Kabanata 9

240 5 0
                                    

9

Pagdating sa bahay ay mabilis na naghapunan si Monroy. Pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay dali-dali niyang inilabas ang diary at ipinatong ito sa kaniyang kama. Siya ay naligo at saka nagpalit ng malinis na damit. Umupo siya sa kama at dinampot ang diary. Luma na ito at hindi na kumpleto. Maingat niyang binuklat ang pahina ng diary at sinimulan ang pagbabasa.

December 3, 1905

        I am deeply saddened by the fact that I can not be with my parents this coming Christmas. This is not to say that I do not enjoy my stay here. Our brown-skinned brothers and sisters are very hospitable. I am living a good life here next to Tadakan, the kind-hearted elder, who always delivers sacks of onions to me every morning. I enjoyed native onions but lately,  I accept the offerings out of respect. What shall I do with them? It seems that I am the only man in this village who eat onions.

December 4, 1905

       The aroma of onions woke me up. I nearly vomited at the sight of them in my door, but quickly held myself when I saw Tadakan looking at me. He had this smile that I do not want to think as ungenuine. Something in his eyes speaks sorrow. After lunch, Romano, took me to a small hut. Upon entering, I saw baskets, knapsacks, and huts all made of rattan, the local palm tree. I picked one basket and inspected it. The quality of handwork is absolutely amazing. Neither the natives of Sumatra nor Guinea can weave such beautiful crafts.  I must speak to Cole and Lewis about these if they want great collections for the project they are working on now.

Isinara ni Monroy ang diary at matamang sinuri ang pabalat nito. Bakbak na ito kaya’t hindi na mababasa pa ang kung anumang nakasulat. Binusisi niya ang tagiliran at likod ng diary sa pagbabakasakaling nakasulat dito ang pangalan ng may-ari ngunit nabigo siya. Kunot ang noo na bumuntong hininga si Monroy. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

January   13, 1906

      When Spanish Friars mentioned the indolence of the natives, I doubted the veracity of it. Sagwan are industrious people and a smart race. They are crepuscular and like to work from dawn to morning, so that in the afternoon, they are all resting, thus avoiding the sun. It makes sense to me that …..

Punit ang pahina ng entrada at nagdulot ito ng kaunting inis kay Monroy. Nasa katwiran ang sinabi ng sumulat ng diary dahil hindi naman tama na tawaging tamad ng mga Kastila ang mga Piipino kung sa madaling araw naman pala nagtatrabaho ang mga ito. At isa pa, paano naman magiging masipag ang isang trabahador kung sapilitan at maliit naman ang kabayaran na tatanggapin.  Ilang mga tanong ang nabuo sa kaniyang isipan – May tribo bang Sagwan sa Pilipinas? Saang parte ng Pilipinas ang binanggit sa diary? Sino at ano ang lahi ng may-ari ng diary? Maingat na isinara ni Monroy ang diary at itinago ito sa isang maliit na tokador. Tumayo siya at binuksan ang kaniyang computer upang magsaliksik. Binuksan niya ang search engine na Google. Ipinasok niya ang salitang Sagwan, indigenous tribes, Philippines. Ilang Segundo lang at lumabas ang ilang pahina at pinindot niya ang isa sa mga ito ngunit wala dito ang Tribo ng Sagwan. Pinindot pa niya ang ilang websites ngunit nabigo siyang makakalap ng impormasyon tungkol sa tribo. Tumunog ang kaniyang telepono dahil sa tawag ni Richard.

“Hello,Par,kamusta Biyernes mo? Anong ginagawa mo?” sabi ni Richard.

“Ok naman Friday ko.I am surfing the web now.”

“Sige surf ka na naman ng porno sites dyan. Anong oras nga pala gimik natin bukas?”

“1:00 pm ang meeting time sa SM Manila. 12:00 noon on the dot tayo aalis.”

“Sino bang mga kasama bukas?”

“Si Kristine at Williard. Palagay ko magugustuhan mo si Tin.Maganda na eh matalino pa.”

“Hindi nga? Kung ganun eh matulog na tayo at baka tanghaliin pa ako ng gising.”

“Baka hapunin kamo. Kapag nagkaganun ay mauuna na akong umalis. Sumunod ka nalang. Hahaha!”

“Kaya nga matutulog na ako. Good night. Kita-kits bukas.”

“Good night,Par.”

Napabuntong-hininga napahikab si Monroy bago niya pinatay ang computer at ilaw at saka natulog. 

Mga Hiwaga ng Kasaysayan:                               Unang BaulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon