kalikasan sa pag-alis. Ang lahat ay dumating sa napagkasundunag oras na alas-kwatrong madaling-araw. Walong miyembro ang hahamon sa Bundok Banahaw. Sakay ng isang dyip ay mabilis nilang narating ng terminal ng bus. Sinalubong ang grupo ng isang kunduktor.
"Pakipasok na lang sa compartment yung malalaking bag. Doon ang bilihan ng tiket." sabi ng kunduktor sabay turo sa kahera.
Apat na daan at sampung piso kada katao ang bayad sa bus patungong San Diego. Sapat naman ang upuan para sa lahat. Magkatabi si Monroy at Richard sa unang upuan. Nasa likudan nila si Williard at Jay. Nang makapili ng upuan si Jeff ay lumabas ito ng bus at inilagay ang kaniyang backpack sa compartment bago bumili ng makakain sa byahe. Pagsampa sa bus, bitbit nito ang dalawang sandwiches para sa kanila ni Lily. Katabi ni Kim si Nico. Si Lanie ay pinili ang pwesto sa likuran dahil nais pa nitong matulog ng nakahiga. Nang maisaayos na ang lahat ay pumasok ang kunduktor at nagsalita.
"Larga na tayo!"
BINABASA MO ANG
Mga Hiwaga ng Kasaysayan: Unang Baul
HorrorAng kasaysayan ay kwento ng sankatauhan.Paano kung ang mga salaysay na nakalimbag sa aklat at inaakala mong tama ay huwad at hindi ganap? Ano ang nakapangingilabot na lihim nito? Isang napakasamang kabuktutan na gigimbal sa mga Pilipino!