Kabanata 29-A

47 4 0
                                    

Lumipas ang araw ng Biyernes at nakapasa ang tatlong magkakaibigan ang kanilang mga natitirang pagsusulit. Wala din silang hindi nagawang requirements sa kanilang mga kurso maliban sa final paper ni Monroy sa Biology at Philippine History. Hindi na makapaghintay si Monroy sa pagdating ng araw ng Linggo kung saan ay sasamahan siya ni Richard sa PSO upang makipagkita sa isang tao na inirekomenda ni Col. Binas na makakatulong sa paghahanap ng birth certificate na kailangan sa kaniyang pananaliksik. Sumapit ang Sabado, ang araw ng patimpalak na sasalihan ni Kristine at ng Cheers!. Mahigit dalawang-libong tao ang dumating sa Manila Open Stadium upang tunghayan ang pagsasabong ng siyam na kuponan mula sa mga pamantasan ng Maynila. Ang palakasan ay itinaguyod ng samahang Little China in Manila. Walang bayad din ang ticket para sa unang pagkakataon na gagawin itong patimpalak. At dahil ito ay Sabado, hindi lang mga estudyante ang dumating, maging ang mga pamilya nila. Nagpakita din ng suporta ang mga opisyal ng mga unibersidad na kalahok. Sa isang bench, magkakatabi ang magkaibigang Monroy at Richard. Ilang sandali pa ay iniwan na sila ni Kristine upang magtungo sa silid na nakalaan para sa mga kasali. Kasama din ng magkaibigan sila Kim at Tomy, ang kanilang mga kapwa-miyembro sa Akyat Kalikasan. Nabanggit ng una na parating din si Jepoy. Alas-dos ang simula ng paligsahan ngunit wala pa si Williard. Paunti-unting napuno ang kanilang hanay ng mga atleta ng EK. Nakatanggap ng mensahe si Monroy mula kay Williard upang ipabatid na baka alas tres pa ito makarating. Sinabi naman ni Monroy sa kaibigan na ika-pito ang Cheers! sa mga magtatanghal kaya siguradong makakaabot ito. Ilang sandali pa ay nagsimula ang tunggalian. Nagpakitang gilas ang una, ikalawa at ikatlong pangkat. Sumunod dito ang isang musikal na pagtatanghal mula sa tanyag na koro ng Unibersidad ng Santo Tomas. Limang minuto pagkalipas ng alas tres ay muling nakatanggap ng mensahe si Monroy mula sa kaibigan. Itinanong nito kung anong grupo na ang kasalukuyang nakasalang. Sinagot niya si Williard at saka nagtanong kung nasaan na ang kaibigan. Hindi na ito tumugon pa. Dumating si Jepoy at umupo ito sa tabi ni Kim. Sa pagpatuloy ng paligsahan, isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga manood sa pangkat mula sa Mapua Institute of Technology, ang ika-apat na koponan na puro lalaki lang ang mga miyembro. Maraming pagkakamali ang sumunod na grupo dito. Naging paborito din ng mga nanonood ang pangkat mula sa Adamson University. Pasado alas kwatro na ng hapon ngunit patuloy ang pagdagsa ng mga tao sa MOS. Palakpakan ang lahat ng matapos sa pagtatanghal ng isang katutubong sayaw ang sikat na mga mananayaw ng Unibersidad ng Pilipinas. Nagulat si Monroy at Richard ng biglang sumulpot sa kanilang tabi si Williard.

"Putang ina, nakakagulat ka naman!" sigaw ni Richard.

"Hahaha! Para kang pusa Lard!" sigaw ni Monroy.

"Tama lang pala sa oras ang dating ko, mapapanood ko pa ang ating Cheers!." sabi ni Williard. "Ito ang meryenda."

Ibinahagi ni Williard ang dalang delatang soda at mga chichirya. Inabutan din nito si Kim at Tomy. Wala munang kumain sa mga magkakasama dahil ang lahat ay nakapokus sa pagtatanghal ng Cheers!. Kapansin-pansin na tahimik ang buong stadium. Walang mali sa mga stunts at maayos ang lahat ng routines. Nang dumating ang pinakahuling pyramid, nagawa itong perpekto ng mga cheerdancers kaya naman dumagundong ang buong stadium sa palakpakan at hiyawan. Matapos ang pagtatanghal, nagtungo si Kristine sa mga kaibigan.

"How was our performance, guys?" tanong ni Kristine. Tinaggap nito ang ang soda na inabot ni Williard.

"It was pefect!" sagot ni Monroy.

"Kayo yata ang may pinakamalakas na palakpakan!" dagdag ni Richard.

"Parang sasabog yata ang aking mga tainga sa lakas. Iyong pinakahuling pyramid ang nakakamangha. Kaya mo palang buhatin si Katrina!" sabi ni Williard.

Binati din ni Kim, Tomy at Jepoy si Krsitine. Napansin na lang ni Monroy ang pagluha ni kaibigan.

"Oh, anong nagyari, bakit ka umiiyak?"

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon