40. Bakas

2 1 0
                                        

Ilang buwan na rin ang lumipas. Ilang araw na rin ang natapos. Patuloy ko pa ring inaalala ang mga pangyayari ng nakaraan. Naririnig ko pa rin ang tunog ng 'yong bawat halakhak, ang tamis ng 'yong bawat ngiti, ang ganda ng 'yong mga mata.

Pangalan mo pa rin ang naaalala sa mga kanta. Mukha mo pa rin ang naiisip sa bawat musika, sa bawat romantikong salita at mga liriko. Ikaw pa rin ang palatandaan ng pag-ibig, ng kakulangan, ng kalabisan at ng sakit. Ikaw pa rin ang puno ng luha, ng paghikbi, ngunit ikaw rin ang sanhi ng kilig at pagtawa. Ikaw pa rin ang aking dahilan at ikaw pa rin ang sanhi ng bawat paggaan ng kalooban at ng matatamis na pagngiti. Kabilang ka pa rin sa mga piraso at pyesa, ng bawat bahagi na bumubuo sa mga palaisipan. Ikaw pa rin ang maningning na bituin, ang maliwanag na buwan, ang dilim na walang kasiguraduhan.

Hindi ka naglaho noong ika'y nawala. Dahil nananatili pa rin ang 'yong mga ala-ala sa patuloy kong pangungulila.

Pieces of ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon